Chapter 4

80.7K 1.3K 20
                                    

Nakarating na sa bahay nila si Jade at sinalubong siya kagad ng kuya niya.

"Payakap nga, namiss ko ang baby namin" sabi ng kuya Harris niya

Siya si Harris Manzano, matangkad, gwapo pero may pamilya na. Nagtratrabaho siya bilang isang accountant sa bangko. Isang secret agent din sana siya dahil yun ang gusto ng ama nila pero hindi niya ito sinunod dahil nakatakda na siyang ikasal noon. Pero kahit ganun masaya siya at kontento siya sa buhay na meron siya kasama ang asawa at anak niya.

"Kuya naman, mamaya may makarinig sayo ei, asarin pa ako" nagpout si Jade

"Ikaw talaga siguro siga ka pa rin sa office nyo mamaya nyan mapagkamalan kang tomboy hindi ka na magkaasawa"

"Che ! ewan ko sayo !" naglakad na papasok ng bahay si Jade

Nang makita niya ang mama at papa niya niyakap niya kagad ito

"MA !! PA !! miss na miss ko na kayo!!! "

"Kami din, kamusta ka ha ?" tanong ng mama niya

"Okay lang ako ma, dont worry"

"Mukhang galing ka sa trabaho ah"

"Opo pa, drug den naman po ngaun"

"Mam, Sir ready na po ang pagkain" sabi ni manang Loisa

"Waaaaa ... manang miss na kita !!!" niyakap ni Jade si manang

"Miss ko na rin ang alaga ko, lalo kang gumanda ah"

"matagal na po" tapos nagtawanan sila

Habang kumakain, nagkwe-kwentuhan na rin sila, hanggang sa mapunta sila sa usapan ng KASALAN

"Anak"

"Yes ma?"

"Ilang taon ka na ?"

"28 po bakit?" napabuntong hininga naman ang mama niya

"Anak , wala ka ba talagang balak bigyan kami ng apo?"

Nasamid naman si Jade sa sinabi ng papa niya at biglang naalala na kinakabahan siya habang papunta sa bahay nila ... kinkutuban na si Jade

"Pa, alam niyo naman na bawal ako magkaasawa,saka sa tingin mo ba maipagpapatuloy ko ang trabaho ko kapag nagkaasawa na ako?, pa, di ba yan din ang dahilan ni kuya dati... hindi ko makakaya na ilagay din ang buhay ng asawa at anak ko sa piligro, mas mabuti ng ako na lang"

"Pero anak, malapit ng lumagpas ang edad mo sa kalendaryo" naiiritang sabi ng papa niya

"Kaya nyo ba kami niyaya mag dinner ni kuya para dito?"

"Partially yes" sabi ng mama niya

Aakmang tatayo na sana si Jade dahil paulit-ulit na ganito lang ang eksena nila sa loob ng limang taon. Pero ikinagulat niya ang susunod na sinabi ng mama niya.

"January 23, wednesday, 8:oo pm, Manila Hotel you will meet HIM"

"WHAT?" sabay na sabi ni Harris at Jade

"Ma, you've gotta be kiding me,"

"No, were not fooling around young lady, you'll going to marry someone this year"

"What, no no no" natatarantang sagot ni Jade" ganyan ba kayo ka-desperado?"

"Anak, ikaw lang ang inaalala namin , alam naming masakit pa rin ang nangyari sayo 5 years ago at alam naming isa din yun sa mga dahilan mo kung bakit ayaw mo pa ulit makipag-relasyon"

"Alam nyu naman pala ma ei, pero bakit pinagpipilitan nyu pa?"

"Young lady, kailangan mong sumunod sa amin or else alam mo kung ano ang kaya kong gawin" sabi ng papa nito na isang maimpluwensyang tao pa rin sa INTERPOL kahit retired na ito

Wala ng nasabi pa si Jade umalis na ito sa harap ng mga magulang at kapatid, dahil alam niyang problema ang papasukin niya pag nag-kataon.

Kabisado ni Harris ang kapatid kaya sinundan niya ito sa may garden para kausapin

"Jade ..." sabi  ni Harris

Tumingin lang ito sa kanya at tumabi na siya kay Jade, sinandal naman nito ang ulo sa kuya niya

"Baby ko, don't you think may point din sila mama at papa?"

Tumingin ito sa kuya niya

"Alam naming masakit ang nangyari sayo 5 years ago, at alam ko na bilang isang agent ang pagpapahalaga sa buhay ng tao kadugo mo man o hindi ang pangunahing trabaho mo, pero lets face the fact na kailangan mong mag-move on at hindi na rin biro na tumatanda ka na" sabi ni Harris habang natatawa tawa

"Kuya naman ei, alam ko naman yon, pero ...."

"Pero ano Jade? hahayaan mo na lang bang ibaon ka ng nakaraan, sa tingin mo ba matutuwa siya sa ginagawa mo sa sarili mo? give it a try Jade, hindi masamang sumugal ... manalo ka man o hindi sa huli at least alam mo sa sarili mo na sinubukan mo" sabi na Harris na mukhang seryoso sa mga sinabi niya

Tumungo nalang si Jade bilang pag-sang ayon niyakap niya ang kuya niya

"Thanks sa lahat kuya, sa tingin ko rin naman I dont have any other choice, alam kong hindi rin biro ang pwedeng gawin ni papa pag di ako sumunod"

"That's my girl, so ano pasok na tayo?"

"Sige"

My Wife is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon