—
“Chill ka lang par. Selos na selos amputa!”
Napaayos agad ako ng tindig dahil sa pang aasar sa akin ni Inka. Matinding inirapan ko lamang siya na ikinahalak niya pa talaga.
“Not gonna lie, may ikabubuga rin ito ha!” aniya pa habang nginunguso ang isang lalakeng banyaga. Halatang makapangyarihan ito at mapera talaga sa tindig at pormahan niya lang. Na threatened ako bigla. Kabwiset lang ba't ko pa to nararamdaman sa ngayon. Tsk!
Sa inis ay isahang nilagok ko agad ang laman ng baso’ng hawak ko bago mariing pinagmasdan si Sorana sa may di kalayuan na kanina pa nakikipagusap sa mga kasosyo nito sa negosyo.
At eto ngang lalaking kausap niya ngayon ay panay sunod sa kanya saan man siya lumilibot at nakikipag usap sa mga bisita niya ngayong gabi. Kita kong inintroduced siya kanina ni Zach sa misis ko. Algor Bennett pagkarinig ko sa pangalan niya. Another asungot.
“Hinga ng malalim antih! Atakihin ka sa puso diyan mamaya. Kawawa ka naman.” pang aasar ulit sa akin ni Inka ng makita namin kung paano hapitin at hinalikan nito ang likod ng palad si Sorana.
Kung wala lang kami ngayon sa napakaimportanteng party ni Sorana ay baka nadampolan ko na ito.
Tonight was the succession ceremony for my wife to be officially recognize as the rightful leader for Fortis Viribus. It was a lavish party and were being broadcasted live worldwide. My father and the others decided to tell it to the world that the group still exists and it will prosper more now that my wife is one who's officially handling it now.
It was overwhelming and fulfilling at the same time. Sobrang nakakaproud lang talaga ang misis ko.
Sa sobrang daming mahahalagang taong dumalo ngayong gabi say di na ako mapagtuunan ng pansin ng misis ko. Ang dami ring mga kalugong lumalapit na may motibo sa kanya kahit na alam naman nilang kasal na ito sa akin.
Siyempre, pinakilala niya ako kanina sa lahat eh kaso sadyang makakapal lang talaga ng mga mukha nila. Asa naman silang papatulan sila ni Sorana.
“I can show you mine, Ms. Blanche if you like.” Anong I can show you mine pinagsasabi ng unggoy na ‘to sa misis ko?!
Agad na pumintig ang tenga ko sa narinig. Ramdam ko pang unti-unting kumukulo na ang dugo ko dagdagan mo pa ang mapang asar na hagikgik ni Inka sa tabi ko.
“Ohh. I can show you mine daw. Naku Rhye, baka etits niya ‘yun—!” sa inis ko ay nilakumos ko ang mukha niya. Kanina pa ako naiirita at mas lalo pa niyang pinapalala. Kabwiset talaga!
“O-oy gaga! Pikunin mo talaga!” rinig ko pang pahabol niya nang walang salita ko siyang iniwan dun sa isang sulok bago nilapitan ang misis kong naiirita na sa kausap. Mahangin ba naman. He’s now flaunting his wealth to my wife knowing fully how rich and powerful she is. Mas mayaman pa nga kesa sakin eh!
Barya nga lang siguro ang buhay niya kung bibilhin siya ni Sorana. Mga lalake talaga, akala nila lahat ng mga babae nakukuha sa pera. Bobo talaga! Mag pakitang gilas na nga lang sa misis ko di pa alam kung paano.
“Its fine Mr. Bennett. I can ask my wife to show me one instead.” Casual na sagot pa ni Sorana rito na ikinangiwi pa ng lalaki nang bangitin niya ako. Yan, ganyan nga ma awkwardan kang unggoy ka!
“Hey love,” agaw pansin ko kay Sorana. Agad na sumilay ang matamis niyang ngiti nang magawi ang tingin niya sa akin. Look at that beautiful smile. Di ko na rin mapigilang mapangiti ng matamis rito. Ang kaninang pakay kong makipagbardagulan sa kausap nito ay nakalimutan ko na dahil sa yakap at halik sa pisngi ni misis saken.

YOU ARE READING
𝚁𝚘𝚜𝚎 𝚃𝚊𝚒𝚗𝚝𝚎𝚍 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝𝚜: 𝙻𝙾𝚂𝚃 𝙰𝙵𝙵𝙴𝙲𝚃𝙸𝙾𝙽
RandomLife's been hard for Rhyzhen Veille. She feels like she's back to square one. Bawat araw na nakalipas ay mas lalo siyang nangangapa sa dilim. The choice she made that she think would save her from heart ache turn out to be her worst nightmare. It t...