𝙸𝙸 - 𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝙸

1.5K 65 7
                                    


The world revolving around me so blurry. I could hear a clock ticking above my head slowly. The silence are deafening enough for me to heard the crickets chirping from a distance, followed by a sound of waves rushing down to the shore as the whistling sound of cold but calming wind brushed against my bare skin.

Nasa isang beach ba ako? Bakit ako nakakarinig ng hampas ng mga alon?

Pilit kong imulat ang mga mata ko ngunit bakit parang hirap na hirap ako. Sinubukan kong kusutin ito ngunit wala man lang akong naramdaman. Sinubukan ko ulit na igalaw ang mga kamay ko ngunit dumagundong agad sa aking dibdib ang takot ng marealise kong di ko maigalaw ang mga kamay ko.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko ngunit wala naman akong maramdaman sakit sa katawan ko. Sinubukan ko ulit imulat ang mga mata ko ngunit nahihirapan ako.

A-anong nangyayari sa akin? B-bakit ako nakahilata lang at ni di ko man lang maigalaw ang mga kamay ko o ang mga paa ko? Bakit nahihirapan akong imulat ang mga mata ko?

Nagsisimula na akong magpanik. Sinubukan kong sumigaw ngunit walang lumalabas na salita sa aking bibig? Jusko! Ano nang nangyayari sa akin!?

Mabilis akong nag saya ng sa ikalimang beses kong sinubukan igalaw ang mga kamay ko't mga paa ay nagawa ko. Mabilis ko rin tinakbo ang isang pinto na nakita kong bigla na lang sumulpot at malaking ngiting binuksan ito ngunit sa halip na isang dagat ang masilayan ko gaya ng naririnig ko kanina ay isang malawak na puting kwarto lamang ang na pasukan ko.

Sobrang lawak nito na parang isa lamang akong langgam na naligaw rito. Kahit binabalot na ng pangamba ang puso ko ay tuluyan ko itong pinasok.

“Hello?” napangiti ulit ako ng malamang nakakasalita pa pala ako. Nabuhayan ako ng loob ng malaman iyon.

Napatigil ulit ako sa pagsasaya ng makahagilap ako ng isang bulto ng babaeng nakatayo lamang at alam kong nakatingin ito sa akin kahit na hindi ko man maaninagan ang kabuuan ng mukha niya. Nakaputing bestida ito at nakalugay ang mahabang medyo brown nitong buhok. Parang kilala ko ang babaeng ito, sa paninindig at sa hulma ng katawan nito ay sobrang pamilyar sa akin.

Alam ko sa kaibuturan kong kilala ko siya ngunit hindi ko mawari kung sino at saan ko siya nakilala. Nakalimutan ko pero feeling ko'y napakaimportante niya sa akin.

“Come back to us. We're always waiting for you.” bulong nito ngunit rinig na rinig ko naman.

Nag simula itong lumakad palayo sa akin kaya dagli-dagli ko siyang hinabol at pilit pinipigilan.

“M-miss! Teka lang!” sigaw ko pa habang inaabot siya ngunit bakit sobrang napakalayo niya kahit abot kamay ko naman siya?

“Miss wag ka munang umalis!” nagtutunog despirada na ako sa pagmamakaawa ko rito ngunit nagbibingi binğihan lamang ito at hindi man lang ako kailan man nilingon at tuloy tuloy pa rin ang paglakad niya palayo sa akin.

“Wala akong kasama rito.” naiiyak ko pang sumbong rito ngunit wala man lang itong reaksyon. Hinabol ko siya ulit hanggang sa hindi ko na siya naabutan at nawala na nga siya ng tuluyan sa paningin ko.

Nilingon ko ang mga mata sa lugar kung nasaan ako napadpad nguni gaya lamang kanina ay pawang puti lamang ang nakikita ko.

Hindi ko na mapigilang umiyak sa sobrang takot ko lalo na't napapalibutan na rin ako ng dilim na kani-kanina lang ay medyo maaliwalas pa naman. Nahihintakutang na sambit ko ang pangalan ng kapatid ko ngunit parang ang layo ng pinagmulan ng boses ko na parang hindi pa nga ito nanggaling mismo sa akin.

Nanghihinang napaupo na lamang ako nang marealise kong walang patutunguhan ang pagsisigaw ko dahil ako lamang mag isa sa lugar kung saan man ako ngayon.

𝚁𝚘𝚜𝚎 𝚃𝚊𝚒𝚗𝚝𝚎𝚍 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝𝚜: 𝙻𝙾𝚂𝚃 𝙰𝙵𝙵𝙴𝙲𝚃𝙸𝙾𝙽Where stories live. Discover now