○ Chapter Twenty ○

5.4K 117 0
                                    

Gab's POV

"Hindi naman sa ganun. Yung first love ko, siya ring first love ni Matt." sabi ni Paul. 

"Say wut?" ang gulo ah. Naguguluhan ako. Saglit nga. "Eh sino ba kasi yung babaeng yun?" please sana ako. Sana ako po yung gusto ni Paul. Eeeeee! Ang landi ko. HAHAHAHA! 

"Ela. Ela ang pangalan niya." 

Ouch! Ang sakit naman. Umasa ako eh. Huhuhu. TT_____________________TT Ang swerte nung Ela na yun. "Sobrang ganda siguro ni Ela, kung sino man siya." 

"Pano mo naman nasabi?" tanong niya. 

"Eh kasi, ikaw tsaka si Matthew ang nagkakagusto sa kanya eh." 

"Oo. Maganda siya. Mabait. Masayahin." pagkasabi niya nun, napangiti siya. 

UGGGGHHHHH! Siya na. Siya na ang maganda, mabait, masayahin, at crush ni Paul. Kainis! Ang swerte naman nung Ela na yun. Sana ako na lang siya. Huhuhu. "Eh bakit pinapaubaya mo na siya kay Matthew? Si Ela I mean." tanong ko ulit. Pasensya na sa kanya kung matanong ako. Pero kasi, kawawa naman si Ela kung si Matthew ang makakatuluyan niya. 

"Ayoko ko kasing mag-away ulit kami dahil sa iisang babae." 

"Ulit?" ang dami ko talagang tanong. Buti hindi pa siya nagagalit sa kakatanong ko. >______________< 

"9th grade, nag-away kami dahil sa isang babae. Nililigawan ko siya. Pero isang araw, nakita ko silang magkasama, nagtatawanan. Nagselos ako. Nasuntok ko siya nun, dahil lang dun. Ang babaw ko noh? Nagtatawanan lang naman sila eh. Akala ko kasi inaagaw siya ni Matt sakin. Tinigilan ko ang panliligaw dun sa babaeng yun dahil umayaw na siya. After nun, sinabi niya sakin ni Matt iisa pa lang daw ang taong minahal niya, at wala nang iba. Si Ela." tumigil siya at napansin kong ngumiti siya. Yung ngiti niya, para ba yun kay Ela? "Pinakilala ni Matt sakin si Ela. After nun, napansin ko na yung sarili kong lagi siyang hinahanap. At pag nakikita ko siya, napapangiti ako. Sinubukan kong wag magkagusto sa kanya, pero hindi ko nagawa. Kaya pinipigilan ko ang nararamdaman ko sa kanya. Mahirap, pero kailangan." page-explain niya sakin. 

Ang swerte talaga nung niya. Ayoko na. Sobrang nagseselos na ako kung sino man siya. Mamatay na siya. Joke! Naku, ang sama ng iniisip ko. Erase. Erase. After nun, kung anu-ano na lang pinagkwentuhan namin. Actually, parang ako nga lang yung nagsasalita eh. Ang daldal ko talaga. Nakarating na kami sa tapat ng elevator ng condo. "Salamat sa paghatid ah." 

"Wala yun. Ang saya mo pala kasama. Kung anu-ano sinasabi mo eh." 

"Sorry. Ang daldal ko masyado." >____________________< 

"Okay lang." 

Bumukas na yung pintuan ng elevator at pumasok ako. 

"Good night." ngumiti siya sakin at bumilis yung tibok ng puso ko. Tumalikod na siya. Pasara na yung pinto ng elevator pero bigla kong pinigilan yun. 

"Paul!" sigaw ko. Ano ba 'tong gagawin ko. Hindi ko na alam. 

"Mm?" lumingon ulit siya sakin. 

"Crush kita." oh shoot! GAAAAAAAAAB! Bat ka umamin? Leche. 

"Crush mo ako?" tanong ni Paul na halatang gulat. 

"HA? Wala! Bye!" 

Tumakbo siya pabalik sa elevator para habulin ako pero buti na lang sumara na yung pinto bago pa siya makapasok. Ohmygosh. Ohmygosh. Ohmygosh. OHMYGOOOOOOSH! Kinuha ko kaagad yung cellphone ko at dinial ang number ni Alison. "Alison. Alison. Sagutin mo agad. Alisoooooon!" 

"Hello, Gab?" boses ni Alison. 

"ALISOOOOOOOOON!" 

