Chapter 5

72.8K 1.2K 54
                                    

Sabay na pumasok sa loob ng bahay ang magkapatid nadatnan niya ang mga magulang na nanunuod ng TV sa may sala.

"Pangalan?" sabi ni Jade sa mga magulang niya

Napalingon naman ang mga magulang nila "Anong pangalan?" naguguluhang tanong ng mama niya

" Kyle Raphael Jimenez" nakangiting sagot ng papa niya dahil alam niya kung ano ang tinutukoy ni Jade

Napabuntong hininga naman si Jade "Okay, fine, let's give it a try, baka magwork"

Niyakap naman ng mama niya si Jade dahil tuwang-tuwa siya sa naging desisyon nito

"Thanks nak, sa wakas magkakaroon na rin ako ng apo" tuwang-tuwa sabi ng mama niya

"Ma naman ei, apo kagad di ba pwedeng kasal muna, ni hindi ko pa nga nakikita"

Monday ngaun at pumasok si Jade sa opisina. May pinapahanap kasing target sa kanya para sa susunod na operasyon nila

"Mam, ito na po yung follow up documents para sa susunod na operasyon"

"Oh sure, thanks Jake, you may go now" she said smiling

Binuksan na ni Jade ang PC niya at tinaype ang username at password niya

Username: Agent_Manzano

Password: 012563****

Please wait ......100%

Type Name: __________________

Ilalagay na sana ni Jade ang suspect's name pero may pumasok sa isip niya bago niya pinagpatuloy ang paghahanap ng leads.

Type Name: Kyle Raphael Jimenez

Search *click*

Please wait .... gathering informations ..... complete!

May more than a hundred ang nakita niya na ganito ang pangalan pero bigla niyang naalala ang sinabi ng tatay niya that night sa bahay nila

"He is the son of the owner of the Jimenez's group of companies"

Key Words:Jimenez's group of companies

Search *Click*

At nagtagumpay siya sa paghahanap, na fall sa 1 out of 1 ang listahan niya

Kyle Raphael Jimenez *click*

Personal Information

Name: Kyle Raphael Jimenez

Age: 29 years old - isip isip ni Jade na hindi sila nagkakalayo ng edad

Height: 5'11

Blood Type: O

Nationality: Fil-Kor

Language use: Filipino, English and Korean

Address: no.25 Helena's Subdivision, Makati City

Status: Single

Hindi alam ni Jade kung matatawa siya o kung ano pa man nang makita niyang ang status nito ay single. Isip isip ni Jade siguro tutok ito sa trabaho kaya hanggang ngaun single pa rin ito

Family Background

Father's Name: Edward Jimenez

Occupation: Major Stockholder of the Jimenez group of Companies

Nationality: Fil-Kor

*click the name for further informations*

Mother's Name: Rosalie Jimenez

Occupation: Manager of Elite Restaurant

Nationality: Filipino

*click the name for further informations*

Sibling/s:

Sister: Esme Jimenez

Age: 31

*click the name for further informations*

Hindi na kinagulat ni Jade ang mga impormasyong nakita niya , dahil ng malaman pa lang niya na anak ito ng isang negosyante, alam niyang big-time na ang mapapangasawa niya

Nakita rin niya ang profile picture nito, at hindi maipagkakaila na gwapo, maputi, matangkad din siya base sa nabasa niyang impormasyon.

Other Informations:

A graduate of University of SciTech, Magna Cum Laude, ECE

Currently the CEO of the Jimenez group of Companies (Standford Incorporated)

Napabuntong hininga si Jade dahil parang tinamaan siya ng konsensya, dahil kung gusto mo makilala ang isang tao dapat sa personal, lalo na magiging asawa na niya ito. Saka isip isip ni Jade na mas maganda kung madidiskubre pa niya ang pagkatao nito kapag nagkasama na sila.

Tatlong araw mula ngayon, makikilala na niya si Kyle ... ang lalaking susubukan niyang pakisamahan

My Wife is a Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon