19- The Unexpected-

1.6K 52 10
                                    

Napapitlag siya nang nasa harap na niya si Gian. Kinabig nito ang kanyang baywang at nagbangga ang kanilang dibdib. Bumabayo sa lakas ang kanyang puso.

Gahibla na lamang ang layo ng mukha nila sa isa't isa. Kagat niya pa rin ang kanyang labi, abot-abot ang kaba.

Wala siyang nagawa kundi ang pumikit. Naramdaman na lamang niya ang malamig na bakal sa kanyang kanang bisig. Agad siyang dumilat.

Seryoso si Gian. Hinawakan nito ang kanyang braso at hinatak siya paakyat. Naramdaman na lamang niya ang naglalagitikang kuryente sa kanyang ugat.

Nagpatangay siya imbes na magpumiglas.

"Stay," anito.

Napangiwi si Kisses nang ikinabit nito ang kabilang dulo ng posas sa haligi ng kama.

Naguguluhang tiningnan niya ang binata. Madilim pa rin ang ang mga mata nito. Paano siya makakaalis kung gayong nakagapos siya?

Nakasimangot siyang umupo sa gilid ng kama nang umalis si Gian.

Hindi niya maintindihan. Wala siyang maisip na kasalanang nagawa para parusahan.

I've been a good girl, right?

Muling bumalik si Gian. Tangan nito sa kaliwang kamay ang isang box ng pizza.

Lalo siyang naguluhan.

"I'm sorry if I have to do this," anito at marahang hinaplos ang kanyang bisig.

Inilayo ni Kisses ang kanyang braso nang maramdaman muli ang paggapang ng kuryente sa kanyang balat.

Umiwas si Gian ng tingin at huminga nang malalim.

"Eat, hindi ka kumain ng tanghalian. Hindi nabawasan ang pagkain sa mesa," akusa nito.

Muli siyang sumimangot. Anong pakialam ni Gian? It's not like he cares about her. Hindi naman maaapektuhan ang kaso kung malipasan siya ng gutom.

"The Hawks are coming tonight. Hindi ka pa nila puwedeng makita."

"Kasama ba si Blake?" tanong niya at nakagat ang ibaba niyang labi.

"Everyone will be here," anito at sumimangot, "Including Tristan."

"Can I see him?"

"Who? Tristan? No," matigas nito sagot.

"Pero—" hindi na niya natuloy pa ang sana'y sasabihin nang bigla nitong nilagay sa bibig niya ang isang slice ng pizza. Si Blake ang gusto niyang makausap!

"I already said no." Masungit!

"Behave. Huwag kang gagawa ng ingay," banta nito at ginulo pa ang kanyang buhok.

Bakit bigla-bigla na lamang itong umaakto nang ganoon?

I'll be back," pinaikot niya ang mga mata habang nginunguya ang pizza.

Hindi nagreklamo si Gian kahit umirap siya, lumabas na lamang ito.

"Gian Alvince Aguirre, we thought you'd be hiding here forever," narinig niya ang pamilyar na boses. Si Tristan iyon.

"I'm not hiding, Falcon. Ikaw itong hindi na namin mahagilap," tugon ni Gian.

"Tristan transformed into a lovesick fool," wika ng 'di pamilyar na tinig. "Of all people, you should know what it's like to be lovesick, Gian."

Nabilaukan si Kisses sa narinig. Bumara ang pagkain sa kanyang lalamunan. Dinampot niya ang tubig sa mesita sa gilid ng kama at ininom iyon.

Biglang tumahimik. Nasapo niya ang kanyang dibdib nang maging abnormal ang pintig niyon.

"I don't know what you're talking about, Fox," malamig ang timbre ng bawat pantig ni Gian.

Halos kilabutan si Kisses.

"I'm just giving a concrete example, Owl. Besides you and Iridessa were—"

"The case is in progress. Nakakalap na ako ng iba pang impormasiyon na mas magdidiin kay Pierre Agustin," biglang sabi ni Gian.

Nasa baba man ito ay damang-dama niya pa rin ang yelo sa boses ng binata.

Isinandig ni Kisses ang kanyang likod sa headboard nang tila bumagsak ang kanyang lakas. Namintana ang butil ng luha sa ilalim ng kanyang mga mata at hindi niya alam kung bakit.

"Stupid, Kisses," binayo niya ang pasaway na dibdib. "What's happening to you?"

MAKALIPAS ang humigit-kumulang dalawa at kalahating oras, bumalik si Gian. Suminghap si Kisses nang makita ang bitbit nito sa kaliwang kamay.

Isinuksok nito sa back pocket ng pantalon ang baril pagkatapos ay lumapit sa kanya.

Wala sa sariling umatras si Kisses.

"I'm not going to shoot you if that's what you're thinking."

Nanatili siyang walang imik. Walang silbi ang pag-atras niya dahil sa posas.

Pinagmasdan niya lang si Gian. Hindi baril ang dahilan ng kanyang pag-atras kundi ang iba't-ibang kulay ng emosiyon na nakapinta sa mukha nito. Gusto niyang malaman kung sino ang babaeng binanggit ng kaibigan nito kanina.

Kinalas nito ang posas at muling ginulo ang kanyang buhok. "God job. Thank you for behaving," ngumiti ito ngunit hindi hinog ang ngiting iyon.

"Babalik sila bukas. Buong araw sila rito. You have to behave again, mahihirapan ka kung maghapon kang nakagapos."

Hindi siya sumagot. Tumalikod na si Gian upang lumabas. Dumapo ang kanyang paningin sa baril.

Napangisi siya nang may ideyang pumasok sa isip niya.

"I'll only behave if you'll promise teach me how to use a gun."

Umikot si Gian. Rumehistro ang gulat at pagtataka sa ekspresiyon nito.

"Why? So that you can shoot me?"

Ikinibit niya ang balikat. "Self-defense. Malay mo kapag nasa labas na ako ay may kumidnap ulit sa akin."

Tila natigilan ito. "Fine," anito at lumabas.

Laglag ang kanyang panga habang nakatingin sa pinto.

"Hindi man lang siya kumontra?"

Captivated By Your KissWhere stories live. Discover now