—
Light blinding my sight as I open my eyes to a well lit room around me. I groaned groggily while I try to sit comfortably from the sofa that I slept on last night.Gosh! Mukhang magkakaroon pa ata ako ng muscle sore dahil sa liit ng sofang tinulugan ko't pang ilang beses pa akong nahulog mula rito sa sahig dahil bukod sa hindi ako kasya sa sofang tinulugan ko ay isang maliit na tuwalya lang rin ang binigay ni Sorana sa akin upang gawin ko raw'ng kumot eh sobrang ginaw kagabi!
Ampotek! Maldita talaga. She's thankful I'm a simp for her ass.
“Tita?” a soft voice startled me awake. Nahimasmasan naman agad ako ng mapagtantong isa sa magkambal na pamangkin ko pala ang kaharap ko.
“Oh hi Emie. Good morning!” masayang bati ko rito habang kinukuskos ang medyo kulot nitong buhok. Hinula ko na lang kung sino sa dalawa itong kaharap ko ngayon. Mag kamukha kasi talaga sila ng kakambal niya eh.
“It's PB Tita and it's already noon.” ani pa nito habang hawak ang kamay kong ginugulo ang buhok nito. Nagulat naman ako sa sinabi nito.
Tanghali na!? Mabilis kong sinulyapan ang relong suot. It said 10:45 am. Hindi pa naman tanghali pero masyado nang mataas ang sikat ng araw't ngayon lang ako nagising!
Ampucha! Ba't wala man lang gumising sa akin ni isa?! Kahit na si Veirn na naging human alarm clock ko na ay hinayaan lang akong abutin ng tanghali't tulog pa rin.
Isa lang ang alam ko, galit pa rin sa akin ang misis ko. Potek na yan. Talunang napasandal na lamang ulit ako sa aking kinauupuan.
Di ko naman talaga sinasadyang inumaga na ng uwi kaninang madaling araw. I've been helping Sorana's Dad hunting his father's remaining factions here in the country to find some clues or leads regarding about his father's death, a year after he was sentenced to life imprisonment.
Nero offed himself inside his prison cell or so we thought. Carcel believed that his father was murdered by someone powerful. The police admitted that the old man slowly loosing sanity as he repeatedly claimed that someone's coming to kill him because he didn't fulfill the deal he made, probably from that someone he's afraid of.
Nero's disastrous actions towards us creates mystery as to why he's so obsessed on making Fortis Viribus as his own. Hindi man lang namin nalaman ang mga rason niya kung bakit nagawa niya ang lahat ng iyon. Na nakuha niya pang kitilin ang buhay ng sariling asawa at ilagay sa panganib ang buhay ng mga taong malapit sa kanya.
Kaya nga ay tinutulungan ko ang biyenan kong lalaki tugisin ang naiwang mga tauhan ng ama niya upang makahanap na ito ng sagot sa mga katanungan na bumabagabag sa katauhan niya.
Wala ngang alam si Sorana sa mga pinanggagawa namin ng Daddy niya dahil sa oras na malaman niya ay hindi lang sa sofa matutulog ang bagsak ko. Baka nga ay ipapahukay niya pa sa akin mismo ang paglilibingan niya sa akin ng buhay.
Now that I think about it, I am for sure doomed as hell if she manage to find out! Shit!“Tita, can you please get me a glass of water. I'm thirsty.” PB tried to say his words perfectly despite having a trouble pronouncing them to get my attention.
Mabilis akong napatingin sa pamangkin kong andito pa pala sa tabi ko. Napangiti pa ako dahil sa sobrang kakyutan ng boses nito. Binuhat ko agad ito at dinala sa kusina upang kumuha ng tubig.
“Thank you!” PB happily said as he drank the water that I gave him. Di naman halatang uhaw na uhaw ito ano? Hahaha! Sobrang nauhaw ata kakalaro.
Nauuhaw na rin ako kaya napainom na rin ako ng tubig at humilamos na rin ako sa sink upang magising na ng tuluyan ang diwa ko lalo't kakagising ko lang baka sobrang sabog ko pang tignan.

YOU ARE READING
𝚁𝚘𝚜𝚎 𝚃𝚊𝚒𝚗𝚝𝚎𝚍 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝𝚜: 𝙻𝙾𝚂𝚃 𝙰𝙵𝙵𝙴𝙲𝚃𝙸𝙾𝙽
RandomLife's been hard for Rhyzhen Veille. She feels like she's back to square one. Bawat araw na nakalipas ay mas lalo siyang nangangapa sa dilim. The choice she made that she think would save her from heart ache turn out to be her worst nightmare. It t...