𝙸𝙸 𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚇𝚇𝚇𝙸

4.1K 151 60
                                        

Tahimik ko lamang na pinagmasdan si Sorana na tahimik lang rin na nakaupo sa sofa kandong ang anak namin habang nag m-movie marathon silang dalawa while I sit on the opposite side of them because clearly she doesn't want me near her.

Kanina pa siya tutok na tutok sa palabas na akala mo'y interesadong interesado sa pinapanood ngunit alam kong wala ang atensyon niya roon.

Simula kanina nang sunduin ko siya ulit upang puntahan namin si Veirn sa skwelahan niya ay di niya ako kinibo hanggang ngayong mag alas otso na ng gabi.

Napabuntong hininga naman ako nang maalala ko kung gaano kamugto ang mga mata niya nang sunduin ko siya sa kompanya nila kanina. Malat rin ang boses at sobrang tamlay nito.

Hindi ko naman napagaan ang loob niya dahil sa pag iwas niya saken at isama mo pang ayaw niya akong kausapin. Kaya pinabayaan ko na lang siya kahit sobra akong nasasaktang makita siyang ganito.

Mas lalo pa akong nasasaktan dahil sa lungkot at pangunguliang sumasalamin sa mga mata niya kahit na ngumingiti at tumatawa naman siya sa tuwing kaharap at kausap ang anak namin.

I just want to console her and tell her that everything's gonna be okay pero naintindihan ko naman na hindi sa lahat ng oras ipilit ang gusto ko. Hindi rin naman lahat ng taong malungkot at nasasaktan eh kailangan ng karamay dahil meron din naman yung gustong mapag isa at hayaan ang sariling hilomin ang sugat sa puso nila.

Ganun si Sorana ngayon. Hindi dahil ako yung pinagbubuntungan niya sa mabibigat na nararamdaman but because she's trying to fix it herself first at alam ko naman pag hindi niya na kaya ay sa akin siya agad lalapit kaya naiintindihan ko ito ngayon.

“Momma, can I have another popcorn please? Ubos na po akin.” A smile quickly spread on my lips as I heard my daughter's cute please.

“Sure baby, you can have mine.” galak kong sagot rito sabay lapit at upo sa tabi nila ng mommy niyang tahimik parin ngunit nasa akin na ang atensyon.

Hindi ko na lang pinansin ang nag babagang titig nito sa akin at binigay na sa anak namin ang walang bawas ko pang isang bowl ng popcorn.

My daughter gasped happily as I took the empty bowl off her hand and handed her mine.

“Thank you Momma.” I nodded happily at her while I placed a soft kiss on her temple and let her continue to watch the movie.

I sigh as lean my weight on the headrest of the sofa after I put the empty bowl beside me. I can still feel the heavy gaze Sorana's giving me so I unconsciously look at her.

Halos kapusin ako ng hangin nang salubungin ako ng mga tingin niyang sobrang lalim na halos ikalunod ko ito. Di ko rin mapigilang mapalunok ng umawang unti-unti ang kanya natural na mapupulang labi.

Ilang beses ko pang pinagalitan ang sariling maghunos dili't baka masapak ako kapag nagkataong mawalan ako ng kontrol sa sarili.

Itinaas ko rin ang isang kamay ko at marahang hinaplos ang pisngi nito. Hindi naman ito nainis sa ginawa ko kaya pinagpatuloy ko lamang ito habang nakipagtitigan rito ng mariin.

Nagtitigan lang kami na parang kinakabisado ang mukha ng isa't isa. It isn't much but it's better than not being this close to her and not able to touch and feel her. Feeling ko nga'y lalagnatin ako sa sobrang pagka miss ko sa kanya kahit naman na nasa paligid ko lang siya't kasa-kasama.

Is that even possible? You feel sick whenever you misses someone you love? Because that's what I've been feeling since this morning.

Sorana's green eyes were sparkling under the light from the television. The light from it even made her facial features more define and distinct, it made her even more beautiful.

𝚁𝚘𝚜𝚎 𝚃𝚊𝚒𝚗𝚝𝚎𝚍 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝𝚜: 𝙻𝙾𝚂𝚃 𝙰𝙵𝙵𝙴𝙲𝚃𝙸𝙾𝙽Where stories live. Discover now