22- The Cell-

1.4K 47 3
                                    

Nagpabalik-balik ang kanyang mga mata kay Gian at sa paslit. The striking resemblance was unnerving. The little boy was an exact mini replica of him.

Gulat ang ekspresiyon sa mga mata ni Gian, nakatitig lang ito sa bata na pilit na inaabot ang kamay ng ama.

Inalis nito ang maliit na brasong nakapulupot sa binti. Gian's eyes were pitch black and it became many shades darker when he saw her. Binalingan nito ang babae, halos umusok ang ilong sa galit.

"What the fuck are you doing here?"

Agad na tinakbo ni Kisses ang distansiya patungo sa bata at inilayo ito kay Gian. Tinakpan niya ang maliit nitong tainga.

Walanghiyang lalaki, nakuha pang mag-mura.

Mukhang walang pakialam si Gian sa ginawa niya, nanatili ang atensiyon nito sa babae.

Sinalubong ng babae ang matatalim na titig, pinantayan ang galit ngunit hindi maitatago ang lungkot.

"Elixir wants to see his father."

Suminghap si Kisses sa kumpirmasiyon ng kanyang hinala. Sinubukan niyang hindi pakinggan ang sumunod na palitan ng salita. Pinakalma na lamang niya si Elixir na mukhang maiiyak na habang nakatitig sa ama.

Pero ang dapat niya talagang pakalmahin ay ang toro sa kanyang dibdib na bigla na lamang nagwala.

"I told you that I'm busy," bulyaw ni Gian.

"Lintik naman, Gian Alvince! Wala ka bang ibang idadahilan? Ilang linggo mo na kaming hindi binibisita. Ano ba'ng pinag-aaksayahan mo ng oras at hindi mo man lang madalaw ang anak mo," reklamo nito at sinibat si Gian ng nagbabagang tingin. Kung totoong nakatutunaw ang titig ay kanina pa ito nalusaw.

Kisses suddenly felt guilty. Ang kaso niya ang pinag-aaksayahan nito ng oras. The lady glanced at her— remorse was written in her eyes.

"Umuwi na kayo," malamig na sabi ni Gian.

Muling sumulyap ang babae kay Kisses.

"Your son needs you!" lalo pang tumaas ang boses nito.

"Good God!" sinabunot ni Gian ang sariling buhok. "Can't you fucking understand that I'm fucking tired and I'm fucking busy?" bumuga ito ng hangin. "Sa ibang araw na lang tayo mag-usap, pagod ako."

Mapakla ang halakhak ng babae. "Ganyan ka naman palagi. Wala kang ibang sagot kundi busy at pagod. I believe in you. Huwag mong sirain ang paniniwala ko sa iyo."

His eyes suddenly turned blank and cold. Kung umihip siguro ang hangin ay baka manigas na lamang ang lahat ng nasa paligid dahil sa lamig.

"Go home," anito at nagmartsa palayo.

The look in Gian's eyes reminded of the day she found the painting. Of the moment he told her that this lonely house was his fucking kind of normal.

Hindi niya gusto ang tinatakbo ng kanyang isip... ayaw niyang maging tama ang hinala.

Marahil ay si Iridessa ang babae— ang dahilan kung bakit malungkot si Gian.

Binitiwan ni Kisses si Elixir. Agad itong tumakbo sa babae at yumakap habang umiiyak.

"Saglit lang, hintayin n'yo ako rito," ani Kisses

Hindi niya alam kung anong sumapi sa kanya. Kung bakit gusto niyang makialam sa sitwasiyon na hindi naman siya kasali.

But the horror in Gian's eyes when he saw his son and Elixir's tears told her that she must do something.

Sinundan niya si Gian. Pumasok ito sa pinagbabawal na silid. Kahit alam niyang magagalit ito ay sumunod pa rin siya. Hindi siya makapapayag na ganoon ang pagtrato nito sa bata.

Natigilan si Kisses nang makapasok sa kuwarto. Kulay-rosas ang pintura ng dingding. Hindi tulad ng buong bahay na puti at walang buhay.

Sa dingding ay nakasabit ang iba't-ibang painting. Mayroong abstrak na larawan na tila mother and child. Nakatitig doon si Gian. Hindi nito marahil na pansin ang pagsunod niya.

Pinagmasdan lang niya ang likuran ni Gian, taas-baba ang balikat nito at mabibigat ang paghinga.

Iginala niyang muli ang paningin. Sa kabilang pader ay may mga larawan ng isang babae. Bilugan ang abong mata at hugis puso ang mukha. Matamis ang ngiti nito at punong-puno ng buhay.

Sa sunod na painting ay naroon si Gian kasama ang babae, napakasaya ng ngiti nito, umaabot hanggang sa mga mata ang kislap ng kaligayahan.

Hindi niya maipaliwanag kung bakit parang may tumusok sa puso niya. Lumalim ang baon nang mapadpad ang kanyang mata sa kabinet.

Doon ay nakasabit ang isang wedding gown.

Walang pasintabing bumagsak ang kanyang luha. Makulay ang silid ngunit maraming kulang— kulang sa saya at nababalot lamang ng lungkot.

Humakbang siya palapit kay Gian at nilingon ang abstract, sa ibabang bahagi niyon ay ang pamilyar na salita.

For Gian.

Binalingan niya si Gian— nakakunot ang noo nito at salubong ang kilay. Naka-awang lamang ang mga labi habang nakatitig sa sining.

Pumatak ang luha sa pisngi nito.

"Leave," malamig nitong utos.

Hindi siya kumibo.

"Get out." Napako siya sa kanyang puwesto. Gusto niyang lumapit at punasan ang luha, ibsan ang sakit na itinatago nito sa mga mata.

Pero hindi niya magawa.

Hinatak siya ni Gian palabas at pabalibag na isinara ang pinto. Kumatok siya nang kumatok ngunit hindi siya pinagbuksan.

Gusto niyang sapakin si Gian. Kung alam lang niya ang pinagdadaanan nito ay baka natulungan niya.

Nakakafrustrate! Huminga siya nang malalim at bumalik na lamang sa ibaba. Hindi siya matatahimik hangga't hindi niya naiintindihan ang sitwasiyon.

Nandoon pa rin ang babae nang makababa siya, nakaupo ito sa sofa. Si Elixir ay natutulog at ginawang unan ang hita nito.

Mataman niya itong pinagmasdan. Hindi nito kawangis ang babae sa painting.

Kung ganoon, sino ang babaeng iyon at ang babaeng ito? Sino ang ina ni Elixir?

"Where's my idiot brother?" anito at humalukipkip.

Brother? May kapatid si Gian?

Gusto niyang sapakin ang sarili. Nagawa niyang pagkatiwalaan ang lalaking iyon gayong hindi naman niya kilala.

"He's..." umiling siya at bumuga ng hangin.

"Ah, he must be in his prison cell again." Hindi nito itinago ang inis.


Captivated By Your KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon