𝙸𝙸 𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚇𝚇𝙸𝚅

637 51 13
                                    

It was the day after we got married.

I was inside my new room or I should say our new room. Sorana didn't chained me and let me now freely roam the house but I'm still not allowed to go outside though but I'm pretty happy with it.

Kesa naman sa babalik na naman ako sa silid na pinagkulungan niya saken na sobrang secured dahil maski bintana ay wala.

Sa araw ring iyon ay wala si Sorana dahil binisita niya mga magulang niya at personal na imbitahin papunta rito para icelebrate daw namin ang naging simpleng kasal namin kahapon at excited na nga rin iyong sabihing sa mga parents niya na nag dadalang tao na siya ngayon.

Na mag kakaroon na daw sila ng apo. An saya niya ng umalis ng bahay kaya hinayaan ko na lang.

Nag bibihis ako nun nang may kumatok sa pintuan. Nag tataka man dahil di naman kumakatok si Sorana kapag gusto niyang pumasok sa loob ng kwarto ay binuksan ko ang pinto.

Bumungad sa akin ang isang babaeng nakasuot ng pang maid na uniform at sinabing maid daw siya dito sa bahay at naatasang pinapahatid daw ako ni Sorana.

Natanga pa nga ako nung una at sinigurado ko pa talaga na totoo ang sinabi niya. Dahil sa pag kakaalam ko eh dito gusto ni Sorana na mag dinner ang mommy at daddy niya.

Sabi naman ng babae eh nag message daw sa kanya si Sorana na ihatid daw ako. Pinakita rin naman niya ang text message ng misis ko.

Nag mamadaling sumunod naman ako sa babae at huli na ng marealise kong dalawa nga lang pala kami ni Sorana sa bahay dahil ayaw nun na may makakita sa aking ibang tao bukod sa kanya at nasa isang liblib rin nakatayo itong bahay na pinagdalhan sa akin ni Sorana.

Lilingunin ko na sana itong maid na nakasunod sa akin ngunit dahil sobrang tanga ko, naramdaman ko na lang ang isang malakas na hampas sa likuran ng ulo ko pagkaapak ko pa lang sa labas ng pinto ng bahay.

Tangina! Si Sorana! Huling nasambit ko sa isipan bago ako mawalan ng malay.

At sa muling pagdilat ko ay ang nakangising parang demonyong mukha ni Nero Desmond, ang lolo ni Sorana na bungaran ko, na siyang may pakana sa lahat ng kaletsehan sa buhay namin ng apo niya.

“Tangina! Kailan mo ba kami tatantanang demonyo ka!?” galit na galit asik ko rito. Lalong tumatawa lamang ito sa iniinsulto buong pagkatao ko.

Kinulong niya ako at pinabugbog ng paulit ulit. Tumagal iyon ng ilang buwan. Halos di ko na mamukhaan ang sarili ko sa daming mga pasa ko sa mukha at katawan.

“B-bakit mo ba to g-ginagawa? Wala naman akong kasalanang nagawa sa iyo?!” nahihirapang tanong ko rito nang minsanang binisita niya ako sa pinagkulungan niya sa akin matapos niya naman akong pinabugbog sa tauhan niya.

Pumaskil na naman ulit ang ngising nakakakilabot sa mga labi niya habang dumudukwang sa katawan kong nakasalampak sa sahig at duguan.

“Wala nga pero ang dugong nananalaytay sa katauhan mo, malaki. Malaking malaki!” naririnig ko pang nagkikiskisan ang ngipin niya sa galit.

Agad kong nararamdaman ang malakas niya sipa sa katawan ko kaya bumulagta ako paharap sa kanya. Muntik na akong mawalan ulirat dahil tuluyan na atang nabali ang mga tadyang ko.

“As long as your here, the Sauvettre empire will turn into chaos as their heiress are gone missing... Again!! AHAHAHAHAH! Mapipilitan ang mga miyembro ng gabinete ng kompanya niyo na pumili ng ipapalit sa'yo at kapag nangyari iyon, mawawalan ng kapangyarihan ang pamilya mo dahil sisiguraduhin kong hindi galing sa Sauvettre ang papalit sayo at doon ko nga sila tuluyang tatapusin!” aniya at tinadyakan pa sa galit ang tiyan ko.

𝚁𝚘𝚜𝚎 𝚃𝚊𝚒𝚗𝚝𝚎𝚍 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝𝚜: 𝙻𝙾𝚂𝚃 𝙰𝙵𝙵𝙴𝙲𝚃𝙸𝙾𝙽Where stories live. Discover now