17 -The Avenger-

1.7K 54 2
                                    

HINDI niya nagawa pang harapin si Gian matapos ang almusal. Gusto niyang sapakin ang sarili dahil sa mga nasabi.

Nagkulong na lamang siya sa kuwarto, ilang oras na ang dumaan ngunit hindi niya pa rin alam kung saan pinulot ang tanong kay Gian kanina.

Bakit ko ba hiniling iyon?

Lumagapak ang kanyang palad sa noo. Umiling siya upang iwaksi ang bagay na iyon. Nangyari na iyon. Hindi na niya mababawi pa.

"But, Gian said yes. Handa siyang protektahan ako."

Kinatok niya ang kanyang sentido. Kinakausap na niya ang sarili. Baka sakaling bumalik iyon sa katinuan.

"Ikinulong niya ako rito, kailangan niya ako. Siyempre, obligasiyon niyang protektahan ako. Bakit ba ako nag-iisip ng ibang dahilan?"

Dumapa siya sa kama at isinubsob ang kanyang mukha sa unan, dumipa at pinagbahagi ang kanyang binti.

"Anong gagawin ko rito?"

Tumihaya siya at nakipagtitigan sa kisame. "Paano kung matunton ako ni Pierre? Poprotektahan nga ba ako ni Gian o sinabi lang niya iyon para hindi ko siya pagdudahan?"

This was why she hate being alone with her thoughts, she kept on overthinking. Bumalikwas siya at binali-bali ang kanyang leeg. Kailangan niyang baguhin ang tako ng kanyang isipan. Muli siyang humiga.

Nasa malalim siyang pag-iisip ng mga bagay na gagawin kapag malaya na siya nang magkaroon ng tatlong sunod-sunod na katok sa pinto. Hindi pa siya nakakatayo ay bumukas na rin iyon.

Pumasok si Gian, pinasadahan siyang tingin mula ulo hanggang paa. Nanlaki ang mga mata ng binata.

Kaagad siyang bumalikwas nang maalala ang kanyang posisiyon. Darn! she was definitely sprawled in bed.

Sunod-sunod ang pagtikhim ni Gian. Nakagat ni Kisses ang ibabang labi.

"Ah," lumunok si Gian, tila tuliro ito at hindi alam kung saan itutok ang mga mata.

Kitang-kita ni Kisses ang paggalaw ng adam's apple. Lumaglag ang kanyang panga at nahigit ang kanyang hininga. Agad niyang inilayo ang paningin mula kay Gian.

"The lunch I ordered has arrived. You may go downstairs," anito at mabilis na lumabas.

Binuga niya ang hanging naipon sa kanyang dibdib. Bakit ganoon ang reaksiyon niya? Bakit ang bilis ng pintig ng puso niya?

Wala na siyang balak na bumaba. Ayaw niya pang harapin si Gian. Mananatili na lamang siya sa silid.

Muli siyang humiga. Buo ang kanyang desisiyon na hindi lalabas nang ipinagkanulo siya ng mga alaga sa tiyan. Lumikha ang mga iyon nang malakas na ingay.

Nagbuntong hininga siya at napilitang tumayo habang tahimik na dinarasal na sana ay hindi magkrus ang landas nila ni Gian.

"You got to be kidding me!" usal niya nang marating ang kusina. Laglag ang panga habang nakatutok ang mga mata sa mesa. Sigurado siyang hindi nililinlang ng kanyang paningin.

"You like it?" kalkulado ang boses ni Gian. Sumulpot ito sa kanyang likuran.

Hindi siya nakapagreklamo nang tangayin nito ang kanyang braso.

"Shut up! I love it!" Agad siyang dumulog sa hapag kainan. Maningning ang kislap ng mga mata.

"Paano mo nalaman?" tanong niya habang naglalagay ng lasagna sa plato. Mula nang mapadpad siya sa bahay ni Gian ay iyon lamang yata ang magandang nangyari.

"Sources," ngisi nito at umupo sa kabilang dulo ng mahabang dining table.

Binato niya ito nang makamandag na tingin. Ngumuso siya at hinila ang pan ng lasagna palapit sa kanya. She's claiming her property. Sumigaw at sumayaw sa tuwa ang mga paru-paro sa kanyang tiyan.

Captivated By Your KissWhere stories live. Discover now