26- The Grenade-

1.5K 42 5
                                    

"KHRYZZANNE..."

Nagulat siya nang biglang hinapit ni Gian ang kanyang baywang nang lumabas sila ng kotse. Papasok na sana siya sa bahay.

Nakatutok ang abo nitong mga mata sa kanya, bumaba iyon sa kanyang labi. Tumahip ang kanyang puso. Dilat na dilat siya nang bigla nitong inangkin ang kanyang labi.

Kanina lamang ay ang lamig-lamig nito sa kanya. Hindi siya pinansin buong biyahe. Hindi niya ito maintindihan.

"Stay still..." pagsusumamo nito nang tinangka niyang kumawala.

"Please stay," nangungusap ang timbre ng boses ni Gian. Natunaw si Kisses sa lambing na hatid niyon.

Hinaplos nito ang kanyang baba at hinalikan ang sulok ng kanyang labi.

"Kahit ngayon lang. Kahit saglit lang. Stay with me, Khryzzanne," anitong mabibigat ang paghinga.

Hindi na masukat pa ni Kisses ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Pumikit siya at niyakap si Gian. Wala sa sariling isiniksik niya ang kanyang pisngi sa dibdib nito. Dinig na dinig niya ang malakas na pintig niyon.

"Please, Baby."

Tila huminto ang puso niya sa pagtibok? Did he just call her Baby? Naghuramentado ang kanyang sistema.

"I'll stay," aniya bago pa napigil ang traydor na dila.

DUMAAN ang bawat oras ng buhay ni Kisses na wala siyang ibang inisip kundi siya ang pinakamalas na tao sa mundo. Napakaraming hirap at sakit ang dinanas niya at hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin siya.

Sa dinami-rami ng pinagdaanan niya, akala niya'y wala nang mas sasakit pa. Hindi niya alam na mas malalim ang sugat na idudulot sa kanya ng nadarama niya ngayon.

Pinagmasdan niya ang likod ni Gian nang pumasok ito sa bawal na silid. Matapos siyang halikan at hilingin na manatili, doon naman ito nagtungo. Humapdi ang puso niya. Parang binudburan ng asin ang malalim na sugat na matagal nang nananahan sa kanyang puso.

Nahihibang na siguro siya dahil pinili niyang sundan ito.

Surprisingly, hindi siya pinalabas. Nakatitig lang ito sa makulay na larawan ng Mother and Child.

"Elixir will be here tonight," anito.

Natulala siya. Tama ba'ng narinig niya?

"He's been looking for you."

Hindi siya nakatugon pa nang tumunog ang cell phone. Bahagya itong ngumiti, kinintalan siya ng halik sa noo pagkatapos ay lumabas ng silid.

Nahigit niya ang hininga. Pilit niyang pinroseso ang ginawa ni Gian?

Hindi kaya nananaginip lamang siya?

Umiling siya. Baka guni-guni lang niya iyon.

Iginala na lamang niya ang paningin. Ang silid marahil ang studio ni Iridessa noong nabubuhay pa ito. Napupuno ito ng maraming alaala, mga bagay na sariwa pa rin sa puso ni Gian.

Kung puwede lang pasabugan ng granada ang silid mabura lamang ang mga alaalang iyon ay nagawa na niya. Para hindi na nasasaktan si Gian.

She knew that it's a selfish move. But she couldn't stand the hurt in his eyes that he's trying damn hard to hide. She couldn't stand the growing pain inside her because he's hurt. Mas masasaktan pala siya dahil nasasaktan ito.

Umiling siya at tinapik ang kanyang sentido. Gusto niyang iwaksi sa isip ang tinatakbo ng kanyang pandama. Pero maging ang utak niya ay nakipagsabwatan na sa traydor niyang puso.

Captivated By Your KissWhere stories live. Discover now