○ Chapter Twenty-Eight ○

5.3K 106 0
                                    

Gab's POV

"Kalimutan mo na lahat ng yan. Etong sasabihin ko lang ang totoo. I like you. I've always liked you. Nung grade five pa tayo nung nagkagusto ako sa'yo and ever since ikaw lang."

I like you? I like you? Sabi ni Matthew, 'I like you?' Totoo ba yun o nananaginip lang ako?

"Uy! Magsalita ka naman. Sabi ko gusto kita. Wala ka bang sasabihin sakin?" nagulat ako nung biglang nagsalita ulit si Matthew.

"I hate you." bulong ko sa kanya.

"Ano yun?"

"I hate you."

"Ha?"

"I HATE YOU MATTHEW IVAN MANUEL! Wag mo nga akong pinaglololoko! Kung may gusto ka talaga sa akin, noon pa, bakit pinahirapan mo ako? Bakit mo ako ginawang katulong mo? Ha?!"

"I'm sorry okay? Bakit ba kita naging slave in the first place?" tanong nito.

"Hello! Kasi nasira ko yung mechanical pencil na sabi mo worth ewan dollars na feeling ko Php 50.00 lang!"

"Yes. Dahil sa mechanical pencil na yun. Hindi ba familiar yun sa'yo?"

"Ha? Bat naman magiging familiar yun sakin eh sa'yo yun diba?"

"Binigay lang yun sakin. Binigay mo sakin."

"Ha? Ano? Ang gulo mo palagi!"

"Grade four tayo nun. Hindi tayo magka-klase pero magkatabi lang yung room natin. Nagte-take ako ng special exam kasi absent ako nung talagang araw ng exam. Nasa hallway ako nagte-take ng exam at binabantayan ako nung teacher namin. Saktong nasira yung pencil ko pero hindi ako pwedeng umalis sa pwesto ko or manghiram sa kanya. Sabi niya, dapat daw prepared na ako before taking the exams para dere-deretso ako sa pagsagot. Nandun ka din sa hallway nun at I guess napansin mong wala akong pencil at alam mo ding bawal akong manghiram kasi baka sabihan akong cheating. Natawa ako sa ginawa mo nun. Nagpadapa ka sa harapan ko at iniabot sakin yung mechanical pencil. Sabi mo sakin na lang yun at tapusin ko yung exam. Nag good luck ka pa sakin. And thankfully, I got perfect scores in that exam dahil sa mechanical pencil mo. Ever since then, palagi na kitang napapansin. I always wanted to thank you pero palaging ang dami mong kasama. Kaya nung naging magka-klase tayo nung grade five, at nung naging close tayo, madalas akong mag-thank you sa'yo out of nowhere."

"Eh bakit mo pa rin ako ginawang slave? Ha?"

"Nung nasira yung mechanical pencil na yun, I was outraged. Pero nung nalaman kong ikaw ang nakasira, I felt somewhat happy. The mechanical pencil for me contained a lot of our memories. And nung nasira mo, I thought, since ikaw din naman nakasira, I have to make something para maging close ulit tayo. And you gave me that idea so I grabbed it. I'm sorry for doing a lot of horrible things to you."

"AHHH! Bat ba ang torpe mo?"

"Sorry, eh hindi ako experienced sa love anong magagawa ko."

"SANA DIBA LUMAPIT KA NA LANG SAKIN AT SINABING GUSTO MO ULIT AKONG MAGING KAIBIGAN! NAKAKAINIS KA! AT IN THE FIRST PLACE, SINO BA MAY KAGAGAWAN KUNG BAKIT AKO LUMAYO SA'YO? DIBA IKAW?"

"Hindi ko alam kung bakit ka biglang lumayo sakin nung grade five. Akala ko magkaibigan na tayo nun pero isang araw, iniwasan mo na lang ako."

