𝙸𝙸 - 𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝙸𝙸

827 48 4
                                    

Rhyzhen Veille,

_

Pagod akong pabagsak na sumandal sa aking swivel chair matapos kong tapusin ang  isang conference call. Unti-unti na ring kumikirot ang aking sentido kaya pasimangot kong hinihilot ito, inalis ko na rin ang dalawang batones ng polo'ng suot ko mula sa pagkabatones nito upang kahit sa ganon ay makaramdam ako ng kaginhawaan kahit saglit lang. 

Ilang linggo na rin akong walang pahinga at panay trabaho ang inaatupag. Kailangan ko kasing matapos ang mga kakailanganin upang makapagfile ako ng leave at makapagbakasyon na walang trabahong pinoprobema. Siyempre, minsan lang ako mapagbigyang magbaskasyon kaya susulitin ko na , anim na buwan rin iyon.

Masugid akong nag iinat ng katawan habang pinagmasdan ang papalubog na araw mula sa malaking glasswall ng opisina ko. The dusk is getting comfortable as the lights and the busy road of Berlin are coming into life, giving comfort throughout your day's endeavors. 

The typical scenery you always see on a hardworking, busy city which I love the most at the end of my day because it always remind me of someone important.

I'm in Berlin, Germany as of now, I'm currently handling the Sauvettre's main importing and exporting company, the Nexus International Trading Co. We're mainly focus in exporting and importing automobiles, machinery and engineering products.

 So its really a huge and full of pressure job for me. Lalo pa't anim na buwan pa lang ako noon matapos kong magising ay pinaubaya na agad sa akin ni Papa ang pagpapatakbo nito, ni hindi man lang ako nag training o ano.

Buti na lang ay kasama ko ang baliw kong pinsan sa pag h-handle nitong kompanya. Siya yung nag silbing advisor ko at vice president, may experience na rin kase siyang magpatakbo ng isang kompanya kaya sa loob ng dalawang taon namin dito ay madalang lang kaming magkaproblema. Ang laki lang ng tiwala nila sa amin na hindi masira ang main business ng pamilya eh no?

Kudos kina papa at sa lahat ng shareholders ng kompanya, masyadong silang nag pakampante. Not that I'll destroy it or something...yet. Just kidding!

"Well, take a good look at that! Is that excitement I'm seeing right now?" a booming voice behind me fished me out of my thoughts. Napabuga agad ako ng hangin ng maramdaman ko ang presensya ni Amethyst sa tabi ko. 

Is my stressed face and so done-at-everything demeanor showed her excitement? Nakakainsulto yun sa kapogian ko ha!

"At fucking last! Makakapagpahinga na tayo. Gosh! sa sobrang busy natin this past two years ay nakalimutan ko na ang nanunuyong lovelife ko. I'm so dry na talaga! Kailangan ko nang madidiligan!" aniya na parang napakabig deal nito at malalagutan na siya ng hininga kapag magpatuloy pa ang katigangan niya. Napairap na lang ako sa ka oa'yan nitong nagsisimula na naman. 

"Excited mo masyado. Hindi pa nga tayo sigurado kung aaprobahan nila ang pag file natin ng leave." ani ko rito at tumayo na upang mag ayos na't makaka out na ako ngayong araw. I miss my bed. 

Kahit naman na kami ang nagmumuno sa NITCo. sa ngayon ay di naman ibig sabihin non ay basta-basta na lang kaming magbabakasyon na walang paalam. NITCo is not just a company, its  a multi company na maraming branch na hawak and the fact that this is the main company of the Sauvettre's Empire. Hindi mo ito basta-basta maiiwan na hindi preparado. 

Amethyst groan like a child and pouted at me on the process, "Panira ka talaga ng kasiyahan, ano?" aniya habang sumusunod sa akin papasok sa private room ko na adjacent lang ng main office ko. 

"I'm trying to be positive here!" Pabagsak pa itong umupo sa isang bean couch at humalukipkip dito. Nginisihan ko lang siya at mag simula nang maghubad ng damit. 

𝚁𝚘𝚜𝚎 𝚃𝚊𝚒𝚗𝚝𝚎𝚍 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝𝚜: 𝙻𝙾𝚂𝚃 𝙰𝙵𝙵𝙴𝙲𝚃𝙸𝙾𝙽Where stories live. Discover now