○ Chapter Eight ○

6.6K 131 5
                                    

Gab's POV

Saturday Morning.

I knew you were trouble when you walked in..  ♪♫

UGGGGGHHHHH! Ang aga aga, nangiistorbo. Bahala ka diyan. Maya-maya ko na sasagutin. Saturday na Saturday ehhhhhh. –____________–

I knew you were trouble when you walked in..  ♪♫

UGGGHHHHHHHHH! Tinakpan ko ang ulo ko ng unan. Istorbo!

I knew you were trouble when you walked in..  ♪♫

Sinagot ko na yung tawag.

"HOY! ANG AGA AGA NAMBUBULABOG KA! PWEDE MATULOG MUNA AKO?"

Oha! Caps Lock para intense. >_____________________<

"10am na at wala ka pa dito sa bahay. Baka nakakalimutan mong maglalaba, magluluto at maglilinis ka pa sa bahay."

"WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT? 10AM NAAAAAAAAAAAAA?"

Seriously? Ang late ko namang nagising ngayon. –____________–

"Pumuta ka na dito. Within 20 minutes. Nagugutom na ako."

"Yes sir!"

Puteeeeeek. 20 minutes para maligo, mag-ayos at kumain? UGGGGGGGGGHHHHHHHHHH! Epal ka talaga Matthew Mayabang! TT_____________________TT

Fortunately, natapos naman akong maligo at mag-ayos within 15 minutes. Shocks! Hindi na nga ako mag-aalmusal. Dun na lang.

"Ma, alis na po ako."

"San ka pupunta?" tanong ni mama.

"Kay Matt po. Magpapaturo po kasi ako. May quiz kami sa Physics sa Monday eh."

OY! Partly lang ang pagsisinungaling ko diyan. May quiz talaga kami, pero hindi ako magpapaturo. Di naman ako tuturuan nun eh.

"Wait. Eto, dalhin mo na 'to sa kanya. Di ka pa nag-aalmusal at baka siya din." inabot ni mama sakin yung strawberry melon bread na si mama mismo ang nagbake at mushroom soup. "Initin mo na lang yung soup."

"Ah, opo. Sige po."

Umalis na ako at dumiretso sa condo unit ni Matthew Mayabang. Nag doorbell ako. Pagbukas ng pinto, nanlilisik ang paningin niya.

"You're late for 2 minutes." sabi niya.

WTH.

"Sorry naman. Anyway, eto na yung pagkain. Iinitin ko na lang kaya wag ka nang magalit sakin, please?" ^_________________^ Ngumiti ako para naman wag na magalit.

"Bilisan mo." yun lang ang sinabi niya at umupo na siya sa sofa sa living room.

Habang iniinit ko yung sopas, napansin kong ang ganda ng condo unit niya. Pang mayaman talaga. Kumain na kami at nagsimula na akong magbabad ng labahan.

"Eto pa," sabi niya at iniabot sakin ang sandamakmak na maong na pantalon at t-shirts.

"Ang dami naman niyan? Sigurado kang labahan yan? Eh parang buong closet mo ang pinapalabhan mo sakin eh."

Pero seriously, ang dami talaga. At mukha namang malilinis pa yun. Pinapahirapan na naman ako netong lalaking 'to eh. UGGGGHHHHHHHH! Pero syempre, okay lang kasi washing machine naman ang gagamitin ko. Binabad ko na yung puti at nagsimula nang magpunas-punas. Napansin kong 11am na. Uy! Nagkita na siguro sina Alison. Ano kayang nangyayari ngayon? Hihihihi. Kinikilig naman ako para sa kanilang dalawa.

"Hoy! Anong oras na. Magluto ka na."

"Opo. Saglit lang ha?"

UGGGGGHHHHHHHHHHH! Kaasar talaga 'tong lalaking 'to. Hmmm. Ano kayang lulutuin ko? Ah! Papakitaan kitang lalaki ka! Makikita mo kung gaano ako kasarap magluto. BWAHAHAHAHAHA!

"Bibili lang ako."

After 1 hour, natapos ko din ang Shrimp Etouffee ko.

"Eto na po yung lunch. Nakahanda na po."

HEHEHEHE. Tingnan natin kung hindi ka ma-inlove sa sarap ng luto ko.

"Ano 'to?"

.

.

.

"Eeeewwwww. Hindi mo alam? Mayaman ka ba talaga?"

.

.

.

Joke lang syempre! Di ko yan sinabi.

"Shrimp Etouffee."

"Papatayin mo ba ako?"

"Ha? Bakit?"

"Allergic ako diyan. Yan ba yung binili mo?"

"Oo. Sorry. Hindi ko alam na allergic ka sa shrimp. Sorry. Magluluto na lang ulit ako."

"Wag na. Magpadeliver ka na lang."

"Ah, sige."

Bumalik siya sa kwarto niya at nagpadeliver na ako. Grabe. Muntik ko na siyang mapatay? UGGGGGGGHHHHHHHHHH! Buti na lang tinanong niya.

Natapos ang araw na hindi ko siya matingnan sa mata. Nagi-guilty ako. Kahit naman di ko alam, parang sinasadya ko kasi nga galit ako sa kanya diba? Sa pamba-blackmail niya sakin. Pero hindi ko naman pinaplanong patayin siya. I mean, oo sinasabi ko sa isip ko na mamatay na sana siya, pero I don't really mean it. UGGGGGGGHHHHHHHHHHH! Ang gulo ko ba? Anyway, pagabi na. Pinagluto ko na siya ng dinner. Paalis na ako nang bigla siyang magsalita..

"Wag ka ngang ma-guilty diyan. Di naman talaga ako mamatay agad kung nakain ko yun. And anyway, hindi ko siya nakain."

"Oo nga, pero kasi –"

"Salamat na lang sa mga ginawa mo ngayong araw. Balik ka bukas, tuturuan kita sa Physics. May quiz tayo diba?" sabay ngiti niya sakin.

HUH? Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko? A-anong nangyayari?

"Ah, s-sige. Salamat. Alis na ako."

"Mm."

Sinarado ko yung pinto at tumakbo papuntang elevator. Gab, huminahon ka. Ngumiti lang siya. Masama ang ugali niya. Joke lang yung ngiting yun, ha?

Pero nung maalala ko yun ngiti niya, lalong bumilis yung tibok ng puso ko.

Wag mong sabihing..

May gusto na ulit ako sa kanya?

~

Kung gusto niyo nga palang i-try yung Shrimp Etouffee, ang recipe niya nasa extrenal link. Click niyo na lang. :)

By the way, that's Matthew's living room on the multimedia. ♥

Serving Mr. ArrogantOù les histoires vivent. Découvrez maintenant