—
Amethyst manage to find us a private beach house whose secured and safe but a little secluded and that's perfect. It's away from people and such. The neighbours are few miles away from each other.
The beach was owned by her trusted friend. She said, he's willing to lend us his resort for as long as we want and we willingly accepted his offer lalo pa't mukhang excited na excited ang anak ko habang pinagmamasdan ang paghampas ng alon sa dalampasigan.
“Momma look! The beach is so wide and huge! A-and beautiful too!” excited na tili ng anak ko nang makababa na kami ng sasakyang dala namin.
“I wanna go there Momma!” di mapakaling aniya pa habang pilit na kumawala sa aking bisig. Halatang gustong gusto niyang pumunta sa dalampasigang tinuturo nito.
“We can go there later sweetie, let's settle inside first and have our lunch then we can go.” si Sorana na nakababa na rin pala ng sasakyan at ngayon nga'y kinukuha na sa bisig ko ang anak.
“Okay po!” naiintindihang payag ng anak ko sa mommy niya at niyakap pa niya ito sa leeg.
Hiyang napakamot naman ako sa aking batok nang sinamaan naman ako ng tingin ni Sorana nang lampasan na ako nito papasok sa stylish bungalow house. Nauna nang inihatid ang mga luggage namin sa loob nina Hugo at Kriev, ang bodyguard ng anak ko. I called him kanina to come with us so we can have extra hand, incase something unexpected happen.
I heard an evil snickers behind me kaya inis na napairap na lamang ako sa kawalan at iritadong iniwan naman ito. Kanina pa kase ako binubwiset nito!
“Di pa rin kayo okay?” nang aasar na tanong ni Amethyst nang makahabol na sa akin.
“Tangina talaga yang bibig mo! Masyadong mapahamak! Sarap tapalan! Tsk!” gigil kong asik rito na ikinahagikgik niya naman at halatang inaasar pa ako lalo.
Kung hindi niya ba naman OA na pinoint out ang braso ko kanina na di ko napansin na dumugo na pala dahil sa pag bakat ng kulay pula sa bandage at suot kong polo, puti pa naman ang suot kong polo kaninang umaga hindi, sana ako gisahin ni Misis tungkol sa sugat ko!
Okay na sana kami ngayon! Ligtas na sana ako! Kabwisit talaga!
Di ko rin alam kung paano iyon dumugo, siguro ay iyong oras na hinigit ako ni Sorana sa braso ko kanina. Di ko naramdaman ang sakit dahil sa ininom kong pain killer kanina sa bahay ng pinsan ko.
Intensyon ko talagang itago muna ito kay misis kaso itong pasmadong bibig ni Amethyst, di mapakali.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuhang sabihin kay Sorana kung saan ko nakuha ang sugat ko kaya ayun galit na galit sa akin dahil sa pag mamatigas kong sabihin sa kaniya.
Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa kanya ang lahat nang hindi siya masasaktan. I can't bear to see her again looking so hurt and defeated. What's worse is that she'll feel that she's been played and treated lile a fool all along.
“Sorry na 'kay? Kala ko kasi alam niya na.” napanguso pa ito sa akin. Napailing na lamang ako rito bago kami tuluyang nakapasok sa bahay.
Nadatnan naming abala sa kusina sina Hugo at Kriev para sa magiging pananghalian namin. Agad na sinaluhan sila vi Amethyst upang tumulong. Ako naman ay dumeretso sa unang kwartong makikita mo pagkapasok ng bahay dahil iyon daw ang magiging kwarto namin pansamantala, sabi ni Sorana kay Hugo kanina.
May kalakihan naman ang bungalow na pag mamayari ng kaibigan ni Amethyst. May tatlong kwarto at sobrang lawak ng patio sa likuran ng bahay na siyang overlooking ang na gagandahang dagat.

YOU ARE READING
𝚁𝚘𝚜𝚎 𝚃𝚊𝚒𝚗𝚝𝚎𝚍 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝𝚜: 𝙻𝙾𝚂𝚃 𝙰𝙵𝙵𝙴𝙲𝚃𝙸𝙾𝙽
RandomLife's been hard for Rhyzhen Veille. She feels like she's back to square one. Bawat araw na nakalipas ay mas lalo siyang nangangapa sa dilim. The choice she made that she think would save her from heart ache turn out to be her worst nightmare. It t...