Chapter 1

131K 1.9K 33
                                    

"Another job well done agent Jade"

"Thanks sir"

"So I think you should go now alam kong masyadong malaki ang kasong ito at kailangan mo ng magpahinga"

"Sige po"

Siya si Rose Jade Manzano, isang SECRET AGENT sa INTERPOL. 5 years na siyang nasa linya ng ganitong trabaho at hindi lang isang trabaho ang tingin niya dito kungdi isang passion, mahal niya ang pagiging secret agent niya kahit maraming dapat isakripisyo at alam niyang laging nasa bingit ang buhay niya.

"JADE !"

Tumingin siya sa likod niya para makita kung sino ang tumawag sa kanya

"Oh, Shiela bakit ?"

"Sabay na tayo"

"Sige

Magka floor lang ang pad ng dalawa kaya madalas silang sabay kapag umuuwi. Isa ring Secret Agent si Sheila Cruz pero 2 years palang ito sa trabaho kaya under siya kay Jade.

*Dingdong*

Galing sa kwarto niya, sinilip ni Jade kung sino ang nag door bell

"Hi mam ! inom tayo dali"

"Alam mo kakaiba ka rin niyayaya mo ang mas mataas sayo na makipag inuman, alam mo bang bawal yan ?"

"Sige na Jade !!! wala na naman tayo sa work ei"

"Ah ganon .."

HIndi na rin matiis ni Jade si Shiela dahil para sa kanya tinuring na niyang batang kapatid si Shiela at gusto na rin niyang uminom, matagal tagal na rin kasing hindi siya nakakaranas ng night life simula ng nagtrabaho siya

Bigla na lang dumiretso si Shiela sa kusina kumuha ng baso at yelo dala dala ang 2 bote ng wine ( na hindi ko alam kung pano niya binitbit lahat) umupo 2 sa living room, hindi na niya hinintay ang permiso ni Jade

"Oh ! " abot ng baso ni Shiela kay Jade

"Thanks"

Nanunuod lang ang dalawa ng TV ng binasag ni Shiela ang katahimikan

"Mam, pwede pong magtanong ?"

"Nagatatanong ka na, ano yon ?"

"Bakit po ito ang pinili niyo ? isipin mo ang daming dapat isacrifice"

Sanay na si Jade sa ganitong tanong dahil simula pa lang ng career niya halos ganito ang tanong nila lagi

She smiled then " ei bakit ikaw, hindi mo ba ginusto itong pinasok mo ?"

"gusto ko rin naman to mam, sadyang ang dami lang bawal, bawal ikasal, bawal magkapamilya at lalo na sa lahat no feelings attatched dapat"

"masasanay ka din" sagot ni Jade habang nakatingin sa pinapanood

" Ei kayo mam, hindi niyo ba iniisip na magkaroon ng sariling pamilya at anak?"

Walang response mula kay Jade patuloy lang nitong iniinom ang wine na hawak dahil alam niya sa sarili niya na kung ano ang tama at dapat isagot ....

My Wife is a Secret AgentWhere stories live. Discover now