𝙸𝙸 𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚇𝚇𝙸

729 57 26
                                    

Blanchette Sorana,

Muli ko na namang naramdaman ang presensya ni Keysha sa tabi ko at parang hindi na naman siya mapakali habang sinusubukang kunin ang atensyon ko.

Nang hihinang inalis ko naman ang suot kong salamin at agad siyang hinaharap na ikinatalon niya pa sa gulat. Nagdadasal pala ang babae. Ewan ko kung para san.

“M-Ma'am...” hindi na niya matapos ang sasabihin nang napasandal na lang ako sa aking kinauupuan dahil sa alam ko na ang sasabihin niya.

Si Rhyzhen Veille na naman na gustong gusto akong makausap.

Ilang araw na ring naging routine ko ito. Papasok ako sa trabaho na pagod tapos dadating rin naman siya at kukulitin ako ng kukulitin.

Kahit ilang beses ko nang pinadampot sa mga pulis dahil sa nakaka istorbo na talaga siya sa mga empleyado kong mga chismosa't chismoso. Siya lang yung palaging topic ng mga usapan nila.

Tsk! Nakakarindi lang sa totoo lang.

“A-ayaw niya raw po talagang umalis Ma'am hanggang di kayo nag kakausap ng masinsinsinan. Hanggang ngayon ay nakaluhod pa rin po iyon sa labas kung saan niyo siya iniwan kanina...” napahilamos naman agad ako sa sinabi niya.

Bwesit talaga ng babaeng yun! Tinotoo pala ang pananakot niyang luluhod raw siya sa harapan ng kompanya ko hanggang sa makausap niya lang ako pero agad rin akong napabalikwas ng marealise kong umuulan nga pala ngayon ng napakalakas.

“What do you mean hanggang ngayon? It's fucking raining hard outside for petes sake Keysha!! P-paano kung mag kakasakit yun!?” nag papanic ko nang sumbat rito na ikinataranta naman nito ngunit agad ring ngumisi nang may naalala.

“Uy si Ma'am, concerned...” agad naman siyang tumigil nang sinamaan ko siya ng tingin.

“Why didn't any of you asked her to move when it's started to rain?” naiistress ko pang tanong rito.

“E-eh kase sabi n-niyo Ma'am, pababayaan lang namin siya doon, sabi mo pa mapapagod rin iyon at aalis na...” sagot niya pa habang ngayon ay kagat kagat na ang mga kuko niya sa kaba.

Wala ba tong commonsense?! Gusto ko na lang siyang sakalin.

Saan ba kase nag susuot si Andrea at hanggang ngayon hindi pa bumabalik? Kung nandito lang siya di na ako mamomroblema sa mga ginitong bagay eh! She already knew what to do without even asking me.

“Pero ma'am, wala po ba talaga kayung balak kausapin iyon? Mag iisang linggo na po iyong habol ng habol sa inyo Ma'am? Pogi pa naman ni ate girl. Haba ng hair niyo Ma'am ha? Di ko ma reach!” aniya pa ba parang kinikilig habang may inaalala.

Napapikit naman agad ako sa antics nito. Para kaseng si Inka, napaka praning silang pareho. Parehong pareho lang sila ng mga galawan. Nakakasura.

“Can you just shut up and get me a fucking umbrella, please? Now!” agad rin naman siyang kumaripas ng takbo palabas ng opisina ko at ako naman ay agad rin lumapit sa isang sulok kung saan ang private elevator ko at nang gagalaiting pinindot ang lobby.

Nang gigigil ako sa gagong yun. Alam niya namang umuuulan ng napakalakas, hindi pa umalis o humanap man lang nang masisilungan. Ang sarap niya talagang sakmalin!

Agad namang nag sihawian ang mga taong nagkakalat sa lobby at agad ring nagsitaguan nang makita akong galit na galit na lumabas sa elevator. Tsk! Yan! Dyan lang naman kayo magaling!

Nang gagalaiti sa inis akong lumakad papalapit sa exit nitong building. Tumikhim ako sa mga nagkukumpulan rito na busy ata kakasilip sa babaeng naka luhod pa nga sa semento habang nababasa pa ng ulan.

𝚁𝚘𝚜𝚎 𝚃𝚊𝚒𝚗𝚝𝚎𝚍 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝𝚜: 𝙻𝙾𝚂𝚃 𝙰𝙵𝙵𝙴𝙲𝚃𝙸𝙾𝙽जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें