○ Chapter Twenty-Two ○

5.6K 119 2
                                    

Gab's POV

"Bakit, kung ikaw ba si Ella, sakin ka ba magkakagusto?"


Ilang araw na din 'tong paulit-ulit sa utak ko. Sana pala ang sinabi ko: "Eh ikaw naman talaga eh!" Pero syempre, dalagang Pilipina ang peg ko. Kaya sabi ko na lang sa kanya, "Ewan ko lang. Di ko pa naman kayo ganun kakilala eh. Pero siguro ikaw. Ang sama ng ugali ni Matthew eh! Hahahaha."


"Uy!" sigaw ni Kevin.


"Oh?" tanong ko.


"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah. Ano ba yang problema mo?"



"Wala akong problema. Pero may iniisip talaga ako."


"Share naman!"


"Ayoko. Kay Alison ko lang ishe-share 'to."



"Sus! Ganyan ka naman eh. Hula ko, tungkol kay Paul yan."


"Pano mo nalaman?"


"Hello! Lahat ng bagay sinasabi mo samin ni Alison. Pero may isang topic na hindi mo sakin shine-share. Yun yung mga bagay tungkol kay Paul. Don't worry. Okay lang naman sakin kung hindi mo i-share eh. Ganyan ka naman eh."



"Ang awkward kaya i-share sa lalaki yung mga tungkol sa crush mo. Kahit pa bestfriend din kita, ayoko mag-share sa'yo. Kasi diba, kadalasan, ayaw niyo ng mga kinikilig na sobra sa mga babae?"



"Sabagay, may point ka. Hahahahaha. Oh, nadito na si Alison. I-share mo na."


"Rainy morning guys! Grabe, ang lakas ng ulan. Sana masuspend. Hahahaha!" bati ni Alison. Dumiretso kaagad siya sa tabi ko. "So, ano nang nangyare after?"


Kinuwento ko naman sa kanya lahat.


"Alam mo, nahihiya na nga ako kay Paul eh. Kasi, kung makapagsabi ako sa kanya na ang torpe niya, akala mo close kami. Haaay. Buti na lang mabait siya."


"Eto naman. Masyadong paranoid. Saglit nga. Bakit ba gustong-gusto mong umamin siya dun sa Ela na yun? Weird mo din ah!"


"Eh kasi naman. Si Paul diba pinapaubaya na niya yung si Ela kay Matthew? Ayoko. Kasi etong si Matthew, mukhang may gusto kay Audrey. Nilalandi siya ni Audrey eh, nagpapalandi naman siya. Alam naman niyang nililigawan ng best friend niya si Audrey pero napapalandi pa rin siya. Ano bang problema ng Matthew na yun? Kung maka-dikit kay Audrey, kala mo sila. Basta! Ang gulo. Ang gulo-gulo."

"Alam mo minsan Gab, iniisip kong nagkakagusto ka na ulit kay Matthew."

"ANO?!"



"See. Masyado kang nagre-react. This past few days, palaging si Matthew ang bukang bibig mo. Magsisimula tayo sa ibang topic pero madalas natatapos siya sa pagku-kwento mo tungkol kay Matthew."

Serving Mr. ArrogantWhere stories live. Discover now