"HINDI MO ALAM KUNG BAKIT? FINE! SASABIHIN KO SA'YO KUNG BAKIT. SOBRANG SAYA KO NUNG NALAMAN KONG MAY ISANG LALAKI, MALIBAN SA PAPA KO ANG NAKAKAKITA SAKIN BILANG ISANG BABAE. SOBRANG SAYA KO, NUNG NAGCA-CARE KA SAKIN KASI SABI MO BABAE AKO. DAHIL UNANG BESES YUN, NA MAY TUMURING SAKIN BILANG ISANG BABAE. PERO SUDDENLY, SA MISMONG BIRTHDAY KO PA, NUNG SINABI MONG PARAG KAPATID MO LANG AKONG LALAKI. SINABI MONG SINO BA ANG MAGKAKAGUSTO SAKIN? OO! ALAM KO NAMANG HINDI AKO MAGANDA, HINDI AKO GIRLY KUMILOS NOON PERO PATI BA NAMAN IKAW, NA AKALA KO IBA SA KANILA, SASABIHAN AKONG PARA AKONG LALAKI? NAKAKAINIS KA! PERO SALAMAT DIN SA'YO AH, DAHIL NATUTO AKONG MAG-AYOS NG SARILI KO. NATUTO NA AKONG MAGPAKABABAE!"

Nagulat ako nung bigla niya akong niyakap. Sobrang higpit. Naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit.

"I'm sorry. Gab, I'm sorry. I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Bata pa ako noon, hindi ko pa kayang ipagtanggol ka sa maraming tao. Hindi ko kayang sabihin na gusto kita. I'm sorry."

Niyakap ko din siya. At naramdaman ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko.

"Nakakainis ka. Naiinis ako sa'yo."

"I'm sorry. I'm sorry. I'm sorry din sa pagpapahirap na ginawa ko sa'yo. Pero maniwala ka sakin, gusto kita at ikaw lang talaga."

"Thank you. I like you." bulong ko sakanya.

Bigla siyang kumalas sa pagkakayakap sakin at nagsalita, "Gusto mo din ako? Ibig sabihin, tayo na? Tayo na talaga?" ^____________^

Ngumiti ako at tumango. Napansin kong bigla siyang yumuko at tinakpan ang mukha niya.

"Anong problema mo?" sabi ko at iniangat ang ulo niya at inalis ang nakatakip na palad niya sa mukha. Nakita kong namumula siya. Ngumiti ako.

"Wag mong tingnan! Nakakahiya!"

"Namumula rin pala ang mukha mo pag kinikilig? Ang cute mo oh!"

"Wag mo ngang tingnan eh."

"Kulay kamatis na yung mukha mo oh!"

"Wag mo akong aasarin kundi hahalikan kita."

"Bakit ba kanina ka pa sabi nang sabi ng hahalikan kita?"

"Kasi hahalikan talaga kita."

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Tiningnan niya ang mga mata ko at ngumiti.

"Hoy! Hoy! Bawal!"

"Bakit bawal? Nung hindi pa talaga tayo, nagpapahalik ka pa sakin eh. Tapos ngayon, bawal na?"

"Eh ninanakaw mo lang lahat nang ha—" O_______________O

"First kiss." sabi niya pagkatapos magdampi ang mga labi naminsabay ngiti.

"EPAL KA TALAGA! At first kiss ka diyan?!"

"First kiss natin as boyfriend and girlfriend."

"Ewan ko sa'yo!" tumalikod ako sa kanya at kunwaring nagtatampo.

"Grabe naman. Magkaaway na kaagad tayo kahit ngayon lang tayo naging official couple?"

"OO! Nakakainis ka kasi!"

"Bakit?" nakangiti nitong tanong.

"Wala!" pasigaw kong sagot. Palagi mo kasi akong ninanakawan ng halik. "Anyway, magta-time na. Mauuna na ako!"

"Sabay tayong mag-lunch ah?"

"Oo. Palagi naman eh." sabi ko habang naglalakad na palayo. Hinabol niya ako at biglang hinawakan ang kamay ko.

"Hanggang pagtanda natin." sabi niya at ngumiti sakin.

Ngumiti din ako. Nakakatuwa. Parang sinasabi niya na rin sakin na ako na talaga.

~

Let's pretend that that's the scene between Matthew and Gab on the multimedia. ♥

Serving Mr. ArrogantWhere stories live. Discover now