Epilogue

2.7K 75 21
                                    

Epilogue

"Job well done, Aguirre, Congratulations."

Nakangiti niyang tinanggap ang kamay ni President Montecillo, ang founder ng Black Hawks. "Thank you, Sir."

The old man smiled back at him. "You once again proved your worth. Ayaw mo ba talagang lumipat sa Manila office?"

Umiling si Gian.

"Just in case you change your mind, give me a call."

"I'm not changing my mind, Boss," ngumisi siya. Halakhak ang tugon ng kausap.

"I thought you'd say that. Anyway, I have to go. Thank you for not letting me down," anito at tinapik ang kanyang balikat bago siya nilagpasan.

"Ah, Sir—" paghabol ni Gian. "Can I take a leave?"

"Of course. Rest as long as you want," nakangiti nitong pahayag. Huminga siya nang malalim at nagpasalamat. Tuluyan na itong umalis.

Ilang kasamahan niya sa opisina ang bumati sa kanya. By far, that was the greatest success of the organization. Matagal na nilang minamanmanan si Pierre Scott Agustin ngunit wala silang makalap na sapat na ebidensiya na magpapatunay ng involvement nito sa iba't-ibang krimen sa San Joaquin at mga karatig bayan.

Little did he know that he could capture him because of one mistake.

"Gian!" It was Jacques, another Hawk. "Let's celebrate, Owl." Ngumisi ito at kinawit ang braso sa kanyang balikat.

"Pass."

Nangunot ang noo nito. "You just solved one of our biggest cases," eksaherado nitong pahayag. Umiling si Gian at inalis ang braso ng kaibigan.

"May gagawin pa ako. Sa susunod na lang."

Huminga siya nang malalim nang marating ang parking lot. Nahinto siya nang makita si Blake na lumabas ng kotse, bagsak ang balikat at walang ekspresiyon ang mukha. Hi niya ito masisi. Malaki ang isinakripisiyo nito malutas lamang ang kaso. Pinagmasdan niya lamang ang pagpasok nito sa opisina.

At last, the Agustin case was over. Ilang buwan ang ginugol niya sa kasong iyon. Mula nang i-assign iyon sa kanya ni Pres. Montecillo ay wala siyang ibang hiniling kundi ang matapos na kaagad. Pierre Agustin had done many damages. Maraming kabataan ang nalulong sa droga nang dahil dito.

Ngunit ngayon ay tila kabaliktaran ang gusto niya, ayaw niya pang matapos.

"Ayoko pa siyang pakawalan."

Inihilamos niya ang parehong palad sa kanyang mukha. It's insane for him to wish that it didn't end already.

NANG makarating sa bahay ay agad na tinungo ni Gian ang kanyang kuwarto at kinuha ang laptop. Pinuntahan niya ang application na magpapakita ng nangyayari sa buong bahay. There were hidden cameras everywhere. He scanned every thumbnail 'til he saw what he's looking for.

Lalo siyang pinagpawisan.

Natagpuan niya ito sa garden, naka-ekis ang mga hita habang nakaupo, ang mga kamay ay nakapatong sa ibabaw ng hita, maiksing short at spaghetti-strapped shirt lamang ang suot nito. Mariing nakapikit ang dalaga. Naipon ang buhok nito sa kaliwang balikat, kitang-kita tuloy ang maputi nitong leeg.

Napangiti siya nang ngumiti ito. The way her lips curved was captivating.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata.

"I captured her by mistake. And it was that one mistake that made everything right."

Two months ago.

Captivated By Your KissWhere stories live. Discover now