𝙸𝙸-𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝙸𝙸𝙸

733 48 3
                                    

Pinilit kong kumawala sa posas na mahigpit na nakagapos sa'king mga kamay, kahit na mahapdi na ito kakapilit kong  maalis ito para lang makaalis lang sa lugar na pinagdalhan saken. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makarinig ako nang yabag papalapit sa silid na kinaroroonan ko. Tarantang siniksik ko ang sarili sa headboard ng kama'ng kinagapusan ko.

Ghad! I hope she's in good mood today. 

"Trying to escape again?" natatawang tanong nito ngunit hindi iyon tawang nasisiyahan. Nang wala itong makuhang sagot saken ay hinigit nito ang mukha ko at galit na pinaharap ako rito.

 "You're not going anywhere!!" galit na asik nito saken habang hinihigpitan ang kapit sa'king panga. Napapikit na lang ako sa sakit ng kuko nitong unti-unti nang bumabaon sa balat ko.



"You're mine Veille... When I got rid of  your trash family, nothing can stop me anymore! Not even you!" Nababaliw na talaga ito, hindi ko na makita ang babaeng minahal ko ng sobra. Kung alam ko lang na magiging ganito siya... sana nakaisip ako ng paraan at naiwasan kong humantong kami sa ganitong sitwasyon. 

"Kapag nawala na sila, di ka na nila makukuha sa akin. Just wait for a little bit, okay? We will be happy then, I promise." Malambing na saad nito  ngunit ang mga titig na dating puno ng pag mamahal sa aki'y tumingin ay nababalutan na ng kalamigan at wala ng buhay. 

Pumasok sa loob ng silid ang dalawang taong naka suot ng lab gown na may dalang kahon. Sinenyasan niya ang mga ito at mabilis ring inilabas  na naman nila ang isang syringe na may kulay berdeng likido sa loob nito.  

Ilang buwan na rin akong nakakulong rito at ilang buwan na rin nila akong tinuturukan non. Di ko alam kung anong epekto nun sa akin ngunit ang tanging nararanasan ko kapag naturukan ako nun ay nakakatulog agad ako at pagkagising ko ay isang nakakabiyak na sakit sa ulo ang sasalubong sa akin. Nagiging makakalimutin na rin ako lately. Nakakalimutan ko na nga ang mukha ng ate ako.

"It's your daily dosage baby..." ana ng babaeng kaharap ko.

Malademonyo namang ngumisi ito habang umuusog papalapit sa akin. Nanginginig naman ako sa takot na lumalayo sa kanya. Nainis ata siya sa paglayo ko dahil inilabas niya ang isang may kaliitan na kulay itim na remote galing sa bulsa niya at may pinindot siya roon kasabay ng pagdaloy ng kuryente sa katawan ko mula sa choker na suot suot ko sa leegan ko. 

Nanigas agad ako at napakuyom ng kamao sa sobrang sakit na dulot ng pagdaloy ng kuryente sa katawan ko. Naramdaman kong may lumapit sa akin at marahang hinalikan ang noo ko at ang marahang paghaplos ng buhok ko. 

"Sorry baby...ikaw kase, lumalayo ka! Ayaw mo na ba sa akin?" naiiyak pa na tanong nito. Umiiling naman agad ako kahit sa kabila ng pamimilipit ko sa sakit. 

"G-gusto pa rin k-kita..." nahihirapan kong sagot. Mabilis niya rin namang dinampian ng halik ang pisngi ko at ngumiti ng matamis sa akin. Mukhang nasiyahan siya sa naging sagot ko.

The other woman who's wearing a lab coat handed her the syringe. She thank her and ask them to leave us alone. The two quickly exited the room without asking anything. They look so afraid, I can't blame them.

"I love you baby, please understand me that I'm doing this for us, hmm?"  Aniya at kumandong agad sa akin habang hawak hawak ang syringe. She playfully winked at me and just straightly injected into my neck the green liquid inside the syringe. 

I cried out in pain from the sensation of being pricked by a needle but nothing more compare to the pain that is drowning me seeing the woman I love literally lost her mind. God! ibalik niyo na sa akin ang misis ko!  Hindi na siya ito eh! 

𝚁𝚘𝚜𝚎 𝚃𝚊𝚒𝚗𝚝𝚎𝚍 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝𝚜: 𝙻𝙾𝚂𝚃 𝙰𝙵𝙵𝙴𝙲𝚃𝙸𝙾𝙽Where stories live. Discover now