𝙸𝙸 𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚇𝚇𝙸𝙸𝙸

598 47 9
                                    

Tahimik ko lamang pinagmasdan si Sorana na sobrang himbing itong natutulog sa bisig ko. Agad pa akong napangiti nang makitang pagod na pagod talaga ito dahil sa munting mga hilik niya.

Marahang hinalikan ko ang sentido nito na ikinaangal niya ngunit agad din namang sumiksik sa akin at bumalik ulit sa pagtulog.

Natawa na lang ako rito. Medyo na awa rin ako sa kanya dahil kasalanan ko naman kung bakit pagod na pagod siya siya ngayon. Di ko ba naman tinantanan hanggang di siya manlanta, wala eh gusto kong bumawi sa ilang taong di ko siya nakasama at naramdaman ng ganito.

Pagkatapos nung araw na nag decide siya'ng bibigyan ulit niya ako ng chance na makausap siya at ayun nga ay muling may nangyari sa amin ay magkasama na kami.

Dalawang araw ko na rin siyang kasa-kasama ngayon, inuwi ko kase siya sa bagong bili kong penthouse sa condominium na pag aari ni Amethyst at di ko na siya tinantanan simula nun.

Ayoko pa munang dalhin siya sa mansion namin upang ipakilala siya kina mama at papa dahil sobrang komplikado pa ang sitwasyon naming dalawa. At isa pa, doon na rin umuuwi si Ingrid ngunit gaya nung nasa Berlin kami ay magkaibang kwarto naman kami ng tinutulugan.

Sa dalawang araw naming magkasamang kami lang dalawa ay hindi pa talaga namin pinag usapan ang dapat naming pagusapan at yung mga bagay na dapat niyang malaman. Ibang usapan kase ang gusto at ginagawa namin eh! Ahaha!

You can't blame us, we were just making up the lost time we miss being with each other. Pinupunan lang namin yung pangungulilang naranasan namin ng ilang taon.

Sobrang miss na miss ko lang talaga siya kaya umabot pa ng dalawang araw yung pag lalandian namin eh!

Halos nga di na makalakad. Kaya palagi niya akong nasasapak pagkatapos dahil lagi ko raw siyang pinapagod. Heh! Kung alam niya lang na nag pipigil pa ako sa sitwasyong ito ay baka naka wheelchair na siya ngayon. 

Di ko maipagkailang sobrang saya ko ngayong maaayos ko na iyong mga maling akala niya at yung mga masasakit na assumption niya tungkol sa panay alis ko. Lahat nun ay mabibigyang linaw ko na ngayon.

Just wish me na hindi ako madidistrak kapag mag uusap na kami. Baka mamaya manyakin na naman ako nito pag nagising na siya. Hindi ko talaga siya aatrasan! Sa huli di naman ako ang maiiwang lanta.

Napamulagat ako nang unti-unting gumalaw si Sorana kaya lumihis agad ang manipis na kumot na nagtatago ng walang saplot niyang katawan na ngayon nga ay exposed na exposed na ito sa akin.

Namumula akong pinagmasdan ang kabuuan nito at di ko maipagkaila ang gigil na nararamdaman ko rito kagabi dahil sa nangyaring pag angkin ko sa kanya ng paulit-ulit at saksi nga rin ang ebidensyang iniwan ko sa katawan nito kung pano siya paulit-ulit na humingi ng tulong sa mga santong naisipan niya dahil hindi ko talaga siya binigyan ng minutong magpahinga.

Wala sa sariling panasadhan ko ng haplos ang ilang bite mark at hickeys na rin na iniwan ko sa katawan niya. Sobrang pag mamangha ko tuloy siyang hinalikan.

Umungol pa ito ng konti bago humarap sa akin, saka idinantay ang isang hita sa bewang ko habang niyayakap pa niya ng mahigpit ang katawan ko.

Nakatulog ulit ito kaya hindi ko na siya ginambala pa.

Dumaan ang ilang minuto at napagpasyahan kong ipagluluto ko na muna siya ng hapunan habang tulog na tulog pa siya dahil gumagabi na rin. We couldn't have a lunch kanina dahil nga pag lalandian inuuna namin.

Medyo nagugutom na rin ako at alam kong hahanapan na naman niya ako ng pagkain pagkagising niya. Mala tigre pa naman iyong magalit pag gutom. Yung literal na gutom ha, wag kayong ano dyan!

𝚁𝚘𝚜𝚎 𝚃𝚊𝚒𝚗𝚝𝚎𝚍 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝𝚜: 𝙻𝙾𝚂𝚃 𝙰𝙵𝙵𝙴𝙲𝚃𝙸𝙾𝙽Donde viven las historias. Descúbrelo ahora