○ Chapter Eighteen ○

6.1K 118 0
                                    

Eto na. Babalik na tayo sa kinikilig na si Gab habang kasayaw si Matthew. Balik tayo sa past, sa araw ng Miraim Ball. Este, gabi pala.  ~ Mademoiselle Maria  

Gab's POV 

"Ang sama mo talaga!" pinalo ko siya, yung di naman masyadog malakas. "Walang puso." bulong ko naman sa sarili ko. 

"Malamang wala. Nasa'yo eh." 

Sa mga sinabi niya, dun ko napansing sobrang bilis na pala ng tibok ng puso ko. Sana hindi niya marinig. 

"Kinikilig ka ba? Kinikilig ka noh? Ang lakas ng tibok ng puso mo eh. Naririnig ko." bulong niya. 

"I-imagination mo lang yun!" kaasar! Ba't niya naririnig? >//////< At teka nga, kanina pa 'to nakayakap ah! Quota na. Kaya pinilit ko ulit kumalas sa pagkakayakap niya kaso lalo niya pang hinigpitan. 

"Ganito muna tayo. Gusto kong mayakap pa kita ng mas matagal." 

Ano ba 'to? Gusto niya ba talaga o pakitang tao pa rin siya. Matthew please, wag mo nga akong pakiligin kundi magkakagusto talaga ako ulit sa'yo. 

"Gusto kong mayakap ka pa kasi ang lambot po. Ang taba mo!" at tumawa siya habang nakayakap pa rin sakin. Magsasalita pa lang ako pero nagsalita ulit siya. "Tara na nga dun sa table. Kunan mo ako ng pagkain at maiinom." 

Ay leche. Uutusan pa rin ako? Kinikilig na ako eh. UGGGGHHHHH! Kaasar talaga 'tong lalaking 'to! Wag ko kayang sundin ang utos niya at tumakas na? Pwede! 

"Hoy! Pag hindi ka bumalik dito, mananagot ka sakin." 

Kung makabasa ng iniisip 'to ah! Wala na ba akong privacy? Kahit sa isip na lang oh. 

"Tigilan mo na ang kaka-drama mo diyan at kumuha na ng makakain. Nagugutom na ako eh. Nakakagutom palang um-acting." 

Edi i-end mo na yung kontrata natin para wala ng acting acting at parehas tayong masaya. 

"Oy! Bilisan mo na." 

Binabawi ko na nga pala yung sinabi ko kani-kanina. Malabong magkagusto ulit ako sa kanya. Sa ugali niyang yan? Asa pang may magtagal sa kanyang babae! 

So ayun, natapos ang Miriam Ball na sobrang badtrip ako dahil buong gabi si Matthew ang kasama ko. Hindi ko nga nakita sina Alison at Kevin eh. Ano kayang nangyari sa dalawang yun? Hmmm. Antayin ko na lang silang magkwento. 

Kinabukasan. Rest day. Anong rest day? Walang rest day rest day sa isang katulad ko, kung ang amo mo ay si Matthew Mayabang. Buti pa ibang katulong, may rest day na, may sweldo pa! Haay. So ayun nandito ako sa bahay ni Matthew, naglilinis at kung anu-ano pa. Naiinis ako! Imbis na kasama ko ngayon si Alison, umepal pa siya. Hmp! 

"Hoy!" tawag niya sakin habang nagva-vacuum ako. 

"Ano?" tiningnan ko siya habang nagtataray. Kung inaakala niyang bati na kami, hindi pa! Mas lalo akong galit sa kanya. Hindi pa siya nagso-sorry dun sa first k-k-kiss (nahihiya akong banggitin) ko, sa pagtabi niya sakin sa higaan, sa pagpapakilig niya sakin na panga-asar pala, at sa pagkuha ng rest day ko. 

"Ano..." tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sakin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at tiningnan ako sa mata. N-nakakatunaw naman yung tingin niya! "S-sorry dun sa lahat ng nagawa kong masama sa'yo. Hindi na mauulit yun. Ang totoo kasi niyan, gusto kong mapansin mo ako kasi... Kasi... Kasi gusto kita." lumapit pa ang mukha niya sa mukha ko kaya naman ipinikit ko ang mga mata ko ng biglang... 

Serving Mr. ArrogantWhere stories live. Discover now