10- The Painting-

1.6K 47 5
                                    

ISANG ORAS ang matuling lumipas ngunit nanatili si Kisses sa parehong puwesto at nakikipagtitigan sa kawalan.

Hindi maalis sa isipan niya ang nalaman.

"Ano pa kayang mga kagagahan ko ang napanood niya?"

Oh, God!

Natampal niya ang sariling noo. This was humiliating. Ano na lang ang mukhang ihaharap niya sa mga tao kung sakaling pinakita iyon ni Gian sa iba?

Umalis ito, maaaring nagtungo sa opisina at kasalukuyang pinagpipiyestahan ng mga kasama ang kahiya-hiyang videos. Would Blake saw that too? Would he defend her?

Maybe not, he could be an asshole half the time.

Inis na tumayo si Kisses. Kailangan niyang abalahin ang sarili. She's overthinking again and it's not healthy.

Bumalik na lamang siya sa kusina at naghanap ng bagay na puwedeng gamitin. Itutuloy na lamang niya ang naunsiyaming plano.

Nasa kay Gian ang kutsilyo, kailangan niya ng ibang bagay. Mali ang inisip nito kanina. Paano nito nagawang magkaroon ng ganoong konklusiyon?

Umiling na lang siya at nagpatuloy sa paghahanap. Nang makita ang pink na gunting sa isang drawer ay nakangiti siyang dumeretso sa back garden at pumitas ng bulaklak. Kung nanonood man si Gian ngayon ay malamang napagtanto na nito ang pagkakamali.

Inilagay niya sa vase ang tatlong daisy.

"Now, what am I going to do next?"

Kailangan niyang maging abala. Sa ganoong paraan ay matatabunan ang mga bagay na gusto niyang kalimutan.

Iginala niya ang paningin. Hindi niya alam kung ano'ng dapat niyang gawin. Hindi maaaring gumawa na naman siya ng kagagahan.

Dumako ang kanyang paningin sa mga silid sa ikalawang palapag. Sariwa sa isip niya ang paalala ni Gian.

"Hindi ka maaaring pumasok sa pink flower room, okay?" aniya.

Lumipat ang kanyang mata sa silid sa dulo ng pasilyo... ang library. Hindi niya alam kung bakit hindi niya iyon nagawang puntahan. Probably because she didn't have fondest memory when it came to library.

She snapped the memory away and dragged her feet towards the stairs. Mabibigat ang bawat hakbang niya.

Nagtatalo ang dalawang bahagi ng kanyang sarili kung papasukin ang silid o babalik na lamang sa pakikipagtitigan sa kawalan. She didn't want another boredom. She didn't want to be reminded of how stupid she acted these past few days.

Pinili niyang magpatuloy. Dilim at amoy ng alikabok ang sumalubong sa kanya nang buksan ang pinto. Inihit siya ng ubo at mabilis na tinakpan ang kanyang bibig.

Sa gitna ng dilim ay sinubukan niyang igala ang paningin. Pilit niyang inaninag ang lahat ng madaanan ng mga mata. Hanggang sa natagpuan niya ang makakapal na kurtina. Hinawi niya iyon at pumasok ang liwanag mula sa labas.

Namangha siya sa laki ng library. Sa bawat dingding ay nakahilera ang floor to ceiling na bookshelves. Punong-puno ng mga aklat. May isang malaking mesa na yari sa kahoy sa gitna ng silid at nakapatong doon ang isang malaking kahon.

Nagmartsa si Kisses patungo sa mesa at muling umubo nang tanggalin ang takip ng kahon, lumipad sa ere ang mga alikabok nang ipatong niya iyon sa mesa.

Napasinghap siya, naglalaman iyon ng art materials, iba't-iba ang laki ng mga paint brush. Nagningning ang kanyang mga mata nang makita ang plain na canvass.

Tinakpan niya ang kahon. Hindi niya iyon dapat galawin.

Gaya ng kahon, puro alikabok din ang mga libro. She couldn't stand the sight and smell of dust.

Mabuti pa'y lumabas na lamang siya. Pero ano namang gagawin niya sa labas?

Sa huli ay naisip niyang linisin na lamang ang library, baka sakaling makakita siya ng librong aagaw sa kanyang interes.

NAPANGITI si Kisses nang makita ang kanyang obra-maestra bagaman nahihingal sa pagod. Lumitaw ang totoong ganda ng library.

