24 -The Eternal Love-

1.6K 48 4
                                    

"ELIXIR?"

Hindi mapakaling bumangon si Kisses. Wala ang bata sa kanyang tabi.

Napapikit siya nang maramdaman ang sakit ng kalamnan, ngalay na ngalay ang kanyang braso. Magdamag niyang karga si Elixir hanggang sa makatulog ito.

Paano kung ibinigay na ni Gian ang bata kay Krystal? Mabubulilyaso ang plano niya. Hindi pa man nabubuo ang plano ay natibag na kaagad. Lumabas siya upang hanapin ito.

Natagpuan niya si Elixir sa living room, naka-upo ito sa carpet at napalilibutan ng mga laruan.

Si Gian naman ay nakasandal sa dingding at walang emosiyong nakahalukipkip habang pinagmamasdan ang anak.

"Daddy! Play!" anito at itinaas ang asul na toy car. Kailan pa nagkaroon ng toy car?

Mayroon ngang water gun noong nakaraang linggo? Paalala ng kanyang isip.

"Don't think of the water gun, Kisses!"

Umupo na lamang siya sa hagdan. Tahimik ang kanyang bawat kilos upang hindi mahuli ni Gian na nanonood.

Minasahe na lamang niya ang braso, ang sakit talaga.

"Broom... broom," ani Elixir at ikiniskis ang laruan sa carpet. Gumapang iyon patungo sa ama. Gian just stood there and stared down at him.

Ngumiti nang matamis ang paslit, he swayed his body as he smiled. "Love Daddy! Yehey!" anito at pumalakpak.

Natigilan si Gian. Dinig na dinig ni Kisses ang pagsinghap nito. Nanatili itong nakatitig sa anak at tila sinusuri ang kabuuan nito.

"Daddy?"

Umiling si Gian at humakbang palayo sa bata. Umangat ang mukha nito. Nagtama kanilang mga mata.

Hindi mabasa ni Kisses ang ekspresiyon ni Gian. Tumalikod ito at tinahak ang daan patungo sa garden.

"Go back inside," matigas nitong utos nang sundan niya ito.

"Hindi ka ba makaintindi, Khryzzanne? Pumasok ka na sa loob," mabibigat ang bawat paghinga ni Gian.

Hinawakan niya ang balikat nito, ngunit tinampal lang nito ang kanyang kamay.

"Stop. You're trespassing," malamig nitong pahayag.

"Gusto ko lang tumulong."

"I don't need your help." Umiling si Gian. "I don't need you."

Pinunasan niya ang luhang dumaloy sa kanyang pisngi.

'I don't need you.' Hindi niya alam kung paano siya nagawang durugin ng apat na salita.

Agad siyang tumalikod at sinunod ang utos nito. Binalikan niya si Elixir. Umupo siya sa tabi ng musmos at doon na humagulhol.

May pumisil sa kanyang dibdib at pinigilan siyang huminga. May tumusok sa bawat himaymay ng kanyang puso. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang sapakin si Gian at gisingin ito ngunit hindi niya alam kung ano ba'ng dapat niyang sabihin.

'I don't need you.' Nagpaulit-ulit ang apat na salita sa kanyang isipan.

Sumasakit ang ulo, katawan, at ang lahat ng bahagi ng kanyang sistema.

"Mama?" inosenteng wika ni Elixir dahilan upang tumunghay si Kisses.

Basang-basa ang kanyang pisngi. Gumapang ito palapit sa kanya pagkatapos ay tumayo. Pumantay ito sa lebel niya at hinalikan ang kanyang pisngi.

"Kiss," anito at lalong bumuhos ang kanyang luha.

Nasasaktan siya para ka Gian. Nasasaktan siya para sa inosenteng bata.

Captivated By Your KissDonde viven las historias. Descúbrelo ahora