Chapter 40: DAY 1 (Part1)

49.9K 720 37
                                    

A/N:  Ung song sa gilid, yan ung lagi kong pinakikinggan kapag gumagawa ako ng UD. Just play it sa later part ng UD. Thanks, o sige basa na :D

_________________________________________________

"J-jade, she knows about you, I'm sorry, I'm really sorry .."



Patuloy ang pag-agos ng mga luha sa mga mata ni Jade, hindi niya alam kung paano na niya pa nakukuhang mag-drive papunta ng INTERPOL sa kabila ng lahat, nawawala ang asawa niya at pauli-ulit sa isip niya ang mga sinabi ni Cyrus kanina, hindi siya makapaniwala kung pano? kelan? o saan? unang naghinala sa kaniya si Kyle.

Agad niyang inihinto ang kotse sa harap ng building at agad na nagtungo sa opisina, pagkapasok na pagkapasok pa lang niya, hinigit niya sa kwelyo si Cyrus at binigyan niya ito ng isang malakas na suntok, hindi pa siya nakuntento, sinugod niya ulit ito kahit hindi pa nakakatayo at muling niya itong sinuntok sa mukha.

Nasa INTERPOL si Cyrus dahil dito nila napagkasunduan magkita ni Jade, hindi na nagdalawang isip na pumayag, tutal alam na rin naman nito ang tungkol sa kaniya at alam niyang may maitutulong ito sa imbestigasyon pero sa ngayon, mas nangingibabaw ang galit kay Jade.

"SHIELA ! KEITH ! AWATIN NIYO SI JADE, MAPAPATAY NIYA SI CYRUS" sigaw ni Mr. Reyes sa kanila, agad naman nilang nilapitan si Jade, inalalayan naman ng iba si Cyrus para makatayo.

"JADE HUMINAHON KA! WALANG MAPUPUNTAHAN YANG INIT NG ULO MO!" saway sa kaniya ni Mr. Reyes

"HUMINAHON? PANO AKO HIHINAHON KUNG HINDI KO ALAM KUNG NASANG LUPALOP NG PILIPINAS ANG ASAWA KO! KUNG HUMIHINGA PA SIYA... KUNG ..KUNG BUHAY PA SIYA!, BENTE-KWATRO ORAS NG NAWAWALA ANG ASAWA KO! TAS MALALAMAN KO PANG ALAM NIYA ANG TUNGKOL SA AKIN SA TINGIN NIYO, KAKALMA AKO LAHAT NG NANGYAYARI SA PALIGID KO?!" sigaw ni Jade sa kanila habang patuloy pa rin sa pag-iyak

"I'm sorry Jade ..." - Cyrus, agad namang nakakawala sa hawak nila Shiela si Jade at kinuwelyuhan si Cyrus.

"SORRY? SANA ALAM MO YAN NUNG ARAW NA PINA-IMBESTIGAHAN NIYO AKO, NUNG MGA PANAHONG SINABI MO KAY KYLE ANG LAHAT, HINDI NIYO BA ALAM KUNG ILANG TAO NA ANG NAPASOK KO SA KULUNGAN HA ? CYRUS? ... ILAN SA KANILA ANG NAGBANTA NA SA BUHAY KO? .. ILAN SA KANILA ANG NAKALAYA NA? HA? ALAM MO BA YON? PANO KUNG ISA SA MGA YUN ANG MAY HAWAK KAY KYLE NGAYON? MAY MAGAGAWA KA ?" nang-gigigil na saad ni Jade kay Cyrus habang hawak pa rin niya ng mariin sa kwelyo si Cyrus.

"Keith! Umpisahan niyo na nag pag-hahanap, lahat ng pwedeng mapuntahan ni Jimenez tignan niyo, ang mga ruta niya papunta ng trabaho o kahit saan pa, i-check niyo ang lahat ng CCTV, pati ang GPRS ng sasakyan ang cellphone niya, tignan niyo, Richard, i-control mo ang lahat ng impormasyong pwedeng makakalabas, walang dapat maka-alam ng lahat ng nangyayari maliban sa mga taong nasa loob ng kwartong ito, Gale at Spencer, i-set nyo ang tapping device sa cellphone ni Cyrus at Jade, i-record niyo ang lahat ng mga tawag at text na matatangap, naiintindihan niyo?"

My Wife is a Secret AgentWhere stories live. Discover now