○ Chapter Three ○

8.6K 176 4
                                    

Gab's POV

"You'll be my slave."

What the hell. What the hell. Anong gagawin ko? Wala talaga akong pambayad. Sobrang mahal. Ayoko ding magpa-alila. Di siya fair. HUHUHU. TT____________TT

Nag bell. Yes! Ligtas na ako. Kumaripas ako ng takbo papuntang room namin. Hingal na hingal at pawisan akong naupo sa desk ko.

"Ang tagal mo namang nag-CR Gab?" tanong ni Alison sakin.

"Baka na-tae." biro ni Kevin. Sabay tawa silang dalawa. Sana nga yun yung nangyari para di ko nakasalubong ang panget na yun!

Natapos ang klase nang di ako nakikinig sa lessons. Hindi ako makapag-concentrate eh. Anong gagawin kooooooo? UGGGHHHHH! –___________–

"Uy, antayin niyo ko ah! Cleaner ako ngayon." si Alison.

"Sure!" sabi ni Kevin.

"Ah, eh. P-pwede ba akong mauna ngayon? Pi-pi-pinapauwi kasi ako ng maaga ni mama eh. Hehehe," shoot! Ang hirap magsinungaling sa kanila. TT___________TT

"Sige lang," nakangiting sabi nilang dalawa. Ang sakit. Pinaniwalaan nila yung kasinungalingan ko. Salamat. Salamat.

Tatayo pa lang ako nang biglang...

"Gab, may naghahanap sa'yo," kinikilig na sabi ng isa kong kaklaseng babae.

Paglingon ko sa pinto...

Lord, kunin mo na po ako.

Nakangiti siya habang tinatawag akong lumapit sa kanya.

Tumingin ako kina Alison.

Nagtataka silang dalawa pero may mga mapanglibak silang ngiti sakin.

Kinuha ko ang bag ko at nagba-bye sa kanila.

"Salamat." nakangiti niyang sabi sa tumawag sakin. Sabay tingin sakin ng masama, "Tara."

"S-san?" kinakabahan ako. Shocks! TT_____________TT

"Sa mall. Mag-uusap tayo."

"T-tungkol san? K-kailangan ko na kasing umuwi eh. Pinapauwi na ako ni mama," please sana maniwala siya sa kasinungalingan ko. Please... please... please...

"Ganun ba? O sige."

Oh my geeeeeee! Kinagat niya yung kasinungalingan ko. Thank you! :')

"S---" di ko natapos yung sinasabi ko dahil nagsalita na ulit siya.

 "Sa bahay mo na lang tayo mag-usap."

 HUWAAAAAAAT? Anong binabalak ng lalaking 'to?

 "Ah eh. Sa mall na lang pala. Magpapaalam na lang ako kay mama na hindi ako makakauwi kaagad. He....he....he...."

Dumating ang isang black BMW X5 car. Wow! Mamahalin 'to ah. Huminto sa tapat namin saka bumaba yung driver at binuksan ang back seat door.

"Pasok," utos niya sakin.

"B-bakit?"

"Pasok," nanlilisik  yung mga mata niya. Huhuhu. TT___________TT Wala akong nagawa kundi sundin ang utos niya.

Nang pagkapasok niya, lumapit siya sakin ng sobrang lapit kaya napaatras ako.

"A-anong gagawin mo?"

Nag-smirk siya. "Wag kang mag-alala. Di naman ako ganun kababa para pumatol sa gaya mo."

.

.

.

"HAH! Ang yabang mo ah!" >____________________<

.

.

.

Pero wala talaga akong sinabi. Lumingon lang ako palayo sa kanya.

Bigla niyang kinuha yung ID ko sabay sabi, "John, sa Park Terraces."

Psh. Kaya pala lumalapit, para kunin yung ID ko. Teka, Park Terraces? Eh dun ako nakatira ah! Don't tell me...

"Hoy! Don't tell me pupunta ka talaga sa bahay ko?" O___________O

"Dun nga. Pero pwede din sa bahay ko na lang. Tutal, diyan din ako. 35th floor. 35C-7."

"HA? Taga dun ka rin? Pwera biro?"

"Oo nga. Ipapaalam na lang kita sa mama mo, kung ayaw mong sa bahay mo tayo mag-usap."

"HA? W-wag na! Wag na! Okay lang. Dun na lang tayo sa inyo. Ha...Ha...Ha..."

Nasa tapat na kami ngayon ng 36F-1, condo unit namin. May bahay kami sa Rizal, at dun kami pag long weekends. Dito kasi sa Makati ang trabaho ni papa ate nina ate kaya dito kami sa condo nagse-stay. K. Enough of my explanation. Let's head back to the story (although ayoko nang ituloy. Huhuhu. Ayokong magpaalila!)

Nasa tapat na kami ngayon ng 36F-1, condo unit namin.

"Alis ka na muna. A-ako na lang magpapaalam kay mama, ha?"

"Sige, ikaw bahala."

"Gab?"

Shoot! Boses ni mama. Bat siya nasa labas? Ah! Ngayon nga pala siya maggo-grocery, sabi niya kaninang umaga.

"Maaga ka ngayon. Sinong kasama mo?"

Lumingon ako kay mama. At nakita kong ang sama ng tingin ni Matthew. Nahuli ako sa kasinungalingan ko.

"Ma! Di ko siya kasama. Nagkataon lang na nandyan siya at pare----"

"Good afternoon po, Mrs. Santiago." pinutol niya ang pagsasalita ko at saka ngumiti ng palibak sakin. Anong binabalak neto? "Ako nga po pala si Matthew, boyfriend ni Gab." sabay akbay at ngiti sakin.

B--b--b--b--boy--boyfriend?! O_____________________O

"WHAAAAAAAAAAAT?" sabay kami ni mama.

Anong 'tong gulong napasok ko?

~

That's Kevin on the multimedia. ♥

Serving Mr. ArrogantWo Geschichten leben. Entdecke jetzt