𝙸𝙸 𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚇𝚇𝚅𝙸

856 61 17
                                    




Matapos kong mag breakdown sa harapan nina ate Jesse at Inka ay lumabas na muna ako para mag pahangin at pakalmahin ang utak ko.

Lumilibot ako sa labas ng bahay hanggang sa garden ako ni ate dinala ng mga paa ko. I spot my usual spot under the mango tree and calmly sit under it. Agad na tumahimik ang utak ko sa mga boses na walang tigil sa pag iingay.

Medyo namangha ako kase never kong nakaramdam ng ganitong kaginhawaan sa ilang taong nakalipas na nawala ako.

Pinikit ko ang mga mata upang namnamin ang panandaliang kaginhawaang nararanasan ko ngayon.

Nakaramdam ako ng malamig na bagay na dumikit sa pisngi ko kaya agad akong napdilat. Nakangising Inka ang nabungaran ko habang hawak-hawak ang isang beer in can na idinikit niya pa talaga sa pisngi ko.

“Figured you might need some refreshments!” aniya nang tinanggap ko ang alok niya sa akin. I don't drink but this might help me a bit.

“Salamat.” pormal na sambit ko na ikinahalakhak niya pa talaga. Ang gago niya talaga.

“Nawala ka lang saglit naging magalang ka na! Di bagay sayo oy!” sabi niya pa na parang kinikilabutan pa siya.

“Ang gago mo pa rin.” tawang tawa naman siya sa sinabi ko kaya inis na sinimangutan ko siya. Mas lalo tuloy niya akong inasar. Hinayaan ko na lang dahil natutuwa akong malaman na hindi siya nagbago kahit sa ilang taon pa man ang lumipas na hindi kami magkasama.

“It's been so long since we last sit here and do nothing, no?” aniya pa habang umuupo sa harapan ko habang sumisimsim sa hawak niyang beer.

“How long has it been, Rhye? Hmm?” this time ay may halong galit at pagtatampo sa boses niyang tanong.

Wala sa sariling napakagat ako ng labi dahil sa labis na pagsisisi kong magsinungaling at iwanan sila noon. I can imagine how painful that is to them.

“S-seven years...” nauutal pa sa kaba kong sagot.

“Yes! Seven years! Yung paalam mong tatlong araw naging pitong taon! Hindi mo ba alam kung gaano ka tagal 'yon? Kung gaano kami katagal kumakapa sa dilim kakaisip kung nasaan ka na ba? Kung buhay ka pa ba? I almost lost Jessica because of your disappearance, Rhyzhen! Ghad! She almost lost her will to live because of you...” asik niya sa akin habang pinipigilang hindi maiyak. Napasapo pa siya sa noo dahil sa sakit na kinikimkim nito.

“I'm sorry. Wala na akong maisip na ibang gawin.” Nanginginig ang boses kong bawi rito. “Leaving was the only choice I have that day, for you, kay ate a-at kay S-Sorana...”

Ang linaw parin sa aking isipan kung paano ako takutin ng lolo ni Sorana. Na kung hindi ako mag madaling umalis noon ay hindi siya mag dadalawang isip na saktan sila.

“I was so scared to leave but I have no choice...” agad akong niyakap ni Inka nang magsimula na akong humagulgol ng iyak. Di ko naman sinasadyang umalis noon.

Natakot lang ako. Naduwag dahil kapakanan nila ang maagrabiyado kapag nag matigas pa ako. Walang wala ako noon kumpara sa kakayahan ng lolo ni Sorana.

Leaving was the only way to protect them.

“Ano bang nangyayari sa inyong dalawa ni Blanchette, Rhyzhen? Simula noon hanggang ngayon, ano ba kasing kinakatakutan niyo't umabot pa talaga kayo sa ganito? Nakuha pang ipagkatiwala ni Blanchette ang anak niyo sa amin ng ate mo kahit alam kong labag iyon sa kalooban niya?” halata sa boses niya ang pagkadespirado.

“B-bakit kailangan niyo pang itago ang bunga ng pagmamahalan niyo?”

Kahit nahihirapan at nasasaktan ako ngayong balikan ang mga pinagdaanan ko noon ay nakuha ko pa ring ikwento sa kanya lahat-lahat pati na and sitwasyon namin ngayon ni Sorana.

𝚁𝚘𝚜𝚎 𝚃𝚊𝚒𝚗𝚝𝚎𝚍 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝𝚜: 𝙻𝙾𝚂𝚃 𝙰𝙵𝙵𝙴𝙲𝚃𝙸𝙾𝙽Where stories live. Discover now