09-The Boredom-

1.8K 52 2
                                    

"BORING!" Pumalatak si Kisses habang nakatulala sa kawalan. Kanina pa siya nakikipagtitigan sa wala. Naiinip na siya. Wala siyang magawa. Hindi sanay ang sistema niya na hindi nagbabanat ng buto. Ilang taon siyang naging si Cinderella. Bago sa kanya ang nakatunganga lang.

"Nakakabagot talaga!"

Tamad siyang tumayo at lumabas ng silid. Mukhang wala na naman siyang magagawa kundi ang libutin ang buong bahay na wala namang kabuhay-buhay.

Sa isang linggong pananatili— mali— pagkakakulong niya ay iyon lamang ang bagay na puwedeng gawin.

Buwisit na Gian! Kasalanan nito kung sakaling mabaliw siya dahil sa nakabibinging katahimikan. Mukhang mas ikapapahamak at ikamamatay pa niya ang sobrang boredom kaysa kung nasa labas siya at naghahanap ng paraan para maging malaya mula sa mga Agustin.

Gusto nitong makipagtulungan ngunit wala naman itong matinong paliwanag maliban sa maling paratang.

Paano niya malalaman kung ano'ng dapat gawin kung nasa ilalim nga sila ng isang bubong pero parang nasa magkabilang mundo?

Madalas umalis si Gian, marami raw itong trabahong dapat gawin sa opisina ng Black Hawks.

Kapag nasa bahay naman ito ay nakakulong lamang sa sariling kuwarto.

Hindi niya raw ito maaaring istorbohin dahil marami itong inaasikaso.

Kung kalampagin na lang niya ang pinto ng kuwarto nito para mabasag ang katahimikan? Sila lamang ay magkasama rito pero hindi naman sila nag-uusap.

Nakakainis!

Gusto lang naman niyang maging malaya pero bakit ngayon ay nakakulong na naman siya? Was it the price to pay for wanting freedom so damn much? Was it too much to ask?

Humugot siya nang malalim na buntong hininga at umiling. Mabubulok na yata siya sa bahay na iyon.

Tinungo niya ang likod-bahay, umupo sa malaking bato at iginala ang paningin. Gaya ng buong kabahayan, wala rin iyong sigla. May mangilan-ngilang halaman at bulaklak ngunit hindi niyon natabunan ang malumbay na awra sa paligid.

Nilulumot na ang mataas na pader. Sobrang taas na hindi niya makita ang labas. Ganoon ka-secure ang lugar at siguradong kahit sumigaw pa siya ng saklolo ay walang makakarinig.

Sa loob ng isang linggo niyang pananatili ay wala siyang naulinigang tunog ng sasakyan at boses ng mga tao.

Saang parte ng daigdig ba ang bahay na ito?

Ano kayang nangyari at naging ganoon katamlay ang paligid? Hindi na niya kayang manatili pa, lalo lamang nagsusumiksik sa kanyang isipan kung gaano siya kamiserable.

Kapag sobrang tahimik ay naaalala lamang niya ang pagkawala ng ama, ang mga hirap na dinanas niya sa kamay ng mga Agustin. Tumakas siya para maging masaya ngunit ano'ng napala niya?

Agustin? Umiling siya.

Bumuhos ang mga posibilidad. Posible kayang alam ni Blake kung nasaan siya? Hindi kaya kasabwat nito ni Gian? Hindi kaya plano ito ni Blake upang tuluyang makamkam ng mga Agustin ang lahat ng mayroon siya?

Muli siyang umiling. Hindi iyon magagawa ni Blake, alam niyang minsan ay gago ang kababata pero hindi ito aabot sa ganoong punto. Maliban na lang kung pinilit ito ng demonyong kapatid.

Wala sa sariling tumayo siya. Dapat may gawin siya. Kung anu-ano'ng naiisip niya sa kawalan ng gagawin.

I need to kill this boredom before it kills me.

Captivated By Your KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon