08-The Hawks-

1.9K 58 0
                                    

"YOU'LL stay here until we sort things out. Kapag nalaman kong may kasalanan ka, lagot ka sa akin."

"Ilang beses ko ba'ng sasabihin sa iyo na inosente ako?"

Binato lamang siya ni Gian nang masamang tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Padabog na sumunod si Kisses.

Naglinga-linga siya sa paligid. Kasalukuyang nagbibigay ng rules si Gian. As if naman na susundin niya.

Manigas siya.

"Aray!"

Bumangga ang kanyang pisngi sa matigas na bagay. Nang mag-angat siya ng tingin ay likod pala iyon ni Gian.

"Hindi ka ba tumitingin sa dinaraanan mo?" bulyaw nito.

Mabilis siyang umatras. Hindi niya namalayan ang bigla nitong paghinto.

"Hindi ko napansin," bulong ni Kisses.

Hindi tumugon si Gian, bagkus ay napako ang paningin nito sa pintong muntik na niyang nabuksan kahapon, ang dahilan kung bakit galit na galit ito sa kanya.

"You're allowed to roam inside this house. Baka lalo ka lamang mabaliw kung nakakulong ka lang sa kuwarto mo. But you cannot go inside the master's bed room and the study room..." His voice was low and calculated. But it quivered when he said, "and also this room."

Gusto niya sanang itanong kung anong mayroon sa silid. But the dark aura on his face made her stop herself from asking.

Nagpatuloy na rin ang binata sa paglalakad at hindi na muling sinulyapan ang pintong iyon.

"Do you know how to cook?" pagkuwan ay tanong nito nang marating nila ang kusina.

Bumaling si Gian, bumalik na ang ngisi sa mukha nito. "Nevermind, baka lagyan mo pa ng lason."

Nangunot ang noo ni Kisses, binato niya ito nang masamang tingin. "I told you, I'm not a criminal. Besides, mukha kang masamang damo kaya kahit lasunin kita ay hindi ka agad mamamatay."

Lalong lumapad ang ngisi nito. Sumimangot na lamang si Kisses.

"Lights will be off by nine in the evening. Tawagin mo ako kung may kailangan ka. Kung kalokohan lamang iyon, huwag mo nang subukan. Mabait akong tao, Khryzzanne. I mean no harm pero huwag mong susubukan na ubusin ang pasensiya ko." Mapang-akusa at tila nagbabanta ang tinig ng binata, ganoon din ang mga mata nito.

Mabait daw siya? Sinong niloloko niya? Napakalayo niya sa salitang mabait.

"I'll go ahead," anito bago tumalikod.

"Teka, wait," ani Kisses, tatlong hakbang pa lamang ang layo ni Gian.

Nakagat niya ang ibabang labi. Gumapang ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi niya maipaliwanag ang klase ng titig na pinukol ni Gian.

"Sino ka ba talaga? Bakit mo ako ikinulong dito bukod sa dahilan mong terorista ako? Puwede mo naman akong isuplong sa pulis kung sigurado ka talaga r'on at bakit alam mo ang buong pangalan ko?" walang preno niyang tanong.

Ilang araw na mula nang dakpin siya ng binata. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang buo nitong pangalan.

Kumunot ang noo ni Gian saka huminga nang malalim, pagkatapos ay umangat ang isang sulok ng labi sa isang makahulugang ngisi.

"Hindi na kailangan. You're a Constantino, kilala ka ng karamihan, Khryzzanne. The Agustin's are in charge of you, I don't think you'll have your freedom if it wasn't really your fault."

Nanlaki ang mga mata ni Kisses. Ano'ng ibig nitong sabihin? He's like speaking in puzzle.

"Have you heard of Black Hawks? Maybe you have, Blake's probably told you."

"Blake Raven Agustin?"

Black Hawks? Alam niyang narinig na niya iyon, sigurado siyang hindi iyon nabanggit ni Blake.

"Yes, your foster brother. He's one of the Hawks," seryoso nitong pahayag. "Me, too."

"Magkakilala kayo ni Blake? Magkasama kayo sa Black Hawks?"

It suddenly ringed a bell. Nabanggit na iyon ni Diane sa kanya.

"You must have realized who I am, Khryzzanne. Black Hawks only take serious business."

"Seriously? Hindi malaking kaso ang nangyaring iyon kumpara sa kurapsiyon at terorismo," mabilis niyang nakagat ang ibabang labi nang makamandag na tingin ang ibinigay ni Gian.

"It is a serious business. You almost killed every Black Hawks member." He growled in rage, his eyes are suddenly many shades darker and venomous.

"Hindi nga ako ang gumawa niyon!" sigaw niya upang ikubli ang takot na namayani sa kanyang puso. Abot-abot ang tahip ng kanyang dibdib. "Paano ko mapapatay ang miyembro ng Black Hawks, hindi ko kayo kilala?"

Humakbang ito palapit. Bawat hakbang ay umaatras siya. Malakas ang bayo ng kanyang puso.

"Tristan is one of us. The night of the bombing, all Hawks were there, you're the only one who tried to escape. Paano ko masisiguro na wala kang intensiyon na gawin ang krimen na iyon gayong tumakas ka? Maaari ngang hindi lang si Tristan ang puntirya mo, maaaring ang buong grupo dahil naroon kaming lahat," malamig nitong akusasiyon.

"Wala akong kasalanan, Gian. For once, maniwala ka naman sa akin. Paulit-ulit na lang tayo sa bagay na ito, palayain mo na ako."

Lumapat ang likod ni Kisses sa kitchen counter. He was massive. He was close, too damn close for comfort. Kinain ng takot ang buo niyang sistema.

"I can't. I can't just let you go. I'll never risk the life of the Hawks even if we do risky jobs," anito at umatras.

"You asked who I am? It's Gian Aguirre. You have to outsmart me if you wished to escape again."

Pinagmasdan na lamang niya ang papalayong bulto ni Gian. Pinakawalan niya ang hanging naipon sa kanyang dibdib. Paano niya mapatutunayan na inosente siya gayong mukhang sarado ang isip ng binata sa mga paliwanag?

Captivated By Your KissWhere stories live. Discover now