25- The Crossroad-

1.5K 45 7
                                    

PANAY ang iwas ni Gian nang sumunod na araw. Kapag nagkakasalubong sila ay agad itong tumatalikod. Hindi ito sumabay sa almusal at tanghalian. Kapag nagtatama ang kanilang paningin ay malamig ang mga mata nito.

"Akala ko ba may dapat kaming pag-usapan? Paano kami mag-uusap kung hindi naman niya ako pinapansin?"

It was like they were back at the page where he abducted her. Deadma kung deadma! Naiinis na si Kisses. Hindi na niya kaya ang katahimikan.

Nang hindi nakapagtimpi, siya na mismo ang lumapit kay Gian. Nanginginig pa ang kanyang mga kamay nang katukin niya ang kuwarto nito.

"What do you need?" bulyaw nito.

"Aalis na ako rito."

Natigilan si Gian at nangunot ang noo. "Ano?"

"Nahuli n'yo na si Pierre, 'di ba?"

Bahagyang rumehistro ang gulat sa mga mata ng kausap.

"I heard you talking to Blake over the phone. Puwede na akong umalis." giit niya sa kabila ng katotohanang ayaw niyang umalis. Hindi niya kayang iwan si Gian. Masiyado siyang nasanay na kasama ito.

"No. You can't leave yet," mariin nitong sabi at sinara ang pinto.

Pinili niyang lumayo na lamang. Tinungo niya ang library at binuksan ang kahon na naglalaman ng mga kagamitan. Inayos niya ang stand at pinatong doon ang plain na canvass.

Gian won't like it but she must do it. Sasabog na ang dibdib niya sa dami nang nakadagan doon. Maging ang utak niya ay punong-puno na rin ng napakaraming tanong at alaala. Hindi niya alam kung paano iyon babalansehin.

Huminga siya nang malalim at pumikit, pinakinggan ang pintig ng kanyang puso. Nang buksan niya ang mga mata ay napangiti siya nang mapait. Kumumpas ang kamay niya na hawak ang brush, kasabay ng bawat stroke ay ang pagpatak ng luha.

Everything went still and silent. Ang tanging naririnig niya ay ang tibok ng kanyang puso. Ang canvass lamang na unti-unting nagkakaroon ng kulay ang nakikita niya. The world simply stretched and pulled, melted away into eternity.

Nakatitig lang siya sa likha nang matapos iyon.

Hindi niya maipaliwanag kung paano ko iyon nagawa. Hinayaan lang niyang hilahin siya ng nararamdaman.

Larawan iyon ng isang sangang-daan, matatanaw ang bilog na buwan ngunit walang bituin sa langit. Sa sulok ng daan patungo sa kaliwa ay isang puno na nalalagas ang dahon.

Pumikit siya nang makadama ng hilo. Hindi niya namalayan ang oras. Hindi pa pala siya kumakain.

Tinungo na lamang ang niya kusina kahit walang ganang kumain.

Hindi maalis sa isipan niya ang painting. Apat ang kalsadang maaaring pagpilian ngunit hindi matukoy ang daang tatahakin.

Dumukmo siya sa mesa at nagpasiyang huwag na lang kumain.

Pinaglimi-limihan niya ang mga bagay-bagay nang may folder na bumagsak sa tabi ng mukha niya.

"THOSE ARE the information you gave me. Tell me if you have other things to charge against Pierre."

Nanlamig ang kanyang kamay nang buklatin ang folder hindi dahil sa maaari niyang mabasa kundi sa tono ng pananalita ni Gian. Siguro ay tinakasan na ng dugo ang kanyang mukha.

Isinara niya iyon at umiling. Wala na siyang masasabi. Nahukay na nito ang lahat ng impormasiyon tungkol sa kanya. Nanakit na ang kanyang labi sa kakakagat. Nagtatalo ang isip niya kung dapat niya bang kausapin si Gian tungkol sa bumabagabag sa isip niya o hindi na lang.

"Kailan n'yo pa nahuli si Pierre?" pinili niyang ang magtanong.

"Noon ding araw na umalis ako."

Tumunghay si Kisses. Napangiwi siya nang makita ang benda at maalala ang dahilan niyon.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na nahuli mo na siya?"

"I was about to tell you the news to surprise you but I'm more surprised when I got here."

Dumapo ang mga mata nito sa kanya, parang tatangayin ang kaluluwa niya ng titig nito. Dinampot nito ang folder at tumayo na. "Prepare yourself. We'll leave in an hour."

"Saan tayo pupunta?" tumayo siya. Hilo pa rin.

"I have done what I should do. It's time to take the case to the next level. Congrats, Khryzzanne. You will have what you want anytime soon." Hilaw ang ngiti ni Gian bago nagmartsa palayo.

"What about you?" bumaling ito at humakbang palapit. Naramdaman niya ang pamilyar na kaba.

"What do you mean?"

"I mean—"

"There's nothing about me here. It's your case not mine." Tuluyan itong umalis.

INIHINTO ni Gian ang sasakyan sa hindi pamilyar na lugar. Matayog ang building na matingkad na abo ang pintura. Sa backdoor sila dumaan, hindi man lang hinarang ng security.

Dalawa ang pamilyar na mukha sa loob ng silid. Agad niyang tinakbo ang distansiya patungo kay Blake. Walang sabi-sabing tumulo ang luha niya nang yakapin siya nito. Hindi niya makita ang nakasanayang malokong ngiti mula sa kababata.

"I'm sorry, Kisses," paulit-ulit nitong paumanhin. Lalo pang humigpit ang yakap nito. "I'm sorry kung hindi kita naprotektahan."

Umiling siya. "Okay lang ako. Ikaw?"

Kumalas si Blake. "Okay lang ako. Kaso iyong kaibigan mo malapit nang masiraan ng bait. Hindi ko naman masabi ang nangyari sa iyo."

Humalakhak si Kisses. Gumuhit sa isip niya ang imahe ni Diane. Nakikita na niyang kinawawa nito si Blake.

For the first time in many years, she felt relief.

Pero may bahagi pa rin ng puso niya na mabigat at basag... ang bahaging kumakapit kay Gian.

Narinig niya ang isang tikhim. "If you wouldn't mind me interrupting with your reunion. Chief wants to talk to Constantino."

Ginapang siya ng lamig sa pormal nitong boses.

Matapos siyang kausapin ng hepe ay naiwan sa interrogation room si Gian. Bumalik na lamang siya sa silid na pinasok nila kanina. Naroon pa rin si Blake.

"Blake, how did Gian got his wound?"

"Kuya shot him when he found out that you're with him."

Hindi man lang siya nagulat.

"Nasaan siya?"

"He's in Black Hawks custody."

"Dalhin mo ako sa kanya."

"I'm sorry. Hindi ako puwedeng lumapit kay Kuya."

"Bakit?" Hindi pa nasasagot ni Blake ang tanong nang pumasok si Gian.

"Let's go," anito.

Tinanguan siya ni Blake. "Go with him." Muli niya itong niyakap.

"I know there's something going on between you and Gian. Don't you ever run away again," makahulugan nitong bulong.

Madilim ang mga mata ni Gian, nagpatiuna ito. Sumunod na lang siya.

Captivated By Your KissWhere stories live. Discover now