𝙸𝙸 𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚇

626 48 6
                                    


“Nasampal ka ba?”

Pigil tawang tanong saken ni Amethyst habang sumusunod sa akin papasok ng kwarto ko.

“Nitong envelop? Oo, gusto mo malaman gaano kasakit masampal nito?!” kunot noo ko pang tanong sa kanya habang winawagayway ang hawak sa ere. Mabilis naman siyang umiling saken habang tinatakpan ang bibig upang pigilan ang sariling matawa pa.

Pabagsak ko pang ipinatong ito sa center table tapos ay lumapit ako sa drawer na katabi lang ng kama ko saka may kinalkal rito.

“Masakit ba? Namumula kase ang kaliwang pisngi mo.” sagot nito na ngayo'y tuluyan nang humalakhak sa tawa, may kasama pang pangaasar.

“Ha.Ha! Funny!” inis kong sagot rito. She just flip me the bird while taking a looking at the paper on her hand.

“Why did she think you would take the NTEC for yourself? Eh kung iisipin natin, may karapatan ka rin namang makealam rito dahil tunay ka namang anak nito Uncle Valen, you're a true Sauvettre kaya! Flesh and blood!”

Napakibit balikat na lang ako sa sinabi nito ngunit napaisip rin ako sa sinabi niya. Amethyst had a point. Pwedi akong makealam sa kompanya namin rito sa Pilipinas kung gugustuhin ko man.

But I'm not that crooked person. Sofia deserves everything she have right now kase pinag sikapan niya rin naman abutin lahat ng ito. She already secured her position in our company.

Hindi ko lang malaman ay bakit treathen na treathen siya saken eh di ko naman aagawin ang mga pinag hirapan niya.

“I think she saw you as a competitor?”

“Which is absurd! Dahil ni kailan ma'y di ko inisip yun!” Amethyst scoff loudly as if she just heard a dumbshit from me.

“Oh please! Kahit yan ang intensyon mo in the first place, wala pa rin yang silbi sa taong makitid ang utak at sariling kapakanan lang ang iniisip!”

Napairap na lang ako sa ere at di na siya sinagot pa. Alam ko naman iyon. Pero may pag kakataon ring di mo maiwasang malungkot at mapatanong kung bakit ganun na lang ang tingin nila sayo.

Inabot na ako ng ilang minuto ka kalkal sa drawer ko di ko pa rin mahanap-hanap ang hinahanap ko. Napatampal naman agad ako sa noo ng maalalang nawala ko nga pala ang wallet ko kaya taghirap ako ngayon.

Tinatamad rin akong kumuha ng bagong credit card. Di naman ako magastos kaya ayus lang.

Mabilis kong nilingon ang pinsan kong prenteng nakaupo sa bean couch ko habang hawak ang kontratang isinampal saken ni Sofia kanina at binabasa niya nito.

Lumapit ako rito at agad na hinablot ang hawak. Inis naman niya akong tinignan.

“Paheram ulit ako ng pera.” pag d-demand ko pa rito. Agad na kumunot ang noo niya sa narinig.

“Anong hiram?! May utang ka pa saken oy! Bayaran mo muna iyon!” aniya't inis na humalukipkip sa kinauupuan nito. Napairap ulit ako rito.

“Kaya nga ako mag hihiram ng pera sa'yo kase wala nga akong pera eh! Pag babayarin mo pa ako? Nauntog ka ba?” asik ko pa rito. Nag lalangitngit naman siya sa asar at malutong akong minura.

“Ang kapal mo rin ano!? San ka ba kumuha ng kakapalan ng mukha!? Sobrang kapal eh!” aniya. Bumuga lang ako ng hangin sa sobrang katigasan nito.

“Paheramin mo na kase ako! Babayaran rin naman kita!” pangungulit ko pa. Sa sobrang nakukulitan na ata saken ay pumayag na lang siya. Heh! Di ko naman talaga siya titigilan hangga't di niya ako pag bigyan.

𝚁𝚘𝚜𝚎 𝚃𝚊𝚒𝚗𝚝𝚎𝚍 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝𝚜: 𝙻𝙾𝚂𝚃 𝙰𝙵𝙵𝙴𝙲𝚃𝙸𝙾𝙽Where stories live. Discover now