"Gab? Anong nangyayari? May sunog ba sa inyo? Na-holdapka ba? Nanakawan? Anooooo? Gab. Uy!

"Alisoooooon!" 

"Hindi kita ma-gets Gab. Ano bang meron sa pangalan ko at Alison ka ng Alison diyan?

"Huhuhu. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun. Alisoooon. Anong gagawin ko?" 

"Ha? Please elaborate Gab.

"Alison. Umamin ako kay Paul. Pero nung na-realize ko yung ginawa, huli na. Nasabi ko na. Anong gagawin ko? Baka hindi na ako lapitan nun! Huhuhu." TT_____________________TT 

"Ohemgee Gab! Okay lang naman na umamin ka eh. Ano bang itsura niya nung umamin ka?

"Nagulat siya." 

"Eh gusto mo bang malaman niya na may gusto ka saknya?

"In a way, oo. Pero ayoko. Nahihiya ako eh. The fact na umamin ako. UGGGGGHHHHHH!" 

"So ayaw mong malaman niya?

"Ayoko. Lalo pa't nasabi niya saking ang gusto niya ay someone named Ela." 

"May gusto siyang iba? Hindi si Audrey?

"Basta, mahabang storya." 

"Ah. Yiiieeee! May secret kayong kayo lang ang nakakaalam ah! Yiiiiiieeeee!

"Anobanamanto! Namomroblema na ako ehhh." 

"Eh ano bang gusto mong mangyari?

"Babawiin ko. Sasabihin kong joke lang. Mga ganun." tapos nag-usap pa kami nang pagkatagal-tagal. Nai-kwento niya na rin sakin na umamin nga si Kevin sa kanya. Tapos kung saan saan na napadpad yung usapan namin. Sa KPOP, Kdrama, Anime, homework sa Calculus, hanggang sa gwapong student teacher sa P.E., etc. HAHAHA! K. At least, medyo nakalimutan kong umamin nga pala ako kay Paul. At, naalala ko na naman. Huhuhu. Buti na lang, hindi nagkatagpo ang landas namin kinabukasan. 

Kaso, ngayon for sure, oo. Saturday. Sa tapat ng TV station kung saan magaganap yung audition. 

"Uhh. Pwedeng dito na lang ako sa labas?" tanong ko kay Matthew. 

"Bakit?" 

"M-may phobia kasi ako sa mga artista. You know, baka may makasalubong tayo. Alam mo yung uhh.. Ferecelebritisiasis Phobia?" 

"Walang ganung phobia! Tara na." 

"Ayoko." 

"Number five on the contract: She is to follow..." 

"Yeah right. Yeah right. Eto na tara na." nauna na akong pumasok. "Oh? Bat nasa labas ka pa? Ang bagal naman neto." 

"Kuya Matthew!" tawag nung magandang nilalang. Yep, si Audrey. "I'm so glad you made it." pagkasabi niya nun, kumapit na siya kay Matthew at binigay sakin yung handbag niya. "Bring that. Alalay ka diba?" 

I know, don't worry. Lumingon lingon ako. Phew. Buti wala si Paul ngayon. Akala ko pa naman pupunta siya. Yahoooooo— 

"Hinahanap mo ako?" nagulat ako nung biglang may nagsalita sa likod ko. Shoot! Andito siya. 

"Uhh. H-hi Paul! HAHAHA! T-tara na." ano ba 'to! Nahihiya ako sa ginawa ko nung last time eh. TT______________TT 

"Tara." 

Naglakad na kami habang sumusunod kina Matthew at Audrey. 

"Totoo ba? Yung sinabi mo nung Thursday night? Yung, crush mo ako?" 

"H-HA? A-ANO? HAHAHAHA! Ikaw naman. Joke lang yun noh! I mean, kumakanta lang ako nun. Kinompose ko lang. Ang title, Crush Kita. Lalala~ ♪ ♫" 

"Ganun ba?" 

"O-oo! HAHAHAHA!" kinagat niya! Yay! 

Bumulong siya pero kahit mahina, narinig ko pa rin. "Sayang, akala ko totoo." 

A-ano daw? >////////< 

~

Made-up word lang pala yung Ferecelebritisiasis Phobia "fear of celebrities".

Panoorin niyo nga pala yung video, although ang title niya is 2nd Confession, ang main idea ng chapter na 'to ay 1st Confession. Sorry kung may KPOP hater na nagbabasa neto. 

By the way, Gab on the multimedia. ♥

Serving Mr. ArrogantWhere stories live. Discover now