𝙸𝙸 𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚇𝚇𝚅𝙸𝙸

4.2K 130 25
                                        


-


"Oh? Akala ko bukas mo pa iuuwi anak mo rito?"

Bungad na tanong sa akin ni Inka nang ako ang nasilayan nito nang buksan niya ang pinto at nakapataas kilay pa siya nang makita ang anak kong mahimbing na natutulog sa bisig ko.

Ngumisi ako rito saka inanyayahan na ang sarili kong pumasok sa loob ng bahay, ayaw kong malamigan ang anak ko't baka magkasakit pa. Medyo gumagabi na rin kase at umaambon pa ng konti. Kaya hindi rin kami masyadong nakapagpasyal ng anak ko dahil sa munting pag uulan.

Tsk! Malas talaga eh. Marami pa sana akong masasayang gawin kasama ang anak ko ngayong araw. Hayaan na't may susunod pa naman.

"Pasensya na, may dinner daw kami sa bahay mamaya kasama ang pamilyang Collins. Di ko siya pweding dalhin roon. Alam mo naman di pa pweding malaman ng lahat na may anak na kami ni Sorana." ani ko rito habang binabaybay ang hagdan pa akyat sa ikalawang palapag ng bahay.

"Ganun ba? Eh dumaan si Blanchette kanina rito at bibisitahin sana si Veirn kaso nasabihan kong kasama mo ito at baka bukas mo pa iuuwi..." sambit ni Inka habang sumusunod sa likuran ko.

"Oo nga, tinawagan ako nun kanina kaso di ko nasabi na may dinner kami mamaya, biglaan lang rin kasi. 'Yaan mo't tatawagan ko lang siya para ipaalam sa kanya." sagot ko rito habang maingat na binababa na sa higaan nito ang anak ko.

Marahang hinalikan ko pa ang noo nito bago inilagay sa tabi nito ang stuff toy na pinabili niya sa akin kanina nang ipinasyal ko siya sa mall.

"Mabuti pa nga. Alam mo naman yang asawa mo, may pagka praning masyado pagdating sa inyong dalawa nang anak mo. Feel mo naman kaban ka ng yaman." pigil sa tawa pa nitong asar kaya napairap naman ako rito sa asar. Walangya tlga!

"Hoy bonak! May nakapark na sasakyan sa labas! Alam mo ba kung sinong nag mamayari nun!? Aba! Hindi public parking space yang harapan ng bahay ko ano!"

Agad kaming na patingin sa pintuan nang biglang sumulpot si ate Jesse rito habang sapo-sapo ang naglalakihang tiyan nito. Kabuwanan na kasi nito ngayong buwan at bilang na lang siguro ang mga araw na manganganak na ito.

Ako tuloy itong natatakot para sa kanya. Ang laki kasi ng tiyan nito kumpara sa normal na kalakihan ng tiyan ng isang buntis. Ipupusta ko yaman ko rito, magiging kambal ang anak nila.

"Sa akin po iyon ate! Hehe!" ani ko rito habang marahang napakamot sa batok ko. Agad namang lumabot ang mga mata nito nang mapansin na ako.

"Rhye?” lumambot pa ang mga mata nitong inilihis ang tingin sa akin. Napangiti ako rito. She's still the same sister I have years ago.

“Di ko alam na nandito ka? Sabi pa naman ni Inka na ipinagpaalam mong bukas mo na iuuwi anak mo." aniya pa nang madawit ang tingin niya sa anak kong himbing na himbing na natutulog at lumapit sa amin sabay yakap pa sa akin na ikinanguso ni Inka dahil akala niya siya ang yayakapin ni ate.

"Ah oo nga po eh kaso biglaang nagkaroon ng dinner sa bahay eh kasama ang mga Collins. Di naman ako makatanggi." sagot ko pa nang humiwalay na siya ng yakap sa akin.

Marahang hinaplos na lamang nito ang braso ko at tumango na puno ng pag intindi. Inilakad nila ako papuntang pinto. Gusto pa sana ni ate na dito na lang ako mag hapunan kaso naintindihan niya naman ang situwasyon ko't hinayaan na lang ako.

"Babalik na lang po ako bukas dito ate. Ako na lang rin ang hahatid kay Veirn sa skwelahan niya bukas ng umaga." paalam ko nang makalabas na ako ng bahay.

Mabilis na rin akong sumakay ng kotse ko at pinasibad iyon dahil nag hahabol na rin ako ng oras. Alas siyete raw ang dinner namin at alas sais y medya na ng gabi ngayon. Halos higit kumulang biyente minutos pa naman ang layo ng bahay nina ate sa mansion.

𝚁𝚘𝚜𝚎 𝚃𝚊𝚒𝚗𝚝𝚎𝚍 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝𝚜: 𝙻𝙾𝚂𝚃 𝙰𝙵𝙵𝙴𝙲𝚃𝙸𝙾𝙽Where stories live. Discover now