21 -The Boy-

1.4K 48 4
                                    

"MARA?" hindi niya inasahan na ito ang una niyang makikita ngayong araw. Ala-sais pa lamang ng umaga. Iginala niya ang paningin. Nasaan si Gian? Kagabi lamang ay umalis ito matapos siyang halikan nang paulit-ulit.

"He's out," tamad nitong sabi na parang nabasa ang tanong sa kanyang isip.

"Saan siya nagpunta?" umupo siya sa tapat ni Mara.

"Operation."

Suminghap siya. Gumuhit ang kaba sa kanyang dibdib. "Bakit hindi niya sinabi sa akin?"

Tumikwas ang kilay ni Mara. Mapanuri ang tingin nito. "Does he need to tell you?"

Ouch! Bull's eye!

Umiling siya at tumayo na. Hindi niya ito kayang kausapin. Baka mahuli nito ang nararamdaman niya.

Tama si Mara, wala naman siyang karapatang alamin ang mga ginagawa ni Gian sa buhay. Naroon lang siya bilang witness laban kay Pierre. Hanggang doon lang ang hangganan ng ugnayan nila ni Gian.

Tinitigan niya ang repleksiyon sa salamin at pinasada ang kanyang daliri sa kanyang labi. Nakagat niya ang daliri nang bumulong sa likod ng kanyang isipan ang salitang binitiwan ni Gian bago siya nito iniwan.

"Did you put drug on your lips?"

Sapo niya ang dibdib na hinihila ng kabayo sa sobrang bilis ng tibok. Iyon lang ang sinabi ni Gian matapos siyang halikan. Basta na lang siya iniwan.

Hindi niya mawari kung ano'ng tumatakbo sa isip nito. Kung kasama ang mga halik sa mga plano ay hindi na niya alam.

Hindi na rin niya mapangalanan ang nararamdaman. Hindi na tama ang pagtibok ng puso niya. Madali nitong nabubuwag ang harang na itinatayo niya. Nagiging mahina siya sa ilalim ng mga mata nito.

"Gumising ka, Kisses. Pigilan mo iyan hangga't kaya mo pa."


ILANG oras na ang lumipas ngunit hindi pa rin umuuwi si Gian. Inabala na lamang niya ang sarili sa pagdo-drawing ng kung anu-ano, nang hindi makuntento ay nilinis ang buong bahay.

Matulin na dumaan ang oras— sumapit ang gabi at panibagong umaga ngunit wala pa ring Gian na dumating.

Hindi siya dapat kabahan. Baka marami lang itong trabaho kaya hindi pa bumabalik. Sana ay hindi na lang niya nalaman na nasa operasiyon ito. Hindi siguro siya kakabahan.

Nilibot niya ang buong bahay upang alisin sa isip ang pangamba, paulit-ulit siyang tinangay ng kanyang paa sa pinagbabawal na silid. Sa huli ay umupo na lamang siya sa labas niyon at hinayaang tumakbo ang oras.

Bawat paggalaw ng oras ay siyang pagsalakay ng mga daga sa kanyang dibdib. Padami nang padami ang kabang nararamdaman niya.

Pinilit niyang matulog nang sumapit ang gabi ngunit nanatili siyang dilat.

Bakit ko ba iniisip si Gian? Bakit ba ako nag-aalala? He's a Black Hawk. Parte iyon ng trabaho nito. Siguradong kaya nitong iligtas ang sarili.

Isa pa, nangako itong poprotektahan siya. Hindi ito maaaring mapahamak. Pinitik niya ang kanyang noo. Kung anu-anong naiisip ko. Malala na yata ako.

NANG dumating ang ikatlong araw na wala pa rin si Gian ay naubos na ang mga dahilan kung bakit hindi siya dapat mag-alala. Natatakot na talaga siya. Baka kung anong nangyari sa binata.

Panay ang kanyang sulyap sa seradura ng maindoor. Nakatutok ang kanyang mata sa pinto. Naka-upo lang siya sa harap niyon habang naghihintay.

Sumipa ang kanyang dibdib nang gumalaw ang doorknob. The door creaked open. Nakahinga siya nang maluwag. Nasisiguro niyang si Gian iyon... sana ay wala itong natamong disgrasiya.

Agad siyang tumayo upang salubungin ito.

Pero ang ginhawang nadama niya ay agad ding naglaho. Hindi ang ilang araw na niyang hinihintay ang pumasok. Pinanood niya lamang ito.

Matangkad at maputing babae, singkit ang mga mata at nakapony tail ang itim na buhok. Hindi rin ito si Mara.

Lumipat ang paningin niya sa hawak nito sa kabilang kamay. Bahagyang singkit na mga mata at bagsak na buhok na hanggang balikat, isang batang lalaki, palagay niya ay dalawang taong gulang at kamukhang-kamukha ni Gian.

Inosenteng mga mata ang ipinukol nito sa kanya. "Daddy?"

Bumagsak ang kanyang puso. Hiniling niya na sana ay bumuka ang lupa at lamunin siya.

"Excuse me, Miss..."

Nasa gitna siya ng pag-iisip ng dapat gawin nang muling bumukas ang pinto. Sabay-sabay silang lumingon. Nanghina siya sa sunod na nangyari. Tumakbo ang batang lalaki sa bagong dating at yumakap sa binti nito.

"Daddy!" masigla nitong pahayag.

Captivated By Your KissWhere stories live. Discover now