Chapter 49

57.2K 856 22
                                    

Balik na sa trabaho ang dalawa matapos ang isang linggo nila sa Paris, sabay nilang pinaandar ang mga kotse palabas ng garahe at tumungo na sa kani-kanilang destinasyon. 

Pinarada ni Jade ang sasakyan at tumungo na papasok ng opisina, dala-dala ang ilang pasalubong para sa mga kasamahan, pero para kay Shiela, sisingilin muna niya ito bago niya ibigay ang sa kaniya.

"Goodmorning mam Jade" tapos sumaludo ang gwardya sa kaniya

"Kuya, wag na po mam Jade, maglilimas na po ako ng gamit ngayon" tugon niya 

"Nako mam, wag niyo pong asahan na maaalis agad yun sa sistema ko" gumanti lang ng ngiti si Jade at tumuloy na sa opisina nila.

Pagkapasok niya na opisina, binati muna siya ng mga katrabaho, tumuloy na siya sa opisina niya habang nakasunod si Shiela, tumungo siya sa lamesa niya at pagkaharap niya sa kaniya, ibinato ni Jade ang plastik na may lamang hand-cuffs, nasalo naman ito ni Shiela.

"Hahaha, mam nagamit mo?" tukso pa nito sa kaniya.

"Do you really think gagamitin ko yan, hanga din naman ako sa fighting spirit mo at talagang pumunta ka pa sa bahay para ilagay lang yan" sarkastiko nitong sabi

"Ei kasi naman hindi ka papayag pag binigay ko lang sayo ng ganito" sabay tawa "Ano? kamusta? masarap ba ung ano, ung alam mo na? ahaahahhaa" binato siya ni Jade ng kung ano ang unang mahawakan nito.

"Magtigil ka nga, sige mangulit ka pa at hindi ko ibibigay sayo ung binili ko"

"Eeeehhhh meron? meron nga?" agad ito lumapit sa lamesa ni Jade at nangningning ang mga mata.

Kinalaunan, pinatawag siya ni Mr.Reyes para sabihing, naibalik na ang mga armas na sinurrender niya at naipasa na rin sa iba ang trabahong naiwan niya. Nagdesisyon din silang dalawa kung sino ang papalit kay Jade para maging team leader ng grupo.

After nilang makapag-usap ay pinagpatuloy na niya ang paglilinis sa opisina, buti na lang din at tumulong si Shiela sa kaniya. Pagkatapos niyang maglinis pinatawag niya ang team. Nakatayo sila sa harapan ni Jade habang nakaupo naman ito sa swivel chair.

"I just want to tell you kung sino ang papalit sa akin, ngayong nag-resign na ako, and it is none other than, Richard." 

"Congrats pare" bati sa kaniya Jake

"The decision was made by me and Mr.Reyes, and I hope no hard feelings about this. I also hope that you'll give the same treatment and respect to him as you're new team leader. I expect you to take care of this team Richard" 

"Yes mam" at sumaludo ito sa kaniya

"By the way, I'm giving you the choice if you want Shiela to stay as you're assistant in this office but I bet no, or to pick someone to be with you in this office"

"Ah mam, si Jake na lang po, baka po hindi pa ako nakakasimula sa trabaho pinatay na ako ng katabi ko pag pinili ko si Shiela" he's pertaining to Jake, natawa naman sila sa sinabi nito.

My Wife is a Secret AgentWhere stories live. Discover now