Chapter 3

83.4K 1.3K 30
                                    

"Move,move, move" sabi ni Jane habang pumupunta sa kanya kanyang post ang grupo niya

Isang buy-bust operation ang gagawin nila at si Jade ang haharap sa mga drug producers. Nilagay na ni Jade ang baril niya sa kanang binti at nagpalit ng damit nagsuot siya ng casual na damit na may cap at jacket, pinusod din niya ang buhok niya.

"T--teka anong ginagawa mo?" pabulong na tanong ni Spencer

Binigyan niya lang ng ang-dami-mong-tanong look, dahil sa totoo lang naiirita na siya dahil masyado itong pakialamero.

"Huwag ka na nga maraming tanong !" sabi ng isang agent ng grupo nila Jade

[Ready Jade?] tanong ni Mr. Reyes

[Yes sir]

Lumabas na si Jade at nagpakita sa mga drug producers, na alarma ang mga ito at tinutukan siya ng baril. Tinaas naman ni Jade ang dalawang kamay nito

"Sino ka?" tanong ng isa sa mga tao doon

Dahan dahan nilabas ni Jade ang isang calling card at iniabot ito sa kanila

"Mr. Daniel Cruz?"

"Amo ko siya, pinapunta niya ako dito at ako ang pinabibili niya"

Binaba na nila ang mga baril at nilapitan ng isa si Jade

"Ilang gramo ba?"

"Isang libo"

"Nasaan ang pera?" binuksan na ni Jade ang maletang dala na naglalaman ng pera

Sumenyas ito sa mga kasama para ihanda ang droga ng matapos ibinalik na sa kanya ang maleta pero droga na ang laman nito.

"Ito na ba lahat?" tanong ni Jade

"Oo, kompleto yan at pakisabi kay Mr. Cruz salamat"

"TAAS ANG KAMAY ! WALANG KIKILOS !"

"DAPA ! DAPA !"

Pumasok na ang grupo at isa isang hinuli ang mga drug producers. Kinuha ang mga ebidenysa at inilabas na sila mula sa building.

Hawak hawak pa rin ni Jade ang isa sa kanila at pinagharap sila ni Mr. Cruz

"Kilala mo ba siya?" tanong ni Jade

Tumango lang ang drug producer ipinasa na ni Jade ang hawak niya sa isa sa mga ka grupo niya. Lumapit naman si Mr. Reyes sa kanya

"Kamusta hindi ka ba nasaktan?"

"Sir, hindi ko na po mabilang kung ilang beses niyu na sa akin tinanong yan tuwing pagkatapos ng operasyon natin"

"Hindi mo ako masisisi Jade anak na ang turing ko sayo"

"Alam ko po" ngumiti lang si Jade sa kanya

"Maya maya pupunta na rin ang media dito at may presscon pa"

"Naks naman haharap na naman kayo sa TV"

"Tsk tsk, ewan ko sayo Jade, pero lahat naman ito utang na loob ko sayo kung pwede lang kita ipakilala sa tao matagal ko ng ginawa"

"Kontento na po ako dito at hindi ko kailangan ipangalandakan pa kung ano ang nagagawa ko"

Habang nakikipag-usap si Jade kay Mr. Reyes nakita nito sa likuran ni Mr. Reyes na nakatingin sa kanila si Spencer

"Sir, san nyu po ba napulot si Spencer" natawa naman si Mr. Reyes sa tanong ni Jade

"Nilipat siya ng branch dahil isa siya sa mga trainee"

"Talaga sino hahawak sa kanya?"

"Don't worry, I assure you na hindi ikaw ang hahawak sa kanya baka ipahawak ko na lang siya kay Aby"

"Buti naman" sabi ni Jade

Cause there'll be no sunlight
If I lose you, baby
There'll be no clear skies
If I lose you, baby
Just like the clouds
My eyes will do the same, if you walk away
Everyday it will rain, rain, rain...

"Ahm sir wait lang po ah"

"Sure"

Tumalikod si Jade at sinagot ang phone niya

"Hello ma?"

"Jade, musta na ?"

"Okay lang po ma, sensya hindi po nakakatawag"

"Okay lang, nasan ka ba ?"

"Nasa operation po ei, pero tapos na bakit po?"

"Pwede ka ba mag dinner dito mamaya sa bahay?"

"Sure ma, I'll be there by 6"

"Okay sige hintayin ka namin, ingat nak, love you"

"Love you too ma"

Bumalik si Jade kay Mr. Reyes para mag-paalam na

"Sir excuse me"

"Yes Jade"

"Pwede na po ba ako mauna?"

"Sure sure go ahead, parating na rin naman ang mga reporters mag-ingat ka ah"

"Sige po sir" naghand salute si Jade at umalis na

Umuwi muna ng condo si Jade para makaligo at makapagbihis at dumiretso na ito sa bahay nila. Hindi alam ni Jade kung bakit siya kinakabahan papunta sa bahay nila ... parang may hindi tama.

My Wife is a Secret AgentDove le storie prendono vita. Scoprilo ora