04 -The Handcuff-

2.3K 64 3
                                    

Kabanata Apat

The Handcuff

NAGISING si Kisses sa malakas na tilaok ng manok.

Iminulat niya ang mga mata pero ipinikit uli nang maramdaman ang hilo. Sobrang sakit din ng ulo niya, pakiramdam niya'y binibiyak iyon ng itak. Iginalaw niya ang kanang braso pero hindi iyon maalis sa pwesto.

Napamulat siyang bigla. Nakagapos ang isa niyang kamay sa poste ng kama!

Mabilis siyang bumalikwas.

"Mabuti naman at naisipan pa ng pontio pilatong iyon na huwag igapos ang paa ko."

Iginala niya ang paningin. Malaki ang silid kung saan siya nakakulong. May drawer sa gilid ng kama at may maliit na lampshade sa taas niyon. Bukod doon ay wala nang iba pang laman ang kuwarto.

Pinukpok ni Kisses ang kanyang ulo gamit ang kaliwang kamay, mabuti na lang at hindi iyon nakagapos. Pumipitik ang sentido niya sa sobrang sakit.

Mariin siyang pumikit at sinubukang alalahanin ang mga pangyayari... mula sa dahilan kung bakit siya umalis sa San Joaquin hanggang sa nangyari sa kakahuyan.

Gumapang ang mainit na pakiramdam sa kanyang pisngi. Pinasadahan niya ng tingin ang sarili.

Laglag-pangang tinitigan niya ang suot, maluwag ang asul na t-shirt at jogging pants.

Anong nangyari sa akin? Nasaan ako?

Nasa malalim siyang pag-iisip nang bumukas ang pinto. Lumingon siya, pumasok ang isang lalaking hindi niya kilala ngunit tila pamilyar.

Hindi kaya siya iyong humalik sa akin kagabi?

Naramdaman na lamang niya ang pagdaloy ng dugo papunta sa kanyang pisngi at ang tila lumilipad-lipad na mga paru-paro sa kanyang tiyan.

Tinitigan niya ang lalaki. Nagtama ang kanilang paningin. Hindi siya maaaring magkamali... ito ang estrangherong sumira sa mga plano niya.

May ginawa ba itong kababalaghan? Pinagsamantalahan ba siya nito?

Pinakiramdaman ni Kisses ang sarili. Hindi naman masakit ang parteng iyon. Ayon sa mga nabasa niya ay sumasakit iyon kapag may nangyari.

Kinilabutan at yumuko siya dahil sa biglang naging takbo ng kanyang isip. Lalo pang uminit ang kanyang pisngi. Damn it!

Batid niya ang mga yabag nitong papalapit. Nanatili siyang nakayuko at nakikipagtitigan sa sahig.

"I trust you sleep well," anito.

Sleep well? Ano ito? Joke? Nakagapos ako tapos sleep well? Sinong niloloko niya?

Umirap na lamang siya. Mabuti na lang nakayuko siya. Hindi nito nakita ang ginagawa niya.

"Next time that you roll your eyes, siguraduhin mong hindi ko mahuhuli, Khryzzanne."

Tumunghay siya. Kumalabog ang puso. Hindi dahil sa nahuli nito ang pag-irap niya kundi dahil sa pagbanggit nito sa pangalan.

"Pa-ano'ng?" nabuhol ang kanyang dila. Kakaunti lamang ang nakakaalam ng tungkol doon.

Ngumisi ang lalaki.

Naramdaman na naman ni Kisses ang pamilyar na ritmo ng kanyang dibdib. Parang may mga nagririgodon na daga sa puso niya.

"Paano ko nalaman?" Lalo pang umangat ang sulok ng labi nito. "Simple... because I know a lot."

Nanigas ang kanyang likod at nahigit niya ang hininga nang tumutok ang malalim at madilim nitong abong mata sa kanya.

Marami pa siyang gustong itanong. Gusto niyang malaman kung sino ang lalaki. Bakit alam nito ang pangalan niya? Bakit sinundan siya nito? Bakit siya ikinulong?

Ano ba ang pakay nito sa kanya?

Ibinuka niya ang bibig ngunit kaagad ding tinikom nang walang lumabas na salita.

Umangat na yata ang puso niya, bumara sa kanyang lalamunan.

Tinitigan na lamang niya ito habang kinakalas ang pagkakagapos ng pobre niyang kamay. Malalim at hindi niya mawari ang emosiyon ng singkit at abo nitong mga mata. Perpekto ang pagkakadepina ng panga. Matangos ang ilong at mamula-mula ang mga labi. Napako ang kanyang mga mata sa mga labing iyon...

"Hindi kaya matunaw ako sa pagtitig mo Khryzzanne Kylie Constantino?"

Muli itong ngumisi saka tumayo nang maayos.

Umiwas siya ng tingin. She's caught off guard!

Muli niyang narinig ang mga yabag na papalayo. Nang mag-angat siya ng tingin ay nasa pinto ang estranghero.

Sabi niya ay marami siyang alam. Alam rin kaya niya na isa akong heredera?

"And before I forgot... the breakfast is ready," pahabol nito bago tuluyang mawala sa kanyang paningin.

MAKAILANG ulit na nakipagdebate si Kisses sa sarili bago nagdesisiyong lumabas ng silid. Kumakalam na rin ang kanyang sikmura.

Iginala niya ang paningin habang binabaybay ang pasilyo. Naghahanap ng paraan. Mayroon kayang daan para makalabas siya? Sinuri niya ang bawat bintanang abot ng kanyang paningin.

Mukhang maraming alam ang abductor na iyon tungkol sa kanya. Hindi kaya kidnapped-for-ransom ang pakay nito?

Umiling siya. Kung makarating man iyon sa mga Agustin ay tiyak na hindi siya tutulungan. Matutuwa pa ang mga ito kung tuluyan na siyang maglalaho sa mundo.

Nabulilyaso ang kanyang plano upang maging malaya. Nakakulong na naman siya.

Kailangan niya ng Plan C. Kailangan niyang makaalis.

"Looking for escape route, Khryzzanne?"

Napapitlag si Kisses nang marinig ang nakakakilabot nitong boses sa likod ng kanyang tainga. Dama niya rin ang pagdampi nang mainit nitong hininga sa kanyang balat. Para ring gustong kumawala ng puso niya palabas ng kanyang dibdib. Bumara sa lalamunan niya. Napako lamang siya sa kinatatayuan.

"There's no other way to get out of here, Khryzzanne," makahulugan nitong ngisi.

"Unless..." huminto ito sa pagsasalita. Mukhang sinadya nitong bitinin siya.

"Hmmm." Akto nitong tila nag-iisip.

Anong pinaplano ng lalaki?

Tumaas ang balahibo niya sa batok. Bawat segundong lumipas ay panay ang pilantik ng kanyang dibdib.

"Unless... you collaborate with me."

Captivated By Your KissWhere stories live. Discover now