Chapter 15

55.3K 906 40
                                    

"Ahmmm .. Spencer ?"
"Po?"
"Sinasadya mo lang ba ito ?"
"A-ang alin po?"
"The spelling of CADENCE is C-A-D-E-N-C-E but you spelled it CADENC ..."
"P-po?"



"49/50 tha'ts your score, magpalit ka na at magsisimula na tayo ng physical training mo mauna ka na sa training ground susunod na ako .."


Tumayo na si Spencer at nag-hand salute

 

Pero bago ito tuluyang makalabas tinawag muna niya ito
"Spencer ... "

Lumingon ito sa kanya "Yes mam?"

 
"You never fail to amaze me" Jade said smiling



 

SA TRAINING GROUND



Kanina pa ngingiti-ngiti si Spencer dahil naaalala niya ang compliment sa kanya ni Jade pagkatapos ng exam.

"Yes konti na lang ... alam ko maaalala din niya ako" sabi nito sa sarili



Dumating na si Jade dala-dala ang grading sheet ni Spencer.



"Ready?" tanong nito kay Spencer pag-kaharap nito pagkatapos mailapag ang bitbit na documents. "Sa grade mo ako mag-babase kung tatanggapin pa kita bilang trainee ko.." sabi ni Jade



"P-po? di ba ikaw na ang mag-tetrain sa akin.."



"Depende sa grade mo ngayong araw, pag-mataas ang nakuha mo tatanggpin pa rin kita pero pag mababa ibabalik kita kay Aby.."


"B-bakit ?"



"Simple lang mataas man ang nakuha mo sa written pero kung bagsak ka sa physical ano pa ang dahilan para maging trainee kita, isa pa bukod sa talino, kailangan mo rin ng katawan para maging isang tunay na agent.. hindi sa lahat ng pag-kakataon pwede mong talunin ang kalaban sa pamamagitan ng utak minsan kaialangan mo ring daanin sa dahas .."

Napayuko na lang si Spencer sa mga sinabi ni Jade

Pero nabigla ito ng bigla siyang higitin ni Jade sa leeg at sikmuraan



"M-aam?" sabi nito habang hawak hawak ang tiyan at nakahiga sa sahig


"Tumayo ka dyan ! huwag mong isipin na babae ako at mas nakakataas sayo! gumanti ka Spencer dahil hindi sa lahat ng pag-kakataon pwede kang maawa na lang sa mga taong nasa paligid mo!"



Kinuweluyuhan niya si Spencer at sinapak sa mukha, lalo naman ito napaharap sa sahig.


Ganito mag-train si Jade pinipilit niyang galitin ang mga ito dahil gusto niyang makita kung hanggang saan ang limit ng pasensya nila dahil mahalaga ito sa trabaho.



"ANO ! tumayo ka dyan Spencer ! pinapatunayan mo bang hindi ka karapat-dapat maging trainee ko! ang ayaw ko sa lahat ung DUWAG !"



Napintig naman ang tenga ni Spencer ng marinig ang salitang iyon, bigla siyang tumayo, hinigit niya si Jade hanggang sa mapasandal ito sa puno at kinulong ito sa mga bisig nito.



"Kahit kailan hindi ako DUWAG !" pagtataas ng tono si Spencer "May mga bagay na akong nagawa na hindi kayang gawin ni ibang tao ! kaya kailanman man huwag mo akong sasabihan ng duwag!"



Bigla namang nagtaas ng kamao si Spencer akala ni Jade susuntukin siya nito pero sa puno tumama ang mga kamao niyang puno ng galit at hinanakit, ngaun lang nakita ni Jade ang ganitong side ni Spencer.


Nang-maka recover si Jade hinawakan niya ang parehong braso at unti-unti tinggal sa pagkakahawak sa puno, tinaas niya ang mukha ni Spencer at niyakap niya ito.

"You deserve to be my trainee Spencer ..." bulong niya dito

____________________________________________________

Read.Read.Read

A/N:

Waaahhh ang engot ni Author .. mali ung picture na in-upload ko sa Chapter 14 Cruz lang nalagay ko Dela Cruz pala ahhahahha .. engot much ! sariling character hindi alam heheheh

Ung mga silent reader ko, paramdam naman kayo !! :) Love you all
Sana nagustuhan niyo ung Chapter na ito !!

Dont forget to leave a comment and vote if you like the Chapter  !! :)

My Wife is a Secret AgentWhere stories live. Discover now