○ Chapter Thirty-Two ○

8.3K 127 11
                                    

After 9 years . . .

Gab's POV

"Miss Santiago, your meeting with our client will be re-scheduled on Monday. You can go home for today."

"Yes, Ma'am."  


Tumayo na ako at umalis na. Saturday ngayon at wala naman talaga ako dapat sa office ngayon but since dapat may meeting ako with one of our clients, pumasok ako. Pero dahil nga ire-reschedule na lang, pwede na akong umuwi.

Ako na nga pala si Gabrielle Santiago, CPA. Yes, I'm a Certified Public Accountant na and I'm currently working at a large company here in Makati. Hindi ko na sasabihin kung anong company. Hindi ko na rin babanggitin ang posisyon ko basta mataas na. Hihihi.

Magkukwento na rin ako sa kung ano nang nangyari kay Alison at Kevin. Sila na, three years na. Si Alison, isa nang sumisikat na fashion designer. Nagsimula siya bilang apprentice ni Liz Uy after niya grumaduate from college, at ngayon, binibigyan na siya ni Ms. Uy ng sarili niyang shows. Ang galing noh? Si Kevin naman, ay mali, si Architect Kevin Santos, nagta-trabaho na din sa sikat na architectural firm. Nakakatuwang isiping kaming successful na kaming magkakaibigan sa mga pinili naming landas.

Ngayon, si Matthew naman ba ang gusto niyong malaman kung anong nangyari? Well, siya na ngayon si Engr. Matthew Ivan Manuel. Siya na ngayon ang humahawak ng Airline Company nila. Yung tungkol samin? I'm proud to say na 8 years na kami. Syempre sa loob ng 8 years na yun, hindi naman puro kasiyahan lang. Meron ding mga panahong nagkatampuhan kami at minsang pag-aaway pero never umabot sa puntong gusto na naming maghiwalay. Normal lang naman ang away, pero hindi namin sinukuan ang isa't isa. Ang sama ko nga minsan sa kanya eh. Na kahit ako yung may kasalanan, siya pa rin ang nauunang mag-sorry. Hahahaha. Sa ngayon nga pala, nasa Hong Kong siya. He's in a business trip na magi-isang taon na. Ang tagal na nung huli ko siyang nakita pero kahit na ganun,  hindi nawala ang connection namin sa isa't isa. Araw araw, tinatawagan niya ako, kinukumusta. Miss na miss ko na nga siya eh. Matatagalan pa daw yung pagbalik niya. Nakakaiyak. Busy din naman kasi ako kaya hindi ko siya mabisi-bisita. Haay.

Anyway, kanina pa ako kwento nang kwento. Uuwi na muna ako samin. Bago pa ako makapunta sa parking lot, tumunog yung phone ko.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

From: Alison

Gab! Na-reschedule naman yung meeting mo diba? Punta kang park, now na!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

To: Alison

Sige. Papunta na ako.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

So ayun, nagdrive na ako papunta sa park. Teka nga, pano nalaman ni Alison na na-reschedule ang meeting ko? Weird ah. Well anyway, pupunta na rin ako. Matagal tagal na din nung huli kaming nagkita ni Alison. Kasama niya kaya si Kevin? Nakaka-miss naman silang dalawa.

Pagdating ko sa park, ang weird. Walang tao. Kahit isa. Anong meron? Nasan si Alison? Dito niya ba talaga ako pinapapunta? Umupo na lang muna ako sa isang bench at tinawagan siya.

RINGGG!

Ring lang ng ring. Ba't di niya sinasagot? Nasan na ba yun? Nasan na ba yung mga tao dito? Ngayon lang nangyari 'to ah. Palaging ang daming tao dito eh. Try ko na nga lang tawagan ulit si Alison.

Serving Mr. ArrogantWhere stories live. Discover now