Chapter 46

49.2K 803 24
                                    

"Mam Jade pupunta po ba kayo?" tanong ni Shiela

"Yup" tugon ni Jade habang inaayos ang gamit niya

"Gusto niyo po ba ng kasama?" 

"Sige" Jade replied

The day after the incident, nagpatuloy ang investigation, Jade thanked the CCTV that captured everything that night and the three of them was freed from further investigation. No charges was pressed against her because they proven that what happened that night was mearly a self-defense.

Kasabay nito ang pagaasikaso ng burol ni Spencer. Jade tried to search for his parents or relatives pero napagalaman nilang wala na rin pala ang ama nito, namatay ito dahil sa liver cancer two years ago at only child lang din si Spencer. When they tried to reach his relatives in Batangas, sinabi nilang hindi nila kilala si Spencer pero ang ama nito kilala nila, pero hindi rin maganda ang relasyon nila. Doon lang din nila nalaman na patay na ito at anak ng kapatid nila si Spencer but nonetheless they dont seem to care for him.

Kaya walang nagawa si Jade kungdi ang asikasuhin ang lahat, walang masyadong bumisita tanging si Jade lang at ang team nito ang nagbabantay sa simbahan kaya naman after two days, ipinalibing na ni Jade ang mga labi nito. Si Jade, Mr. Reyes at ang team niya ang tanging dumalo ng araw na iyon.

Today is the fortieth day of his death kaya nagpunta si Jade at Shiela sa simbahan to at least pray for him.

"God knows how clear my intentions for him were" said Jade habang nakatingin sa krus sa harapan ng simbahan, katabi niya si Shiela "The only thing that I want for him is to have a normal life, it never came to me na magiging ganito ang kahihinatnan niya"

"Oo nga po mam ei, pero sabi nga po nila everything happens for a reason po" saad ni Shiela.

"You're right" Jade replied

Matapos nilang makapagdasal ay ibinaba ni Jade si Shiela sa isang mall nakita din ni Shiela na nanduon si Jake na siyang ipinagtaka niya.

"Mam bakit tayo nandito saka bakit po nandito si Jake?" tanong ni Shiela. Pero hindi sumagot si Jade ibinaba niya ang bintana sa gilid ni Shiela sumilip si Jake at nagulat din siya ng nakita niya si Shiela sa loob

"M-mam bakit niyo po ako pinapunta?" tanong ni Jake.

"Alagaan mo muna ito, may pupuntahan lang ako. Huwag mong gutumin ah, masama yang magutom." sabi ni Jade kay Jake

"P-po?"

"MAM!" sigaw ni Shiela

"What?" painosenteng saad ni Jade kay Shiela "Sorry kasi nakalimutan ko may pupuntahan pa ako, kaya pinasama muna kita sa kaniya kesa naman iwanan kita mag-isa di ba? Kaya sige na baba na" 

My Wife is a Secret AgentWhere stories live. Discover now