○ Chapter Twelve ○

6K 125 0
                                    

Matt's POV~

First time kong magp-POV. Grabe 'tong si Ms. Author eh, ako yung leading man pero nauna pa yung mga bestfriend ni Gab na magka POV.

Anyway, nasa school din ako ngayon. Nagpe-prepare din ang section namin para sa Miriam Festival. Palabas ako sa classroom nung makita ko si Gab na parang matamlay. Di ko na lang pinansin kasi may kailangan pa akong kunin.

THUG!

Lumingon ako at nagulat ako nang makita ko siyang nakahiga sa sahig. Yung mga babae lumapit.

"Tulungan niyo. Bigla na lang siyang bumagsak eh." sabi nung isang babae.

Out of reflexes, napatakbo ako kay Gab at binuhat siya. Tumakbo na ako papuntang clinic.

"Nahimatay siya sa sobrang pagod at gutom." sabi nung nurse.

Nagpapapayat ba 'to? Bat naman di siya kakain?

"Nag-lunch ka na?" tanong ng nurse sakin.

"Ah opo."

"Ganun ba? Uutusan sana kitang bumili ng lunch para kay Gab. Mukha kasing di pa siya naglu-lunch. Para naman pag gising niya, makakain siya at makabawi ng lakas."

"Ah, sige po."

Tss. Kaasar yung babaeng yun ah! Ako pa tuloy bibili ng lunch niya. Papabayarin ko na lang sa kanya mamaya. HAHAHA! Pagbalik ko sa Clinic, tulog pa rin siya. Namumutla pa rin. Hoy! Gumising ka na kaya para makakain ka na. Pinapahirapan mo sarili mo eh.

Mga ilang minuto pa ang lumipas nung mapansin kong unti-unti nang bumubukas yung mga mata niya. At nung bumukas na nga, aba nagulat siya! Gwapong mukha kasi ang sumalubong sa pagdilat niya.

"Huh? Bat ako nandito? Wait. San nga ba 'to?" tanong niya.

"Clinic." sagot ko naman.

"Huh? At bakit ka nandito?"

"Ako nagdala sa'yo dito, nahimatay ka kasi. Oh eto, lunch mo." sabay abot sa kanya nung binili ko.

"Waaaaah! Pagkain. Salamat!" ^____________________^

Ang saya mo naman makakita lang ng pagkain. "Babayaran mo yan."

"Mm!" ^________________^

"Dumaan nga pala si Alison at Kevin. Di rin sila nagtagal kasi marami pa daw silang gagawin. Sabi ko naman kasi, may nagbabantay na sa'yo." sabi nung nurse sa kanya.

"Ah! Oo nga pala. Kailangan kong tumulong sa kanila." at binilisan niya ang pagkain.

"Wag ka munang tumulong sa mga bagay na mage-exert ka ng maraming effort. Baka kasi mag collapse ka ulit."

"Opo! Sige po, una na ako. Salamat!"

Umalis na siya. Aba? Iniwan ako? At di man lang nag-thank you dahil ako nagdala sa kanya sa clinic? Ibang klase talaga yun. Tss.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

To: Gab

Sabay tayong uuwi.

SENT!

 ------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tumunog yung phone ko.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

From: Gab

Okies~

 ------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Past 7pm na kami natapos. Nakita ko siyang nagaantay sa may pintuan ng room. Kinuha ko na yung bag ko at lumapit sa kanya.

"Kanina ka pa?" tanong ko. Mahirap na, nahimatay pa naman kanina. Baka mahimatay ulit eh.

"Hindi naman. Tara. Ah, yung bag mo akin na."

Anong nakain neto at parang ang bait sakin? Dati kailangan pang takutin para sumunod pero ngayon nagkukusa?

"Wag na, magaan naman. Baka mahimatay ka ulit."

"Sus! Okay na ako eh. Akin na."

At pilit niyang kinukuha sakin yung bag ko.

"Wag na nga eh. That's an order."

"Hmp! Gusto ko lang naman i-express yung gratitude ko eh." dapat na bulong niya sa sarili pero sa sobrang lakas, narinig ko na rin. "Alam ko na! May gusto ka ba? Ibibigay ko sa'yo." ^_______________^

"Pag-iisipan ko."

Pagkababa namin ng sasakyan, nagsalita ulit siya.

"Samin ka na lang magdinner." aya niya.

Nabagok siguro ang ulo nito nung nahimatay. Dati rati, ayaw na ayaw niya akong nasa bahay nila. HAHAHA! Pero dahil inimbitahan na din naman niya ako, pumunta na rin ako at dun nagdinner. Pagkatapos kumain, tumulong ako kay tita na magligpit.

"Hatid na kita." si Gab.

"HA? Diba dapat lalaki ang maghahatid sa babae? Ano na naman yang pinagsasasabi mo?"

"Eh gusto ko kasing i-express yung gratitude ko. So ihahatid kita. Tara na."

Sumabay siya sakin sa elevator at nung nasa tapat na kami ng pintuan ng unit ko..

"Basta kung alam mo na yung gusto mo, sabihin mo lang sakin ah! Sige, goodnight." tumalikod na siya at naglalakad palayo.

"Saglit!"

"Hmm?"

Bakit ko nga ba siya tinawag?

"Ah, wala. Goodnight."

"Hehe." tumalikod na ulit siya pero bumalik na naman.

"Oh? Anong problema mo?" pagtataka ko.

"Bukas ako maglilinis. Anong gusto mong breakfast, lunch at dinner? Pero aalis ako ng hapon kasi hindi pa kami tapos magprepare para sa Festival. Okay lang b—"

Isang bagay ang ginawa ko na hindi maintindihan kung bakit ko ginawa. Matthew Ivan Manuel, nababaliw ka na ba? Bakit mo hinalikan si Gab?

 ~

That's Matthew on the multimedia. ♥

Serving Mr. ArrogantWhere stories live. Discover now