Chapter 47

58.4K 864 26
                                    

"Shit pare anong gagawin natin ngayon? Baka makulong tayo!" daing ni Cyrus.

Kasalukuyan siyang nasa opisina ni Kyle pinatawag niya kasi ito para sabihin na kailangan nilang pumunta ng INTERPOL ngayong araw. Hinihintay nga niya ang text ng asawa.

"Hindi ko alam Cyrus! Kagabi ko pa yan iniisip kaya wag mo akong tanungin" napasandal na lang ito sa upuan niya at napahawak sa sentido.

"Ikaw kasi ei, pina-imbestigahan mo pa yung asawa mo. Sabit tuloy tayo, tsk" 

"Gusto ko lang naman malaman ang tungkol sa kaniya, may masama ba don?" napa-iling na lang si Cyrus, ayaw niyang makulong,

"Paano na ang mga babes ko pag-nakulong ako, iiyak yung mga yun pag hindi nila nakita ang kagwapuhan ko kahit isang araw lang" 

"G*go ka, makukulong na nga tayo't lahat, mga babae mo pa rin ang iniisip mo, buti hindi ka pa nahuhuli ng mga girlfriend mo na two timer ka"

"Syempre matalino to" sabay tawa, napa-iling na lang si Kyle sa kaniya.

Pinatawag ni Jade sa opisina ang team niya, si Richard, Jake, Gale at Shiela. Kailangan niyang makausap ang mga ito para kumagat sa plano niya.

"Mam pinatawag niyo daw po kami?" saad ni Gale

"Yes, take your seats" then tumayo siya sa harap ng apat "I have a favor to ask you"

"Anything mam" said Richard

"Well, this concerns my husband and Cyrus, remember nung nawala si Kyle at nalaman kong pina-imbestigahan nila ako? I told them that pinapatawag sila dito pero ako lang naman ang pasimuno nun, gusto ko lang na magtanda yung dalawa and I want you to help me with the plan" 

"Sige mam game ahahaha, mukhang exciting to" sabi ni Jake

After i-discuss ni Jade ang plano nag-handa na sila sa pagsundo sa dalawa.

"You may go now" said Jade "Oh wait Jake ang Richard, wag na kayong magpalit nag pang-itaas we have to make it like we are arresting them for real"

"Hahhaha yes mam, baba na po kami sa parking hintayin ka na lang namin"

"Sige"

Nung makalabas ang apat, kinuha na ni Jade ang phone niya at tinext niya si Kyle.

To: Hon

"Ready? We'll be there in 15 mins"

My Wife is a Secret AgentWhere stories live. Discover now