○ Chapter Ten ○

6.8K 127 0
                                    

Kevin's POV

Yow! Ako ang maghahari ngayong chapter. BWAHAHAHAHA! >_______________<

 

 

Nga pala, pinapasabi ni Miss Author na hindi siya magaling sa paggawa ng POV ng lalaki dahil hindi niya daw alam kung pano kami mag-isip. So sorry daw kung medyo maging para akong babae kung mag-isip. HAHAHAHA! Actually okay lang Miss Author, gwapo pa din ako. ^________________^ V

 

 

Friday na naman at ngayon na ang start ng preparations para sa darating na Miriam Science High School Festival. 64 years na ang school namin. Ang celebration, nagaganap for three days, at yun ay next Monday, Tuesday and Wednesday. Yessss! Wala na namang normal classes. Wooohooooo!

 

"Okay, sino ang may suggestion kung ano ang magandang booth ang gawin natin?" si President Pam yan.

 

 

Pamela Castro, ang president ng 12-B. Mabait, matulungin, matalino. Model student talaga. Secretary din siya ng Student Council.

 

 

Anyway, gusto niyo ng isa pang information sa kanya? Heh! Umamin siya sakin na may gusto siya sakin last Monday. Yep. Ang gwapo ko. HAHAHAHA! Pero I turned her down saying may iba akong gusto. Well, totoo naman pero napagisip-isip ko ngayong sayang pala. Parang perfect girl siya eh.

Gusto niyong malaman kung pano siya umamin? Ganito:

 

Flashback. Monday.

 

 

Cleaner ang group ko nun at ka-group ko si Pam. Nung itatapon ko na yung basura, sumabay siya sakin. Pagkatapon ko ng basura..

 

 

"Uhhhhh. Kevin.."

 

"Bakit?" sabi ko habang naglalakad na pabalik sa classroom.

 

"Wait! Wag ka munang bumalik. May sasabihin lang ako." at medyo namula yung pisngi niya. Nung namula yun, medyo nagka-hint ako kung ano ang sasabihin niya. At yun nga..

 

"A-ano kasi.. Matagal na kasing ano.. M-may gusto.. Gusto kita! Matagal na." nakatingin siya sakin nun at pulang pula. Pero nung tiningnan ko siya sa mata, yumuko siya bigla.

 

 

"Sorry—"

 

"O-okay lang! Alam ko, may gusto ka sa iba. Kilala ko din kung sino." tumingin ulit siya sakin at ngumiti. "Gusto ko lang malaman mo."

 

"Kilala mo?" pagtataka ko. Alam ko kasi, ginagawa ko ang lahat para hindi halatang may gusto ako sa taong yun.

 

"Oo, pag may gusto ka sa isang tao, gagawin mo ang lahat malaman mo lang kung sino ang gusto niya. Hanggat maari, titingnan mo ang lahat ng tinitingnan niya. At hahanapin mo, kung kanino siya tumitingin ng gaya ng pagtingin mo sa kanya. HAHAHA!"

Serving Mr. ArrogantWhere stories live. Discover now