Pinunasan niya ang namuong butil ng pawis sa kanyang noo pagkatapos ay sinuri ang paligid. Ang kaninang ma-alikabok na estante ay kumikinang na sa kintab. Nagkaroon din iyon ng buhay nang lumitaw ang totoong kulay ng mga aklat. Halos umitim na kasi ang mga iyon dahil sa alikabok.

Ilang oras ang binuno niya upang linisin ang mga bookshelf. Ang mababang cabinet sa pinakadulong bahagi ng silid naman ang kanyang pagtutuunan ng pansin.

Lumaglag ang kanyang panga nang buksan ang cabinet. Sa loob niyon ay nakahilera ang mga frame. Hindi na kailangang isa-isahin pa iyon para malaman na lahat ay painting.

Namangha siya nang ilatag ang mga larawan sa mesa. Napakaganda ng pagkakalikha ng mga painting. Iba't-iba ang nakaguhit— may mga bulaklak at tanawin gaya ng bundok at dagat at nagtatayugang gusali. Dama niya ang emosiyong hatid ng bawat likhang-sining, kung gaano ito kasaya.

Nakapagtataka na nakatago lang ang lahat ng iyon. Ang ganoon kagandang likha ay kailangang ibandera upang makita ng mundo.

"For Gian," binasa niya ang nakasulat sa ibabang bahagi ng bawat paiting. Walang pangalan o kahit pirma man lamang ng artist.

"Grabe ka talaga, Gian, hindi mo man lang ma-appreciate ang mga ito?" iling niya. "Sayang naman kung mabubulok lang ang mga ito rito."

Muli niyang pinasadahan ng tingin ang bawat painting.

"PERFECT"

Pumalakpak si Kisses. Nabigyang buhay ang kulay-puting dingding sa salas nang isabit niya ang tatlong frame ng iba't-ibang kulay ng rosas. Ang natitirang pitong larawan ay nakalagay sa iba pang bahagi ng bahay.

Nakapagtataka na hinayaan lang ni Gian na makalimutan ng panahon ang mga painting. Hindi ba nito naisip na maaliwas sa paningin at nakakarelax pagmasdan ang mga makukulay na larawan?

Kung nakadisplay lang siguro at nakikita iyon ni Gian ay baka nabawasan na noon pa ang mga kunot sa noo ng binata. Palagi na lang salubong ang kilay na lalaking iyon. Hindi ba ito napapagod?

Bumalik siya sa library upang i-display ang natitirang painting. It was a picture of two hands joined together, a big and small one like a mother and child.

Sumimangot siya nang maalala ang kanyang ama. Kumirot ang bawat bahagi ng kanyang puso nang maaalang hindi man lang niya nakilala ang kanyang ina.

Muling dumako ang kanyang paningin sa kahon. Nakapatong pa rin iyon sa mesa. She was told that her mother was a painter. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit nahilig siya sa pagpinta.

Humugot si Kisses nang malalim na buntong hininga at pinigilan ang sarili na kunin ang mga gamit sa kahon. Palabas na sana siya ng silid nang maalalang wala na naman siyang gagawin. Mabobore na naman siya!

Sa huli ay nagpatangay siya sa temptasiyon. Kinuha niya ang kahon at nagtungo sa may bintana.

Mariin siyang pumikit at hinayaan ang sarili na lukubin ng alaala at pangarap. She's thinking of the past again but now that she had paintbrush in her hand, it felt different this time. It was painful but bearable.

Matapos huminga nang malalim, muli niyang iminulat ang mga mata. Hindi niya namalayan ang paglipas ng oras.

"KHRYZZANNE?"

Napatalon siya sa gulat at nabitiwan ang brush nang dumagundong ang malakas at galit na boses.

Nilingon niya ang pinto, sa hamba ay nakasandal si Gian at nakahalukipkip, tila mangangain ng buhay ang ekspresiyon ng mga mata nito.

Hindi niya mabilang ang dagang naghahabulan sa kanyang dibdib.

Iba ang klase ng apoy ng galit na nakita niya kay Gian ngayon, mas matindi ang intensidad niyon.

Inikot nito ang paningin bago muling itinutok sa kanya ang mga mata. Sinubukan niyang umiwas ngunit masiyadong malalim ang titig ni Gian, hindi niya magawang umahon. Tinatangay siya ng takot at pangamba.

Nasa magkabilang dulo sila ng silid, magkalayo ngunit damang-dama niya ang presensiya nito.

"What the fuck happened here?"

Captivated By Your KissWhere stories live. Discover now