Chapter 44

52.4K 760 44
                                    

"Are you ready Jade?" tanong sa kaniya ni Mr. Reyes

Kasalukuyang nasa labas ng interrogation room ang lahat. Mula sa labas makikita si Spencer na nakaupo sa isang kwartong tanging dalawang upuan at isang mesa lang ang meron. Nakaposas sa likod niya ang kaniyang mga kamay.

"Yes sir" sagot ni Jade, hindi pa rin naaalis ang tingin niya kay Spencer.

"Here" iniabot sa kaniya ang isang earpiece at pumasok na siya sa loob. Agad tinungo ni Jade ang upuan sa tapat ni Spencer.

Halos pigil ang hininga ng lahat ng tao sa labas ng kwarto, umaasa silang magiging matiwasay ang mangyayaring komprontasyon ng dalawa.

 Matapos ang ilang minuto ng katahimikan sa pagitang ng dalawa, nagsimula ng magsalita si Jade.


"Ikaw ba ang pumatay kay Mark Saavedra?" tanong ni Jade sa binata.

Iniangat ni Spencer ang ulo mula sa pagkakatungo bago sumagot "Oo, ako nga Jade, ako ang pumatay sa kaniya 6 years ago.".

Nang dahil sa sinagot ng binata nararamdaman ni Jade ang dulot ng adrenaline sa katawan niya, pero sinusubukan niyang wag mapatay ang taong nasa harap niya.

"Bakit" tumigil panandalian si Jade at matalim na tumingin sa mga mata ng binata "Bakit mo siya pinatay, anong kasalanan niya sayo?".

"Dahil MAHAL kita Jade!" diretsong sagot ng binata, hindi na napigilan ni Jade ang sarili niya agad niyang dinukot ang baril na nakasabit sa gilid niya at pinaputok ito, dumaan ang bala sa ibabaw ng ulo ni Spencer at tumama sa bakal na dingding ng kwarto. Konting pagkakamali lang ng galaw ni Spencer maaring mawakasan ang buhay niya.

Nagulat naman ang lahat sa ginawa ni Jade.

"SHIT!" sigaw ni Mr. Reyes ngunit ng buksan niya ang pinto inilock pala ito ni Jade mula sa loob. "JADE ! OPEN THIS DOOR!" saad ni Mr. Reyes

"Wag kayong magalala, alam ko ginagawa ko" kalmadong saad ni Jade ngunit nakatutok pa rin ang baril kay Spencer

"YOUR GOING TO KILL HIM JA--" hindi na narinig ni Jade ang mga sumunod na sinabi nito, kinuha niya ang earpiece ang itinapon ito sa sahig. Bumalik ang tuon niya sa binata.

"Tatanungin kita ulit Spencer, bakit mo pinatay si Mark Saavedra, siguraduhin mong maayos ang isasagot mo kungdi, hindi na ako magdadalawang isip na papasukin ang bala sa ulo mo" ikinasa ni Jade ang baril kahait nakatutok pa rin ito kay Spencer. 

Pansin ni Jade na pinagpapawisan na ang binata natatakot itong ituloy ni Jade ang balak, maingat niyang inisip ang mga sasabihin bago magsalita "H--hindi mo ba n--aaalala Jade?"

"Ang alin?" tugon nito ngunit hindi pa rin niya binababa ang baril

"A--kala ko ba sabi mo nung nasa warehouse tayo, n--aaalala mo na ?"

My Wife is a Secret AgentWhere stories live. Discover now