03 -The Plan-

2.4K 58 1
                                    

Kabanata Tatlo

The Plan


 "ANONG plano mo ngayon?" tanong ni Diane.

Sumimangot si Kisses, sinundan niya ng tingin si Tristan, malapad ang ngiti nito habang hawak ang kamay ng isang babae. Kanina lamang ay inanunsiyo ng binata ang nalalapit nitong kasal.

"Plan A Failed," iling niya. "I wasn't able to befriend the prince and make him mine," nanlumo siya.

Kung nagtagumpay lang sana ako eh, 'di ang saya ko na sana ngayon. But I'm Kisses Constantino and I'm not going to give up.

"Plan B?" tanong ni Diane. Batid niya ang hesitasiyon sa mukha nito. Hindi pa rin ito sang-ayon sa gusto niyang mangyari.

Tumango siya pagkatapos ay iginala ang paningin sa paligid para isagawa ang kanyang plano.

"Si Blake?" tanong niya.

"Nasa Underground kasama ng Hawks."

Ang tinutukoy ni Diane na Underground ay isang bar sa basement ng hotel. Ang Hawks naman ay isang samahan na kabilang si Blake. Kasali din doon si Tristan, hindi nga lang niya alam kung para saan ang grupong iyon.

"Sigurado ka ba talaga, Kisses?"

"I'm one hundred percent freaking sure with this, D, at kapag hindi pa ako naka-alis ngayon... hindi ko na alam kung ano pang mangyayari sa buhay ko."

"Two months na lang, Ateng."

Muli siyang umiling.

"WHAT the hell!?!" sunod-sunod na malulutong na mura ang umalingawngaw nang biglang namatay ang ilaw sa buong hotel.

"Kisses, parte pa rin ba ito ng plano mo?" tanong ng isa pang nagpapanic na si Diane.

Napakadilim ng paligid at halos wala na silang makita. Makailang ulit siyang kumurap upang may maaninag. Kumakapa-kapa siya pero puro mga nagbubungguang braso at balikat ang nahahawakan niya.

Nagkakagulo na ang mga tao. Kanya-kanyang espekulasiyon tungkol sa nangyari, may nagsasabing pakulo lang ito sa party. Ang iba naman ay sinabing brown-out lang.

Pero mas tumindi ang kung ano'ng espekulasiyon nang may biglang sumabog. Nagsisigawan na ang mga tao. Pilit niyang hinanap ang boses ni Diane sa kabila ng mga sigaw.

Hanggang sa matanaw niya ang isang pinto.

Kailangan niyang makalabas. Pagkakataon na niya para makalayo at tumakas...

Para makalaya.

Ngumisi siya nang nahanap ang daan palabas. Mabuti na lamang at sanay siyang dumalo sa mga party dahil kabisado niya ang istraktura ng mga hotel. Mabilis siyang kumaripas ng takbo.

Naririnig pa rin niya ang ingay ng mga tao pero hindi niya binigyang pansin. Isa lang ang tumatakbo sa isip niya— ang makaalis.

Sa tingin niya ay iyon na lamang ang una at huling pagkakataon na puwede niyang baguhin ang takbo ng kanyang kapalaran.

Tuloy-tuloy lamang ang kanyang hakbang. Hindi siya nag-abalang lumingon pa. Wala siyang tiyak na direksiyon. Paalam San Joaquin at sa kinagisnan niyang buhay.

Pangako, babalik ako at babawiin ko kung ano'ng akin.

TAKBO. Takbo. Takbo.

Wala na yatang laman ang isip ni Kisses kundi ang tumakbo. Bahala na kung saan makarating, kung saan siya dalhin ng kanyang mga paa. Pagod na pagod na siya pero ininda niya iyon. Tila malapit nang bumigay ang kanyang binti dahil sa suot na mataas na takong.

Captivated By Your KissМесто, где живут истории. Откройте их для себя