○ Chapter Twenty-Four ○

5.5K 109 1
                                    

Gab's POV

"Wait lang. May itatanong lang ako." sabi niya.

"Ano yun?" tanong ko.

"Napapansin ko lang. Pero, may gusto ka ba kay Paul?"

Napaisip ako. Ang weird. Bakit ganun? Usually pag tinatanong ako neto ng mga kaklase ko, sasagutin ko sila agad ng 'Oo naman!' Pero bakit ngayon, pinag-iisipan ko pa kung oo ba o hindi? Anong isasagot ko?

Kung sabihin kong oo, oo nga ba?

DING! DONG!

"Ah! May tao. Pagbubuksan ko lang ng pinto." sabi ko. Yes! Saved by the bell. ^____________^

Binuksan ko ang pinto at nakita ang isang magandang babae sa tapat at isang batang lalaking kilala ko na.

"Joshua!" sabi ko nang makita ko ang bata." Tumingin naman ako sa magandang babae at binati siya. "Hello po. Kayo po ba ang mommy ni Joshua?"

"Oh, you must be?" tanong niya.

"Ah, ako po si Gab."

"Tita, girlfriend ko po siya." nagulat ako nang magsalita si Matthew sa tabi ko. Kelan pa 'to nandito? Anyway, nevermind.

"Ah, yes I know her. Palagi mo siyang binabanggit sakin noon pa diba?" sagot naman nung tita ni Matthew.

"Tita!" sigaw ni Matthew. Problema neto?

"Ah sorry. Sorry." Tumingin siya sakin. "Hello, Gab. I'm Matthew's tita Jane. You can also call me tita since you'll sooner be a part of the family." nakangiti nitong sabi sakin.

"Ah, hello po. Tita Jane." bati ko.

"By the way, ako nagpalaki diyan kay Matthew so I know everything about him. If you want something na pang black mail, sakin ka magtanong. Hahaha."

"Talaga po?" OMG! Chance! ^_________________^

"Subukan mo lang magtanong sa kanya Gab!" sigaw ni Matthew sakin na halatang nahihiya.

"Anyway, hindi na ako magtatagal. Sorry kung wala na naman akong pasabi Matthew. Dito na muna ulit si Joshua just until tomorrow. I suddenly have to attend a business meeting at Pampanga. So, I'll be going now. Please take care of him well ulit. I'm counting on you. And you as well Gab. Next time na lang tayo magkwentuhan."

"Sige po."

"O'sya aalis na ako. Bye! Ingat kayo. Tag-ulan na ngayon."

"Opo tita. Ingat din po kayo." si Matthew.

"Bye bye mama!" si Joshua naman habang nagwawave ng kamay. Ang cute pa rin talaga ng batang 'to.

"Joshua, kumain ka na?" tanong ko sa kanya.

"Hindi pa po."

"Sige magluluto na muna ako."

"Wag na. Kumain na lang tayo sa Jollibee sa baba. Baka mahiwa mo na naman sarili mo." biglang singit ni Matthew.

Hmp! Kung makapagsalita akala mo concern. Concern ka nga ba?

"Hindi ako concern. Wag kang feeler. Ayoko lang marinig ulit yung pagiyak-iyak mo dahil nasugatan ka. Ang sakit sa tenga. Masyadong OA. Akala mo binaril sa puso."

"Eh? Nabasa mo iniisip ko ulit? And anyway, ang sama ng ugali mo. Sorry na kung OA ako dahil may sugat ako. Masakit eh! Hmp!" pagkasabi ko nun,  tumalikod na ako sa kanya at humarap kay Joshua. "Tara na Joshua."

"Opo!"

Ang saya naman niya. Siguro kasi sa Jollibee kakain. Ang cute cute cute cute cute naman talaga ni Joshua!

Serving Mr. ArrogantWhere stories live. Discover now