Chapter 21

57.6K 886 30
                                    

"Ui, Harris, sobra na yata 'tong ginagawa natin, baka dahil dito hindi pa matuloy ang honeymoon nila, sabihin kaya nating time na para umalis sila" alalang sabi ni Esme kay Harris

"Ano ka ba, kaya yan, si Jade pa" he smirked "ei gustong gusto na nung magbakasyon, kaya I'm sure aabot sila sa flight... o ayan na sila, sumakay ka na lang sa akin ah, ako ng bahala"

"Sige na nga"

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - --

"You really are beautiful Jade"

"Thank you po tita" Jade smiled

"Nak, wag masyadong pilyo pagdating nyu dun ah" everybody laughed sa tukso ni Edward sa anak, napahagod na lang tuloy ito sa batok

Patuloy sa pagkwekwentuhan ang kani-kanilang pamilya ng biglang dumating si Esme at Harris na hingal na hingal at halatang galing sa pagtakbo

"Ja-de ! K-kyle!" sabi ni Esme hinihingal pa

"Ano yun ate?" alalang tanong ni Kyle

"Sorry , I lost track of time, nakalimutan kong 8 PM pala ang flight nyu papuntang Korea" sabi ni Harris

"ANO ! pero 7 PM na kuya an hour na lang !" inis na sabi ni Jade

"Sorry talaga Jade"

"Nasan ang kotse at gamit namin?"

"Ok na ang sasakyan ni Kyle sa labas, pati ung gamit nyu nilagay na namin sa trunk, ito ang passport at ticket nyu, bilis Jade alam kong makakahabol pa kayo, bilis na"

"Sige ma, pa bye na po, paki sapak na lang si Kuya ah" nagpaalam na sila sa mga magulang nila at tumakbo na palabas ng venue sila Jade at Kyle

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - --

Nang aktong bubuksan na ni Kyle ang driver's seat, bigla siyang hinawakan ni Jade sa braso.

"Wait" Jade called "I'll drive, give me the keys"

"You sure?"

"Yah, may alam akong mas madaling way para makapunta ng airport"

"Okay, here" iniabot ni Kyle ang susi kay Jade

Nang makaupo na ang dalawa, inayos na nila ang seatbelt and Jade started the engine

"Wala ka namang sakit sa puso diba ?" random na tanong ni Jade kay Kyle

"W-wala naman bakit?"

"Then get ready" Jade stepped on the accelerator

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - --

Alam ni Jade na pakana na naman ng kuya niya ang mga nangyayari, sa madaling salita pinag-tritripan na naman siya. Alam kasi ng kuya niya na kayang gumawa ng paraan ni Jade maka-abot lang sila sa flight, alam nito kung paano siya mag-drive.

My Wife is a Secret AgentWhere stories live. Discover now