28 -The Dagger-

1.5K 51 3
                                    

HINDI maalis sa isip ni Kisses ang sinabi ni Gian. Pinanood niya lang ito habang tinatahak nila ang daan patungo sa headquarters.

Malalim ang kunot ng noo, huminto ang sasakyan sa tapat ng malaki at mataas na gate. Sa unang tingin ay hindi mapapansin na gate iyon dahil natatabunan ng mga vines at dahon.

"Miss K is already here," wika nang lalaking sumalubong sa kanila.

Alanganin siyang kumaway nang ngumiti ito sa kanya. He had hawk-eyes and jet-black hair. He was standing behind a desk. Tulad nina Eagle at Adarna, itim na v-neck shirt na pinatungan ng itim na leather jacket ang suot nito.

"Mahogany, branch 3," anito at inabot ang isang card kay Gian.

"Salamat, Heron."

Iginala niya ang paningin nang muling umandar ang van. Wala siyang nakikitang building. Pawang mga puno at poste ng ilaw ang nasa paligid.

"Akala ko ba sa headquarters tayo pupunta?" ibang-iba ito sa lugar kung saan sila nagtungo noong nakaraan.

"Yes," anito, hindi man lang nag-abalang lumingon.

"Okay." Huminga siya nang malalim at hindi na nagtanong pa. Kapag ganoong sobrang seryoso ni Gian ay hindi niya ito matantiya.

Matapos ang napakahabang biyahe, may natanaw na rin siyang mga gusali. Sa bandang kanan ay nakahilera ang mga kulay-abong bahay, lahat ay bungalow. Sa kaliwa naman ay may limang gusali na pawang limang-palapag ang taas.

"I'll lead you to your room. Kailangan mo nang magpahinga. This has been a long night," iginiya siya ni Gian patungo sa kanan.

Bawat kanto ay may signage na pangalan ng puno. Dumeretso sila sa daan patungo sa Mahogany at huminto sa ikatlong bahay.

"Stay here," anito matapos buksan ang pinto. "You're safe now. The Nest has tight security."

"The Nest?"

"Yes, The Nest," anito at bahagyang ngumisi.

Bumuga siya ng hangin. Parang ang lahat ng naipon sa kanyang baga kanina habang tumatakas sila ay lumabas na. Kung sigurado si Gian na ligtas sila, wala siyang ibang magagawa kundi ang maniwala.

"Paano ka? Sino iyong mga humabol sa atin kanina?"

Siguradong pagod din itong tulad niya. Hindi naman yata tama na siya lamang ang magpahinga. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansin niya ang suot nito.

"Damn! Dumugo ang sugat mo!"

Mabilis nitong sinulyapan ang balikat at umiling. Kung kumirot man iyon ay hindi nito ipinahalata. "Don't worry about me. Pumasok ka na. Marami pa akong aasikasuhin. Aalamin ko pa kung ano'ng nangyari."

"Babalikan mo ako?" alam niya na hindi niya ito mapipilit na manatili... lalo pa't nakipagkarera sila kay Kamatayan kanina.

"I can't promise," anito at inalalayan siya patungo sa pinto, hinalikan ang kanyang noo. "I won't let them hurt you, okay?"

Nakatanga lang si Kisses sa puting pinto matapos iyong sumara. Did he really kiss...? lumagabog ang puso niya.

Jesus! Kisses! Nakuha mo pa talagang isipin iyan?

Sumalampak na lamang si Kisses sa itim na sofa. Pagod na pagod at uhaw na uhaw na siya. Naubos yata ang lakas niyao sa pagtakbo. Ngayon niya lang naranasan ang ganoong sitwasiyon.

Being kidnapped was one thing but being chased to death...

"Ayoko nang maulit pa!"

"Sino kaya ang sumugod sa amin?"

Captivated By Your KissWhere stories live. Discover now