○ Chapter Fourteen ○

6.1K 125 1
                                    

Matthew's POV

"Mama! Papa! Gising na kayo!" 

Idinilat ko ang mga mata ko. 

O______________________O 

"AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!" sigaw ni Gab habang kumaripas siya ng takbo papuntang pintuan ng kwarto. Hila hila pa niya yung kumot. 

"Ano ba! Ang sakit sa tenga ng sigaw mo!" tumayo ako sa kama at lumapit sa kanya. 

"A-anong ginawa mo sakin? Bakit tayo magkatabi sa kama? Diba sabi mo tatabi ka lang hanggang makatulog si Joshua? Bakit ikaw yung katabi ko paggising ko at hindi si Joshua? Bakit? Bakiiiiiiiiiit? AAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH-mmfffff!" 

"Tumahimik ka nga!" sabi ko habang nakatakip yung palad ko sa bibig niya. 

"Mfmfmfmfmf! Mfmfmfmf!" pagpupumilit niyang magsalita. 

"Makinig ka muna. Mag-aalas dose na hindi pa rin tulog si Joshua. At pagkatapos nun, pinikit ko lang saglit yung mata ko. Paggising ko, tayong dalawa na lang ang nasa kama. Okay? Wag ka ngang mag-overreact diyan." 

"Hmp! Kahit na! UWAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" TT_______________________TT 

Ang sakit naman sa ulo ng babaeng 'to. Mas masakit pa sa tenga yung iyak niya kesa kay Joshua. 

"Mama, papa. Sorry po. Akala ko po kasi magkakabati kayo pag magkatabi kayo kaya umalis ako nung nakatulog si papa. Magkakaaway lang po pala kayo lalo. S-sorry p-po." akmang iiyak na si Joshua nang kargahin ito ni Gab. 

"Joshua, hindi kami nag-aaway. Napalakas lang yung boses namin kanina. Diba, MATTHEW?" sabi niya at tiningnan ako ng masama. 

"Eh iiyak na po kayo kanina eh." 

"HEHEHE. Hindi ah! Napuwing lang ako." sabi ulit neto at ngumiti kay Joshua habang nilalaro yung mga kamay niya. 

"Mamaya ka sakin!" bulong niya sakin at lumabas na ng kwarto kasama si Joshua. 

Paglabas ko ng kwarto, napansin kong papaiyak na naman si Joshua. 

"Oh, anong nangyare?" 

"Sabi ko kasi uuwi muna ako para maligo at magbihis, ayaw niya naman. Anong gagawin ko?" mukhang papaiyak na rin siya. Ang iyakin naman neto. 

"Joshua, gusto mong sumama sa bahay ni mama?" tanong ko kay Joshua. 

"Pwede po?" 

"Oo naman! Oh, dalhin mo na lang siya sa inyo. Para dun na rin siya mag-breakfast. Ikaw na rin pala magpaligo sa kanya. Dalhan mo ng damit." 

Napansin kong bumubulong bulong na naman siya sa sarili niya. Minsan talaga ang creepy ng babaeng 'to. 

"Umaangal ka na naman sa utos ko. Gawin mo na lang." sabi ko sa kanya. 

"Nabasa mo isip ko? Na naman?" 

"Binubulong bulong mo yung iniisip mo. Malamang malalaman ko yang iniisip mo." 

"Whatever. Tara na Joshua." 

"Opo!" masayang sabi ni Joshua. 

Umalis na sila at nagayos na rin ako. Ang dami ko nang atraso kay Gab. Hindi ko naman talaga ginustong gawin sa kanya 'to. Hindi ko ba alam. Nadesperado lang ako. 

Gab's POV 

Si mama ang nagpaligo kay Joshua. Matagal na daw kasi niyang gusto mag-alaga ulit ng bata kaya hinayaan ko na lang siya. Si mama talaga. Kaya nga gusto niya na mag-asawa sina ate eh. Para daw magka-apo na siya. HAHAHAHA! >____________________< 

Dumating si Matthew tapos kasabay na rin namin siyang nagbreakfast. Halatang tuwang tuwa si mama. Feeling niya siguro, parang apo niya talaga si Joshua tapos mag-asawa kami ni Matthew. The hell.

Pumunta na kami sa school and of course, hindi ko pinapansin si Matthew. Buti na lang kasama namin si Joshua kaya hindi halatang hindi ko siya pinapansin. Pero mas gusto ko nga na mahalata niyang di ko siya pinapansin eh. Gusto ko lang naman mag-sorry siya sa ginawa niya. UGGGGGGGGHHHHHHHHH! But no. Not once hindi siya nagsabi ng sorry dahil sa ginawa niya. 

At as I've expected pagkababa na pagkababa ko ng kotse kasama si Joshua, nagbulung bulungan na ang mga nakakita samin. 

Mga ganito: 

"Ang cute nila tingnan oh! Parang anak nila yung bata." 

"Parang isang pamilya sila oh!" 

"Bagay talaga sila." 

UGGHH! Kailan ba mawawalan ng tsismis tungkol sakin? –_____________– 

Dumiretso na ako sa classroom para ibalita kay Alison ang lahat lahat. At syempre, kasama ko si Joshua. 

"WHAAAAAAAAAAAAAAA? Anak niyo?" sigaw ni Alison pagkakitang pagkakita niya sakin at kay Joshua. 

"Baliw! Pamangkin 'niya'." 

"Ooooooh. Ang cute." 

"Ay nako. Bago ang lahat, ikukwento ko muna sa'yo ang kasamaan nung taong yun. Wala kasi akong load kaya hindi kita na text. Wala rin kaming internet. UGGGGGGGGHHHH!" 

"Anyare?" 

Kinwento ko sakanya lahat. As in lahat. 

"ANOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO?" O_____________________________O Si Alison yan. 

"Shh! Wag ka maingay." saway ko. 

"Hindi eh. Wala akong pakialam kung marinig nila. Grabe naman talaga kasi si Matthew!" 

"Shh! Eto naman. Hinaan mo lang." 

Tinuloy ko yung pagkukwento. 

Matthew's POV 

Papunta ako sa canteen para maglunch nang marinig ko ang bulung bulungan ng mga babae sa hallway. Wala talaga akong pakialam sa mga tsismis kaso, iba yung narinig ko eh. 

"Oh? Talaga?" sabi ng isang babae. 

"Oo! Galit si Gab kay Matthew. Hindi ko lang narinig kung bakit pero parang may third party daw si Matthew!" sabi nung isa pa. 

"Hindi! Ang rinig ko pinagbuhatan ng kamay ni Matthew si Gab eh." 

"Oh? Grabe naman si Matthew." 

"Oo nga eh. Kawawa si Gab." 

"Basta, narinig kong nagkukwento si Gab kay Alison nang nangyari daw nung Sabado ng gabi." 

Ano daw? May third party? Pinagbuhatan ko ng kamay? Nangyari ng Sabado ng gabi? Ah. Yun ba? Heh. Ano kayang magandang gawin para mapalitan yung bagong tsismis na kumakalat? Ah! Alam ko na. 

Humanda ka sakin Gab. *Smirk* 

~

That's Joshua on the multimedia.  ♥

Serving Mr. ArrogantWhere stories live. Discover now