○ Chapter Twenty-Seven ○

5.4K 116 4
                                    

Matthew's POV

Ang tagal naman. Mga ilang oras akong paghihintayin ng babaeng yun?

"Ivan! Sorry. Ang tagal ko ba masyado? Bigla akong nautusan ni Sir Guevarra eh." dumating din siya sa wakas.

"Ang tagal mo. Malapit na mag-time oh!"

"Wag kang mag-alala. Walang first to second subject. May meeting ang teachers. So vacant period."

"Ganun ba?"

"Yep. So what do you want to talk about? Hm. Ah alam ko na. Sa tuwing kailangan mo akong kausapin, siya lang naman palagi topic eh. Ano, tama ako? Si Gab diba?" sabi niya.

Nandito nga pala kami ngayon sa school garden. Kaming dalawa lang. Yung kausap ko ngayon, si Pam. Classmate siya ni Gab. I know kilala niyo naman na siya. She's my cousin and my love adviser.

"Naku Ivan! Ano na namang nangyari?"

"Nilalayuan niya ako."

"Ha? Eh ano bang ginawa mo?"

"Hindi ko alam! Basta hinalikan ko lang naman siya sa noo tapos pagkatapos nun, hindi na niya ako nilalapitan kahit sabihin ko pang order yun."

"Ano ka ba namang lalaki ka! Ivan naman oh. Alam mo ba ang ibig sabihin ng halik sa noo?"

"Oo."

"Oh, alam mo naman pala eh. Sa tingin mo ba matutuwa siya nun?"

"Eh diba dapat matuwa siya?"

"Hindi siya matutuwa! Hello? Umamin ka na ba na may gusto ka sa kanya?"

"Hindi."

"Hindi pa rin?! Ivan! Ano ba! Eight years! Eight years na yang unrequitted love mo kay Gab pero wala ka pa ring balak umamin sa kanya? Napakatorpe mo namang nilalang!"

Eight years? Ganun na pala katagal? "Eh, Pam. Aamin na ba ako?"

"Itatanong mo pa sakin ah. Malamang oo!" sagot niya.

"Pano ako aamin eh nilalayuan niya nga ako eh."

"Ikaw na ang bahala diyan."

Gab's POV

Walang first and second class. Makabili nga ng juice.

"Alison, sama ka? Bibili ako." pagaaya ko.

"Pasabay na lang ako."

"Sure, sure."

Naglakad na ako papuntang canteen para bumili ng juice at tinapay na pinapabili ni Alison. Habang naglalakad pabalik, nakarinig ako ng mga nagtatawanan pero dahil hindi naman ako ganun katsismosa, hindi ko na inalam kung ano yun. Pero dahil sa sadyang nakikipaglaro sakin ang tadhana, nakita ko ang taong nialayuan ko kasama si Pam. Ang saya nila.  Sila pala yung nagtatawanan.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at binilisan nung malapit na sa kanila. Bakit ba naman kasi nandito sila sa kung saan ako dadaan eh.

"Gab!" tinawag ako ni Matthew. Oo, alam kong boses niya yun kaya napatakbo ako ng wala sa oras. Iniiwasan ko nga siya diba? Buti mabilis akong tumakbo kaya nakabalik kaagad ako sa room. Safe spot ko 'tong room eh. Hindi naman siya pwedeng pumasok na lang dito basta basta. At mahiya naman siya kung gagawa siya ng eksena.

Teka, kasama niya kanina si Pam. Masaya siya nung kasama niya si Pam. Pam. Pamela. Pam-ela. Ela. Ela? Teka, hindi kaya siya ang first love ni Matthew? Ela diba?

"Gab, tawag ka ni Matthew." sabi ng isa kong kaklase.

"Ha? Sabihin mo ayaw ko siyang makita."

Nagulat naman ako nang biglang nagsilapit sakin yung iba kong kaklaseng babae.

Serving Mr. ArrogantUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum